Chapter 15: UNKNOWN

15 0 0
                                    

Unknown POV

Masyado ng nageenjoy ang mga walang hiya mukhang kailangan konang bulabugin ang mga daga sa lungga nila. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila akong taguan ng ilang taon pero tapos na ang pagtatagu taguan masyado ng nageenjoy magtago ang Lolo ko at ang pinakamamahal nilang apo sana'y lumakas ang loob nila na makita akong muli ngunit hindi na gaya ng dati na ako ang magmamakaawa at luluhod para sa kanila babaliktarin ko ang sitwasyon ipaparanas ko sa kanila ang kahayupan nila noon lalo na ang mga Lee.

"Eto ang mga pictures ng pinsan mo kasama ang mga Lee sa isang salo salo magaling magpanggap ang lola mo at ang pinsan mo na mahirap lang sila."

"Ganyan sila kagaling na pati kapamilya nila itinakwil nila mga hudas!

"Ano na ba ang susunod nating hakbang?

"Dito lang tayo sa italya hahanapin natin kung saang impyerno naglalagi ang hudas na theofilo sabihin mo sa mga tauhan na pag igihan ang paghahanap at wag tumigil huwag silang pupunta dito sa opisina ko ng wala silang magandang balita."

"Sige mauna na muna ako aasikasuhin ko pa ang basura ng mga Lee na mismong lumapit satin para makipagtulungan."

"Tingnan mo nga naman oo umaayon sa atin ang tadhana mismong kamag anak nila ang lumapit sa atin para makipagtulungan hahahahahaha."

"Alis muna ako."

Isang kumpas lang ng kamay ko at umalis na sya nalilibang ako sa mga nangyayari ngayon kaya paikot ikot ako sa swivel chair ko na parang baliw sabay tawa ng malakas Ewan ko ba bat parang pabor sakin ang tadhana. "Antayin nyo ang pagbabalik ko at ang lupit ng ganti ko."

Nagulat ako ng biglang tumunong ang telepono ko sinagot ko agad at isa yon sa mga tauhan ko may maganda raw silang balita nadakip na raw nila ang lolo ko.

Mga ilang oras lang ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan at saktong pagsilip ko sa bintana nakita kong bitbit nila ang isang lalaki na naka dark blue bonds na damit may takip Ang ulo nito ng sako. Agad akong bumaba para malaman kung iyon ba talaga ang Lolo ko. Agad ko itong nakumpirma matapos nilang tanggalin ang sako sa ulo nito, nakatali sya sa silya upang di makatakas dahan dahan akong lumapit sa kanya habang hawak ang matalim kong pocket knife.

"Kamusta Lolo?Bati ko na nagpalaki sa mata nya na gulat na gulat sa nakita.

"Bakit mo ginagawa ito hindi ikaw ito apo."

"Ngayon ka mag makaawa Theofilo matapos ang paghihirap ko sa kamay mo noon na halos gustuhin konang mamatay nalang. Ano bang akala mo pagkatapos mong magmakaawa eh ititigil ko lahat ng ito? Hahahahahahahaha hunghang!

"Patawad sa mga nagawa ko noon hindi mo rin ako maiintindihan kahit pa ipaliwanag ko sayo ang lahat."

"Ngayon mo pinagsisisihan ang lahat matapos mo akong itrato na parang basura at ituring na prinsepe si austin na walang ginawa kundi iyakan ang mga magulang nyang namatay!

"Ang akala ko naiintindihan mo ang lahat dahil ikaw ang nakakatanda pero mali pala ako."

"Ano paba ang hindi ko alam theofilo?!ano pa sabihin mo! Pasigaw kong tanong sa kanya habang dinuduro sya ng kutsilyo.

"Wala ka ng dapat malaman dahil sa inaasta mo ngayon hindi rin yon sasapat na dahilan para itigil mo ang kahangalan mong ito."

"Natunton kona ang paborito mong apo wag kang mag alala ipapadala ko ang bangkay mo sa mga Lee at isusunod ko ang apo mo at si Adela."

"Itigil mo na ito apo para mo nang awa ako nalang wag ang lola at ang kapatid mo."

Sa isang iglap nawala ako ng marinig ko sa bibig nya na kapatid? Si Austin kapatid ko?!
All this time niloloko nila ako ipinamukha nila sakin na pinsan ko si austin na anak ako ng kapatid ng nanay nyang namatay. Lalong sundhi ang galit sa puso ko sa mga nalaman ko ngayon.

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon