Chapter 10: Pranks turns to Regret

23 1 0
                                    

Adelaide's POV

Naka isip ako ng prank na gagawin kay austin tignan ko lang kung di kapa tumigil kakagulo sakin masyado nanaman kasing pabida eh.Nilagyan ko ng bato yung bag nya mga dalawa lang naman.Bigla syang dumating buti nalang tapos kona ilagay yung mga bato lalabas na sana ako ng classroom ng paglingon ko inangat ni austin yung bag nya naputol yung hawakan at bumagsak sa sahig tinamaan yata ang paa nya.
Nako lagot ka laide talaga!!!

"Araaaay!!!! Si-sino naglagay ng bato sa bag ko!!!!
Kahit namimilipit sa sakit nakuha nya pang sumigaw ng ganon.

"Austin dalhin na kita sa clinic baka lumala yan."
Prisinta ni valerie.

"Hindi! Gusto ko malaman sino may gawa neto!!!

Kinakabahan nako mukhang galit na sya nakakatakot pala tsaka diko naman sinadya yon at diko kasalanan kung nahulog sa paa nya yon!

"Sumagot kayo!!!! P*TANG INA!!!

Sasagot na sana ako ng biglang pumasok si jethro walang sapatos ang dumi pa ng uniform nagtaka ang lahat at napabaling sa kanya kahit ang galit na si Austin napatingin sa kanya.

"Hoy! Ano nangyari sayo?!
Sigaw ni austin kay jethro.

Pero imbis na sumagot yumuko si jethro at umiyak nalang naawa naman ako saka biglang lumapit si Austin sa kanya may hawak na syang dalawang tonfas yata yun. Bigla nyang hinablot ang kuwelyo ni Jethro.
"Diba tinatanong kita ano nangyari sayo?!

"Lumabas kasi ako para bumili ng shake kaso paglabas ko nandun yung gang ni darel at butang mukha daw mamahalin sapatos ko pinilit nila akong hubadin yon pero ayoko talaga kaya sinapak nila ako saka pinilit hubarin yung sapatos ko tsaka kinuha din nila wallet ko."
Mangiyak ngiyak na kwento ni Jethro.
Nabigla ako ng humarap sakin si Austin ang sama ng tingin sakin saka nya binitawan si Jethro at lumabas ng pinto ng classroom.

"Hoy! Teka San ka pupunta?
Tawag ko.

"Bakit nag aalala kaba?Kung nag aalala ka sana nag isip ka muna ng pwedeng mangyari bago mo nilagyan ng bato ang bag ko."
Sunod sunod ang paglunok ko pano nya nalaman na ako may gawa non?

"Hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari eh."

"Alam mo bang wala na akong ibang bag bukod dyan? Tapos nasira pa dahil sa kalokohan mo?
Mahinahon sya magsalita pero ramdam ko yung sakit nakokonsensya ako.

"Laide is that true ikaw may gawa non sa bag ni austin?
Tanong ni sarang. Tango lang ang naisagot ko.

"Im sorry." Sinserong sabi ko habang nakatingin ng deretso kay austin.

"The damage has been done laide,kung lahat ng bagay madadaan mo sa sorry bakit may batas pa at kailangan pa ng pulis." Wala akong naisagot hanggang sa naglakad na sya palayo.

Mga ilang oras matapos ang eksena nayon nadito na sa klase si Sir Carl ang A.P. teacher namin pero wala parin si Austin,tinanggal kuna rin yung bato na nilagay ko saka inayos yung gamit nya nang bigla syang pumasok sa loob ng klasrum.

"Mr.Illinois saan ka galing?
Takang tanong ni Sir Carl.

"Nagbanyo lang po sir."

"Sige maupo kana."

Dumaan sya sa upuan ni jethro saka inilapag roon ang sapatos nito at ang wallet.Nagulat naman si jethro gusto nya sanang yakapin si austin pero sumenyas ito na wag na at agad namang sinuot ni jethro ang sapatos.

Pagkaupo ni Austin sa tabi ko ramdam ko ang coldness nya yung tipo ba na parang hangin lang ako sa kanya.Kinuha nya yung bag nya at inilagay doon ang dalawang tonfas nya naitutupi iyon kaya pwedeng pwede talaga maisilid sa bag na hindi makikita ng guwardiya.

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon