KAPITULO SIYETE

3.2K 86 2
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

Araw ng auditon. Inasikaso ni Jerome ang lahat para kay Tinay. Magaan ang loob niya para sa dalagita, parang nakababatang kapatid. Wala kasi silang kapatid na babae ni Jester.

" Tinay handa ka na ba?, "tanong nito sabay katok sa silid na inuukupa ng dalaga.

" Andiyan na po kuya. ",sagot ng dalaga. At dali-daling tinungo ang pintuan. " Ready na ako! "

" Good! Heto ang numero mo. Pumila ka din doon. Lahat ay idadaan natin sa proseso. Maliwanag ba? "

" Maliwanag pa sa sikat ng araw kuya! ".

Napangiti si Jerome at nagpatiuna sa dalaga upang magtungo sa pilahan.

Kasali si Jerome at tatlo pang judges sa pagpili ng magiging housemates, lamang nga lang si Jester ang mas may higit na makapag desisyon.

" Ayan na! Ako na ang susunod! ",tili ni Tinay nang makitang pumasok na sa loob ang nauna sa kanya sa pila.

Makalipas ang ilang minuto, laylay ang balikat na lumabas ito mula sa audition room.

" Ay hindi pasado? ",wika ni Tinay sa sarili. Nakaramdam tuloy siya nang panlulumo.

" Neeeeeexxxtttt! ",sigaw ng gwardiya.

" Ay kabayo! Ako na! ",ani ni Tinay at mabilis na pumasok sa loob. " Bahala na! Todo ko na'to! ",aniya sa sarili.

" Ikaw? ", gulat na tanong ni Jester ng makapasok si Tinay.

Talagang tinutoo talaga nang kuya niya na tulungang makapasok si Tinay.

" Ako nga kuya! "

" Gusto ba talagang pumasok sa bahay ni kuya? "

" Opo! "

" Anong talent mo! "

" Pagkanta po! "

" Sige kumantan ka na! ",pasupladong wikaw ni Jester at di man lang tinapunan ng tingin si Tinay.

Agad naman na kumanta si Tinay.

Kung ang hanap mo ay, ligaya sa buhay

Sa libis ng nayon

Doon manirahan

Taga bukid man

May gintong ka-----

" Stop! Wala na bang mas nakakaantok diyan! "

Napatawa naman ang ilan sa mga staff. Pero binalewala iyon ni Tinay.

" Ang gusto mo pala ng nakakaantok! Baka eto pwede na! "

Ili- ili tulog anay

Wala diri imo nanay

Adto tinda bakal papay

Ili- ili tulog anay

" Aahhhhhh! Seryoso ako! Kumanta ka nang maayos! ",asar na turan ni Jester.

Nainis na rin si Tinay. Umiisip ito ng tamang kanta. Biglang naalala niya ang kanyang Inang at Itang at syempre si Haw haw.

" Para sa inyo Inang at Itang. At sa alaga kong si Haw haw. ", wika ni Tinay at naghugot ng malalim na hininga.

Di pa rin makapaniwala

Sa lahat ng nangyayari Pangarap parang kailan lang

Sa panaginip ko'y nakita

Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay

Di Nauubusan ng pag-asa

Ako'y nananalig sa ...

Isang pangarap Ako'y naniniwala Ako ay lilipad at ang lahat ay makakakita

Sa isang pangarap Ako'y naniniwala

Hindi ako titigil hangga't aking makakaya

Unti-unting mararating tagumpay ko'y makikita

Patuloy ang pangarap.

Napa mangha ang lahat ng mga staff at ibang mga nakapila upang mag auditon. Damang dama nila ang bawat katagang binibigkas ng dalaga.

Isang simpleng babae na nag nanais na marating ang kanyang pangarap. Naihahambing ni Tinay sa kanyang sarili ang nais ipahiwatig ng kanta.

Maging si Jester ay di makapaniwala na may ibubuga ang boses ni Tinay.

Napatigil naman si Jerome na lalabas sana sa audition room nang marinig ang isang pamilyar na boses.

" Tinay! ",aniya sa sarili at muling bumalik.

Binirit na nag todo ni Tinay ang kanta. Kung papalarin man siya o hindi, wala na siyang pakialam. Sapat na para sa kanya ang kahit papaano ay nagawa niyang makipagsapalaran, alang alang sa pangarap niya.

Kahit saan, kahit kailan

Alam kong ako'y patungo

Sa marami pang tagumpay

Sa isang pangarap

Ako'y naniniwala

Ako ay lilipad at ang lahat makakakita

Sa isang pangarap ako'y naniniwala

Hindi ako titigil hangga't aking makakaya

Unti- unting mararating

Tagumapay ko'y makikita

Patuloy ang pangarap

Patuloy ang pangarap

Sa pagtatapos ni Tinay sa kanta ay di niya mapigilan ang mapaluha.

" Ayos lang po sa akin, kahit hindi ninyo ako piliin na makapasok sa bahay ni kuya. Napatunayan ko naman po sa sarili ko, na kaya ko pala na suungin kahit ang mundong hindi angkop para sa akin, matupad lamang ang pangarap ko, siguro po sadyang ganyan, hindi siguro para sa akin ito. Pero hindi po ako titigil. Tulad nga ng sabi ng kanta, patuloy ang pangarap. Kung hindi ko man ito matupad ngayon, marahil balang araw. Maraming maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon. ",madamdaming wika ng dalaga at taas noong naglakad papalabas ng audition room.

Subalit napatigil at napalingon ang dalaga ng makarinig siya ng parang may pumalakpak. Hanggang sa nakita niya na isa-isang pumalakpak ang mga taong naroroon.

Lalong lalo na si Jerome na kay lapad ng ngiti. Tila nabuhayan si Tinay nang dahil sa mga palapak na iyon.

" Magaling Tinay! Hindi ako nagkamali sa'yo. ",wika ni Jerome sa sarili.

Natameme naman si Jester. Ano nga ba ang sasabihin niya? Hinamak niya ang isang tulad ni Tinay. Isang dalaga na ginawa ang lahat para sa kanyang pangarap.

" You really amazed me. ",wika ni Jester sa sarili.

"You can go now'" mahinang sambit ni Jester habang kunwaring nagsusulat.

Laylay ang balikat na tuluyang lumabas si Tinay na hindi alam kung pasok ba siya o hindi.

"Hindi pa rin ako susuko, kunting push pa Tinay! Nagpakatotoo ka lang" matatag na turan niya sa sarili.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon