Adelaide's POV
Nalaman kong uuwi ang hayop kong pinsan na si marvin dahil bago pa kami pumunta sa bahay ng chairman ay tinawagan na ako ni Aenon para ipaalam ito. Sinundo kami ng isang kulay itim na Volvo xc60 yon kung hindi ako nagkakamali dahil alam mong sa amin ang sasakyang iyon.
"Ma'am inaatay na po kayo ng chairman."
Wika ng driver."Sandali pumunta muna tayo sa villa trese susunduin ko ang kapatid ko."
"Sige po ma'am."
"Ate Bakit mo pa susunduin si enzo ano kaba naman kilala kita gagawa ka ng eksena dahil nandun ang hudas nating pinsan bat isasama mo pa ang bata hah."
Bulyaw sakin ni Aizen kilala nya talaga ako eh habang si aerith tahimik at ayaw makealam sa gusto ko.Mga ilang 1standali lang dumating na kami doon ako nalang ang bumaba dahil alam ko naman na ayaw nila na bumalik doon.
Pagpasok ko nadatnan ko si Selenium."Laide anak! Napadalaw ka."
Yumakap sa akin Pero Diko niyakap Pabalik."Ang ganda ganda mo anak ko kamusta kana?
"Wala ho akong panahon makipagkamustahan si enzo ang sadya ko isasama ko sya sa party."
"Hah ganun ba sandali sakto patapos na maligo yun siguradong matutuwa yon."
Inikot ko ng tingin ang bahay ganun parin walang pinag bago parang haunted house parin diko lubos maisip saan napupunta ang mga perang binibigay ni aenon biglang sumulpot ang lola maria ko nagbow naman ako at nagmano tanda ng respeto.
"Napadalaw ka yata ngayon?
Tanong nya sakin."Susunduin ko lang po sana si enzo isasama ko po sa party sa mansyon."
"Ganun ba, sige pala mag iingat nalang kayo maiwan na muna kita at may itatanim pako sa garden."
"Sige po Ingat po."
Umalis na ang lola saka naman biglang dumating ang asawa ni mama si George.
"Oh kamusta san ang punta mo at nakatodo pustura ka yata?
Sabi nya saka higop ng Kape."Sa party lang ho sa mansyon ng chairman isasama ko ho si enzo."
"Hmm buti naman at naisip mo din ang kapatid mo."
Sagot nya na tila may gustong ipahiwatig."Wala ho ba kayong pasok?
Pagiiba ko ng topic."Meron naman bukas nga lang."
Sakto naman dumating si mama at si enzo nakabihis na ito ng damit pang alis.
"Ate tara na bilis sakay na tayo sa kotse nyo."
Hila nya sakin tuwang tuwa na isasama ko sya."Ihahatid ko rin sya dadalhan ko din kayo ng pagkain aalis na kami."
Tinalikuran kona sila diko na narinig ang sinabi ni mama at kung meron man wala narin akong pakealam pagsakay na pagsakay ng kotse tumabi sya kay aizen binigyan sya ng chocolate tuwang tuwa ang bata.
Sa totoo lang nagtaka ako ng biglang magpatawag si Lolo na pumunta kami sa mansyon lahat well except sa nanay namin.
Pagdating na pag dating pagdating ko dun ay nakita ko ang mga bisita at nasipat ng mata ko si Austin ano kaya ginagawa nya dito kasama nya rin si lola nya at yung isa nyang kaibigan naka tux pa ang loko pero hindi nagustuhan ng mata ko ang isa ko pang nakita."Ate kumalma ka ha nakakahiya sa ibang tao please lang."
Mahinang sabi ni aizen dahil magkasunod lang naman kami.Dumeretso kami sa lamesa nadinig kong tanong ni lolo kay maurice kung nasaan daw si Theo Sino naman kaya ang tao na iyon.
Saka naman kami pinaupo ng chairman mga ilang sandali lang ay sinabi nya na sa aming lahat na kaya nya kami ipinatawag dahil ipapakilala nya ang apo ng ika walong vongola at anak ng ika siyam. Kung ano ano na pinagsasabi ng chairman diko alam yang vongola nayan saka sya tumayo at nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]
RomanceMayaman, mayroong mabuting kapatid at madaming kaibigan kung tutuusin perpekto na ang buhay ni adelaide wala na syang dapat naisin pa pero paano kung isang araw malaman nya na ang lahat pala ng inaakala nyang totoo ay puno pala ng kasinungalingan. S...