Chapter 16. Goodbye Theo

10 0 0
                                    


Chairman Lee's POV

Isang malungkot na umaga ang bumungad sakin ng gisingin ako ng tauhan kong si maurice may isa raw malaking puting karton sa labas ng gate at napapalibutan raw ito ng bulaklak na tinatawag na RED SPIDER LILY sa unang tingin mukha lang itong isang normal na bulaklak pero hindi kilala rin ito sa tawag na HELL FLOWER sa aming mga koryano ang ibig sabihin ng ganitong bulaklak ay kamatayan. Nang makita ko ang isang malaking puting karton gumapang ang kaba sa dibdib ko napukaw ng atensyon ko ang isang sulat na nakadikit roon kaya agad ko iyong kinuha at binasa.

Para sa Chairman Lee,

Sana nagustuhan mo ang aking munting regalo alam kong maiiyak ka sa tuwa kapag nabuksan mo ang laman ng malaking kahon. Para sayo rin iyang mga bulaklak sana magustuhan mo.
At bago ko makalimutan paki kumusta ako kay austin malapit na kamo kami magkita at ang iyong prinsesa ihanda nyo para sa pagdating ko.

Val.d Costa

Wala sa sariling minadali kong buksan ang kahon kahit maluha luha pa ako.
Pagbukas ko niyon ay tumambad sa akin ang isang puting ataul na may disenyo ng logo ng vongola familia doon na sunod sunod na pumatak ang luha ko nanghihina ang mag tuhod ko muntikan na akong matumba sinalo agad ako ni Maurice.

"Chairman halika na po sa loob."

"Si Theo iyan maurice! Wala akong nagawa hindi ko sya nailigtas sa kamay ng mga demonyong iyon."

"Kumalma po kayo Chairman halika na po at pumasok na tayo sa loob ako na po ang bahala umayos ng lahat,pakiusap maging matatag kayo."

"Salamat maurice,si laide tawagan mo sya at si austin hindi na sila ligtas kailangan natin silang itago."

"Ano po ibig nyong sabihin chairman?

"Ang mga hayop sila ang may gawa nyan kay Theo at isusunod nila ang aking apo at si Austin."

"Maids!!!!
Pasigaw nyang tawag at agad naman nagsilabasan ang sampung mga katulong at inalalayan ako binulungan nya ang mayordoma at tumago lang ito.

Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa nangyari ngayon ni hindi ako makakain ng maayos aligaga ang mga katulong kung ano ano na ang ihinahain nila sakin pero ni isa wala akong tinikman.Maya maya pa ay nadinig ko ang ingay ng pamilyar na sasakyan sumilip ako sa bintana bumaba mula sa sasakyang iyon ang aking tatlong apo si laide,Aerith at Aizen.

Naupo ako sa aking kama balisa parin hindi ko lubos maisip na ganito ang sasapitin ng mahal kong kaibigan. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa non ang aking apong si laide dagli agad nagsipatak ang luha ko.Tumabi sya sa akin sa kama at yinakap ako saka tinapik tapik ako sa likod.

"Lolo,tatagan nyo po ang loob nyo pauwi narin po si aenon." Ramdam ko ang lungkot sa boses ng aking apo.

"Wala akong nagawa para iligtas sya, laide hija kailangan nyo ding umalis pakiusap papatayin nya rin kayo ni Austin hindi ko alam kung ano bang kasalanan natin sa taong iyon at ganun nalamang ang galit nya sa pamilya natin."

"Sino po ba kasi ang taong iyong tinutukoy lolo?

"Hindi ko rin alam hija pero sa tingin ko kamag anak nila austin ang taong iyon dahil val.d costa ang nakalagay sa sulat nya."

Lumipas pa ang mga oras at dumating na ang aking panganay na apo si aenon.
Mugto rin ang mata halatang pagod sa trabaho at sa byahe una nyang niyakap Ang kapatid na si laide dahil sa apat kong mga apo na iyan silang dalawa ang pinaka close madalas nga mapagkamalan na mag kasintahan sila dahil sa tawag ni aenon na baby kay laide.

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon