KAPITULO CINCO

3.5K 83 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

" Cubao! Cubao na! Sinong baba? Ingat lamang kina Mando at Magna! ",ang sigaw ng kundoktor na nagpagisiing sa natutulog na katawang lupa ng dalaga.

Pasimple nitong pinunsan ang tumulong laway.

" Teka, nasaan na ba si Aling Janing? ", aniya sa sarili.

Pinagala nito ang mga mata sa kabuuan ng bus subalit bigo siyang makita ang matanda.

Akamang tatayo na ang dalaga nang mapansing wala na ang kanyang bag. Nakaramdam ng panlulumo si Tinay.

" Dios ko! Nasaan na ang bag ko! ",anas nito sa sarili.

Naroroon din sa bag ang kanyang lumang pitaka. Mabuti na lamang at hindi niya doon nilagay ang kanyang pera. May ginawa kasing bigkis ang kanyang ina, at doon niya itinago ang natitirang barya na meron siya.

" Bleeeehhhhh! Akala niyo maiisahan niyo ako noh!? Wise yata 'to! ", aniya sa sarili at pilit na tinibayan ang loob. Napatawa ito pagkat nakikinita na niya ang mukha ng kung sino man ang kumuha ng wallet niyang walang laman.

" Aja! Kaya ko' to! " ,aniya sa sarili at ginaya ang napanood na koreanovela na Lover's in Paris.

Pagkababa ng bus ay nakaramdam ng gutom ang dalaga. Subalit kailangan niyang tiisin ito. Ang mahalaga ngayon ay makita niya ang kanyang pakay.

" Kuya? ",tawag ni Tinay sa isang lalaki na nakaupo kaharap ang konting paninda nito.

" Ano iyon, ineng? "

" Ah, kuya pwede po bang magtanong? "

" Pwede! Ano ba ang itatanong mo? "

" Ah, kuya, saan po dito ang bahay ni kuya? "

" Ha? Anong bahay ni Kuya? "

" Iyong Ah, Pinoy Big Brother po! "

" Ah, iyon ba? Maglakad ka lang nang kaunti at makikita mo na ang Abs- Cbn. "

" Abs- Cbn? Iyon po ba iyon? "

" Iyon ang istasyon na pinapalabas ang bahay ni Kuya. "

Pinaliwanag ng lalaki ang daan pataungo sa istasyon ng Abs - Cbn.

" Kuya, maraming salamat po! " "

Walang ano man ineng! "

" Ooouuurhhhhgg! ",biglang nag reklamo ang sikmura ng dalaga.

" Nagugutom ka ba? "

" Po? Halata na po ba? "

Napatawa naman ang lalaki.

" Eto o, suman at palamig. Kainin mo habang naglalakad papunta doon. "

" Wala po akong pambayad, kuya! "

" Libre ko na ito sayo. Kunin mo na! "

Nagliwanag ang mukha ni Tinay at agad na inabot ang suman at palamig.

" Maraming maraming salamat pong muli! "

Tumango naman ang lalaki at hatid tanaw ang papalayong dalaga.

" Iskooooooooooo! ",ang sigaw ni Aling Mameng.

" Jusmeo! Hoy Mameng makasigaw ka taumalbog lahat ng espirtu santo sa katawan ko! ",singhal nito sapagkat naalimpungatan ito sa pagtulog.

" Si Tinay nawawal! ",nag aalalang wika ni Aling Mameng.

" Baka kasama ni Haw haw! "

" Hindi gumagalaw si Haw haw, at wala ang anak mo doon sa kanya. Wala din sa bukid, wala din sa batis! "

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon