Chapter 23 : The Past Revelation

2 0 0
                                    

ADELAIDE 'S POV

Hindi agad nag-sink in sa isip ko napakarami kong nalaman tungkol sa akin sa ilang sandaling pagkwekwento ni Nono.

"Mahal na Prinsesa patawarin nyo po ako."
Sabi pa niya at saka biglang lumuhod

"Tumayo po kayo hindi nyo kailangan gawin yan,wala po kayong kasalanan bagkos dapat pa nga ako sa inyo magpasalamat. Ituloy po ninyo ang buong kwento at makikinig ako."

"Salamat po mahal na prinsesa."

Tumayo sya at saka umupo sa kinauupuan nya kanina inilabas nya ang isang malaking litrato black and white pa ito,Isang magandang babae na nakasuot ng magarang Hanbok.

*Hanbok-tradisyonal na kasuotan sa Korea

"Siya si Selene Doekhye ang huling prinsesa ng Joseon,madaming beses syang binalak paslangin upang makuha ang trono subalit lahat ng iyon ay hindi nagtagumpay. Siya ang iyong tunay na ina mahal na prinsesa,Ang inyong Ama na si Atimony ay nagkaanak sa matagal nya nang kasintahan na galing sa mababang uri.Isang Court Lady lamang at ito ang iyong Ina Aenon nagmamahalan sila ngunit tutol ang Chairman Lee doon at pinaglayo sila ilang taon kapa lamang noon ,ipinagkasundo sina Selene at Atimony ikinasal sila at nagbunga ng isang babaeng supling at ikaw iyon Adelaide hindi lingid sa kaalaman ng iyong ina na may anak ang inyong ama sa ibang babae hindi nya ipinagkait iyon dahil sa napakabait ng iyong Ina naging martir siya sa pagmamahal sa inyong ama,isang gabi hindi umuwi si Atimony nagtaka ang iyong ina subalit hindi sya nagsalita dumaan pa ang mga araw at ilang buwan na hindi umuuwi si Atimony isang araw umuwi siya at ipinagtapat niya na nakikipagsiping sya sa iyong Ina Aenon at ito ay nagdadalang tao ulit malapit nang manganak. Napagpasyahan nila na magsama sa palasyo upang hindi naman maging bastardo ang kanyang anak kay Selenium. 
Hanggang sa manganak si Selenium ng isang supling na babae at pinangalanan niya itong Aerith,Naroon mismo si Arlene at sya mismo ang tumulong sa panganganak ni Selenium.Masaya ang kanilang pagsasama kahit tutol ang Chairman Lee wala siyang magawa dahil nasa Palermo siya sa isla ng Sicily sa Italya. Madalas paring matulog si Atimony sa kwarto ni Selenium at pasimpleng nagsisiping,Gabi gabi umiiyak ang iyong ina Laide pero binaliwala niya lahat ng iyon dahil alam nya naman sa sarili nya na hindi sya kayang mahalin ng iyong Ama,Hanggang sa isang araw pinagbalakang paslangin si Laide plinano siyang dakipin ng kaaway ng inyong pamilya nakaligtas siya dahil ipinagpalit sila ng Apo ko na si Austin sakay ng kotse na iyon si Atimony at Selene tinatakasan nila ang gustong pumatay kay Laide ngunit sa kasamaang palad nawalan ng preno ang kotse at ito'y nahulog sa bangin na agad ikinamatay ni Atimony at Selene. Pinalabas namin na magulang ni Austin ang kasama nya sa Aksidente dahil sya lang ang naka-survive."

"Ibig nyo pong sabihin Prinsesa ang nanay ko at Crown Prince ang tatay ko?

"Tama hija isa kang tunay na prinsesa."

"Pero sila kuya?pano nabuo si Aizen kung gayong namatay ang PaPa?

"May dugong maharlika parin sila hindi nga lang gaya sayo na isang puro,tungkol naman kay Aizen buntis na si Selenium nung naaksidente ang iyong magulang."

"Ngayon lamang po ako nakabalik ngunit isang malaking trahedya pa ang sinapit ng Lolo kung hindi pa sya sumakabilang buhay hindi ko pa malalaman ang katotohanan sa aking pagkatao."

"Patawarin mo ako kung ngayon ko lang ito nasabi  sa totoo ay noon pa lamang gusto na kita makausap para mabatid mo ang katotohanan at masagot lahat ng iyong katanungan tungkol sa iyong sarili."

"Wala po iyon ngayong alam ko na ang katotohanan mula sa inyo mapapanatag nako ngunit may isa lamang po akong katanungan sino po ba ang mga gustong magpapatay  sa aming pamilya?

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon