Austin's POV
Ilang minuto palang narating na namin ang mansyon bumukas naman agad ang gate pinarada ko ang kotse sa entrada ng mansyon at nandoon naka hilera ang mga katulong,gwardya,hardinero,si chef arthur at si Butler Seo. Pinagbuksan ko ng pintuan si laide at inalalayan ng makita sya ng mga ito natulala sila at halatang gulat na gulat agad naman akong nabigla ng salubungin ni minchi si laide ng mahigpit na yakap ganun din si alfred na kusinero sa mansyon mga kaibigan nya ang mga iyan.
"Masaya akong makita kang muli prinsesaaa."wika nya sabay yakap ng mahigpit kay laide
"Maligayang pagbabalik Ms.Adelaide."
Matapos silang magyakapan lumakad na kami papasok sa loob ng mansyon at iginaya kami ni Butler Seo kung nasaan ang chairman,Nasa loob siya ng kanyang opisina sa loob niyon ay isang malaking kama dun nakahiga ang chairman naka suwero narin sya ng madinig nya ang mga yabang ng aming mga paa dali dali nyang iminulat ang kanyang mga mata mga ilang sandali pa lumabas si Aenon mula sa Banyo at may hawak na tissue paper nabitawan nya iyon at agad na niyakap ang kapatid.
"Babyyyy!!!!!buhay ka baby ko."Hagulgol nya habang yakap ang kapatid.
"Sabi ko sayo wag mona ako tatawagin na baby eh ayan ka nanaman."Maluha luhang sambit ni laide.
"Namiss kita sobra akala namin patay kana,saan kaba kasi nagpunta bakit ngayon kalang sampung taon ang lumipas laide madaming nagbago ang Chairman lumala ang kanyang karamdaman simula nung mawala ka."
"Hindi ko alam ang nangyare basta ang tanda ko hinabol kami ni marvin kasama ko si austin nawalan ng preno ang sasakyan nahulog sa bangin at sumabog pag gising ko nasa isang bangka nako sinagip ako ni tatay ruben wala akong maalala sa lahat simula ng gumising ako."
"Austin Chineck up mona ba sya?
"Hindi pa Aens pero base sa mga ipinapakita nya she's fine but still im not sure kase diko pa sya nachecheck up maybe after this will do."
"Good,anyways laide aizen is coming home."
"Bakit nasan ba sya?
"Nasa SoKor pinaayos ko sa kanya ang business natin na muntik ng malugi dahil kay marvin."
"Nasan si Aerith?
"Nasa klase nya pa pauwi narin yon tuwang tuwa yon nung ibalita ko na nahanap kana at uuwi kana dito."
"Si enzo sila Lola?
"They are all fine baby."
"Laide apo ikaw naba iyan?Biglang wika ng Chairman Lee
"Yes Chairman ako po ito nakauwi na po ako lolo."Umiiyak nyang sambit habang yakap ang Chairman Lee.
"Salamat naman pwede na siguro akong magpahinga nakabalik na ang prinsesa sa palasyo,Maraming Salamat Austin sa walang sawang pagtulong at hindi ka nawalan ng pag asa na mahahanap muli sya tatanawin ko itong malaking utang na loob hijo.Gusto ko alagaan mo si Laide huwag mo syang pababayaan mahalin mo ng sobra ang aking apo ang prinsesa aasahan ko iyan."
"Makakaasa po kayo chairman hindi ko pababayaan ang prinsesa at ang buong pamilya nyo dahil ito po ang sinumpaang tungkulin naming mga Illinois sa mga Lee. Mahal na mahal kopo si laide higit pa sa kahit na ano."
Tumningin sakin si laide na parang nagugulumihanan sa aking mga sinabi marahil nabibigla nanaman sya at mabibigla sa mga malalaman nya sa kanyang pagbabalik dito makalipas ang sampung taong pagkawala.
"Teka anong sinasabi nyo?
"Sya ang nais ko na iyong mapangasawa apo."
"Anoooo?!Lolo bakit?masyadong mabilis ang desisyon nyo ni hindi nyo man ako kimunsulta agad! Pagalit nyang wika sa chairman natawa naman si aenon sa hitsura ng kapatid.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]
RomanceMayaman, mayroong mabuting kapatid at madaming kaibigan kung tutuusin perpekto na ang buhay ni adelaide wala na syang dapat naisin pa pero paano kung isang araw malaman nya na ang lahat pala ng inaakala nyang totoo ay puno pala ng kasinungalingan. S...