KAPITULO UNO

5.7K 102 0
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by : L.A.S.A

" Sa bukid walang papel, oy oy! Ikiskis sa pilapil, oy oy!

Paru parong bukid, nalilipad lipad. Ang dalagang pilipina, parang tala, sa umaga, may ning ning na tangi at gasinong ganda. ",

Pakanta kanta ang dalagitang si Tinay habang pinapastol ang kanyang kalabaw na si Haw haw.

" Narinig mo iyon? Nakapag remix ako, haw haw. ",wika nito. Haw haw , dahan dahan sa pagkain ng damo, baka mubulunan ka. Malayo pa tayo sa batis. ",aniya sa kalabaw.

Nakasakay siya sa likod ng kalabaw. Hindi inaalintan ng dalag ang init, ito lamang kasi ang maitutulong niya sa kaniyang ina.

" Ongaaaaaaa! "

" Goodboy este good kalabaw. "

Napabuntung hininga ang dalaga. Napaisip ito, bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, siya ay may ganitong sitwasyon. Mahirap pa sa daga, isang kahig isang tuka. May tatay na lasenggero at ang nanay naman niya ay nakikipasaka lamang sa kanilang kabaryo.

" Kailan kaya ako makakapunta ng Maynila? Mas maganda sana doon, maraming trabaho! Pero di man lang ako nakatapos ng hyskul. Hayyssstttt! ", malungkot na saad nito.

" Ongaaaaaa! "

" Haw haw naman, kumkontra ka kaagad. Ayaw mo ba akong pumunta doon? "

" Onggaaaaa! Ongggaaaa "

" Aba, hawhaw mag tatrabaho ako,hindi pa ako mag aasawa. Huwag kang mag alala ikaw ang perslab ko. ",ani ng dalaga.

Animoy naiintindihan niya ang kalabaw.

" Pachansing nga muna sayo. ",ani nito at hinams himas ang kalabaw.

Kapag nasa bukid ito, tanging si Hawhaw lamang ang kanyang kasama. Ang tanging nakakaintindi sa kanya. At ang tanging may alam ng mga pangarap niya.

" Busog ka na ba hawhaw? "

" Ongggaaaaaaa! "

" Kung gayon, halikana! Doon na tayo sa batis. Hiyaaa! Gutom na rin ako eh. Buti sana kung pwede ko rin kainig iyang damo na kinakain mo. ",ani ng dalagita.

Tinungo nila ang batis, nagbabad ito sa tubig kasama si hawhaw.

" Haw haw, marami ka na namang kuto. Aba, hindi pa naman tumatalab sayo ang suyod ni inay. ", aniya habang pinpatay ang maliliit na insekto na nakadikit sa balat ni Haw haw.

Pagkalipas ng ilang sandali ay umahon din sila at agad na umuwi.

Kailangan pang magluto ni Tinay bago dumating ang kanyang tatang. Tiyak na lasing na naman ito, at agad na magbubukas ng kaldero.

" Tinaaaayyyyyyy! "

Malayo pa lamang ay dinig na ng dalagita ang sigaw ng kanyang ama.

" Haw haw bilisan mo. Tiyak na nagwawala na naman si Tatang. ",tarantang wika nito.

Nauunawaan naman siya ni Haw haw kaya tumakbo ito hanggang sa makarating sila sa kanilang kubo.

" Tatang, nandito na po ako. ", pagbibigay alam ng Tinay.

" Saan ka galing bata ka?! "

" Tang, nagpastol lang po ako kay haw haw. "

Sagot ng dalaga habang naghuhugas ito ng kaldero.

" Kunin mo ang pitaka ng nanay mo at baka may makuha akong pambili ko ng tuba! "

" Masusunod tang, isasalang ko lamang ho ang sinaing. ", ani nito at mabilis na sinibak ang kahoy. Nilatag sa kalan, maya maya ay sinindihan na niya ito.

Habang nag sisimula nang lumagablab ang apoy ay hinugasan naman ng dalaga ang bigas at pagkatapos ay sinalang na sa kalan.

Mabilis siyang umakyat sa silid at agad na hinanap ang pitaka ng kanyang inang.

" Tang, heto na po ang pitaka ni Inang. ",saby abot nito sa ama.

" Akin na! ", hablot nito at agad na kinuha ang natitirang sekwenta pesos na lamang ng pitaka.

Hatid tanaw na lamang ni Tinay ang kanyang papalayong ama.

Ganito araw araw ang naging takbo ng buhay ni Tinay sa bundok.

Maganda siya at matalino subalit hindi nabigyan ng pagkakataon na maipagpatuloy ang kanyang pag aaral.

" Hay, kung may pamasahe lang ako. Gusto ko sanang lumuwas na sa Maynila. Ayoko na dito! ",bulong niya sa saril.

Muling tinungo ang kusina at tinignan ang kanyang sinaing.

Nang makita niyang pa inin na ito ay lumabas ang dalagita. Nanguha ng dahon ng malunggay at di pa hinog na bunga ng papaya. Ang pwedeng igulay, alam niyang pagod ang kanyang Inang pag dating. Nais niyang ipagluto ito ng maninit at masusutansyang sabaw.

Pagkatapos mahiwa ang papaya at mapilaan ang malunggay ay muling lumabas ang dalaga at tinungo ang maliit na tindahan ng kanilang kapitbahay na si Aling Ireng.

Mga mahigit dalawang metro ang nilalakad ng dalagita marating lamang ang tindahan. Sapagkat sa knilang lugar ay malalayo ang agawat ng kanilang mga tahanan.

Wala pang linya ng kuryente doon subalit ang iba na may sariling lupa na pansakahan ay kayang magpakarga ng baterya sa bayan upang magsilbing kuyente nila.

Ganoong kalayo sa sibilisayon ang lugar ng dalagitang si Tinay.

" Aling Ireng, pabili po ng magic sarap. ",ani nito sabay abot ng perang hawak niya. Namawis na ang dalaga bago marating ang tindahan. ", Sana sinama ko na lamang si Hawhaw. ",aniya sa sarili.

" Tinay, kulang ng sengkewenta sintimos. ",ani ni Aling Ireng.

" Mamaya ko na lamang po, hahatiran dito, pag dating ni Inang. ",ani nito at inabot ang biniling magic sarap.

" Eto naman, matandang dalaga na ito, para sengkwenta sentimos lang eh. ",bulong niya sa sarili.

" May sinasabi ka ba Tinay? "

" Nako wala ho. Wika ko ang ganda niyo, sayang lang at di pa kayo nakatagpo ng inyong prinsepe. ",pambobola nito.

Papaalis na ang dalaga na mapalingon ito sa black and white na telebisyon ng kanilang kapitbahay.

" Mga Kapamilya, muling magbubukas ang bahay ni Kuya! Sinu- sino ang maaring lumahok? Mga taong nagpapakatotoo sa sarili! May paninindigan, at matatag sa pagharap sa mga hamon sa loob ng bahay ni Kuya! Para po sa mga nais mag auditon, tignan po lamang sa inyong mga tv screen. Hanggang sa muli po para sa Big brother audition updates, ito po si Toni Gonzaga. Kita kits mga kapamilya! Para sa Pinoy Big Brother Heart Romances Edition! "

Tila napako ang tingin ng dalaga sa telebesyon.

" Pinoy Big Brother? Pwede kaya ako diyan? ",anas nito sa sarili. " Ang laki ng premyo! At, at, magiging artista ako?! ", bulalas ng dalaga.

Mabilis itong umuwi upang ibalita sa kanyang inang kung nasa bahay na ito ang kanyang impormasyong napanood sa telebisyon.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon