Aenon's POVDumating bigla si Marvin sa burol kung todo pustura may mga kasama pang hindi naming kilala nagpakilala ang dalawa samin Ambergis Grandino ang ngalan ng isa Zakuro Bovino naman ang isa pa.Nagtataka ako dahil mula pa kanina ng dumating ang mga ito si laide na ang tinititigan ng magpakilala ako at isabay ipakilala si laide nagtaka itong ambergis kung bakit Lee kami pareho dahil sa hindi naman kami magkamukha inisip n'yang mag asawa kami kaya sinabi kong mag asawa rin kami dahil mga estranghero sila ay ayokong magtiwala lalo nat kasama at kaibigan sila ni Marvin iba ang kutob ko rito.
"Maupo muna kayo."
Inilahad ko sa kanila ang dalawang mono block para makaupo sila hindi ko binitawan ang kamay ni laide hanggang ngayon."Salamat."
"Maurice!
Pagtawag ko agad naman syang lumapit sa akin."Yes sir?
"Pakikuha naman sila ng makakain at maiinom please salamat."
"Sige po sir."
Nakangiti man ay kita ko parin na kay laide ang kanilang paningin kaya naman dagli akong nagtanong.
"Paano nyo nga pala nakilala ang pinsan ko?
"Natagpuan ko syang hubot hubad na nakahandusay sa mga basura kaya pakiwari ko ay patay na sya ngunit nung akma ko syang tutusukin ng kahoy eh gumalaw sya at tumayo." Wika nung Zakuro.
Naalala ko iyong araw na ikwenento ni laide sakin ang ginawa nyang iyon kay Marvin.
"Dagli rin syang natumba kaya agad ko syang sinalo may mga pasa ang kanyang tuhod kaya iyon ang pakiwari kong dahilan kung bakit sya hindi makatayo inuwi ko sya sa bahay pinaliguan at binihisan saka pinakain dinala ko sya sa ospital at tinanong kung anong pangalan nya at saan sya nakatira ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kundi ang pangalan nya Marvin Kang."
Nilingon ko ang chairman gayon nalang ang pagtataka ko na hindi rin maalis ang paningin nya sa mga taong ito para talaga kasing may mali sa kanila.Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain at inumin na ipinakuha ko kay Maurice.
"Sige na kumain na muna kayo."
"Salamat."Sagot nitong Ambergis sabay tingin kay laide ng naka ngisi.
Iba ang pakiramdam ko sa mga taong to para bang may balak silang hindi maganda sa pamilya namin lalo na kay laide,Inalis ko muna ang isiping iyon dahil mas higit na kailangan ng Chairman Lee ang alalay ko sa kanya ngayong wala na ang kanyang matalik na kaibigan.
Lumipas ang tatlong araw wala naman ipinapakitang mali ang mga ito bagkos nagdala pa sila ng extrang pagkain para sa mga dadating ngayong huling lamay.
Mamayang hapon na icrecremate ang labi ng matalik na kaibigan ng Chairman Lee napagdisisyonan iyon ng kabiyak at apo ng yumao para daw Kahit papaano ramdam nilang andyan lang si Ginoong theo.Alas tres na ng hapon nakabihis kami ng puti lahat halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha ng Chairman Lee kahit pa nakasuot siya ng sunglasses ay kitang kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha nagpapatunay lang na sobrang mahal nya ang kanyang kaibigan na Hanggang sa huli isinisisi nya parin sa sarili ang hindi nya rito pagkakaligtas.
Natapos ang buong maghapon na wala naman nangyayari na aberya wala pa naman akong nakikitang mali na ginawa ng mga kasama ni Marvin.Nagpaalam na din silang uuwi dahil may aasikasuhin pa raw sila.
"Condolence ulit malalagpasan nyo iyan."
Bati nitong ambergis kay Austin."Salamat,Ingat kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/173429236-288-k941882.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]
RomanceMayaman, mayroong mabuting kapatid at madaming kaibigan kung tutuusin perpekto na ang buhay ni adelaide wala na syang dapat naisin pa pero paano kung isang araw malaman nya na ang lahat pala ng inaakala nyang totoo ay puno pala ng kasinungalingan. S...