KAPITULO TRESE

3.3K 87 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by L.A.S.A.

Ilang araw na laging si Tinay ang nau-unang bumabangon, dahil nagigising siya sa ingay ng mga hayop.

Pagbangong ni Tinay, ay nagising din pala ang ibang housemates.

"Ang aga naman nagising ni Al-merah." ang wika ni Janna habang inaayos ang kanyang higaan.

"Baka maagang nagbanyo." ang wika naman ni Lovelyn.

"Tara na sa farm ni Kuya at mukhang gutom na ang mga alaga natin." nauna ng lumabas si Tinay na buhaghag pa ang buhok.

Pagdating sa maliit na farm ay nagulat sila. Si Al-merah nakabihis scarecrow.

"Al-merah? Bakit ganyan ang hitsura mo?" ang halos sabay na tanong ng mga housemates.

"Housemates! Huwag ninyong kausapin si Al-merah. "

Pero si Mhike ay hindi mapigilan ang mapahalakhak.

"Mhike! Sa confession room!" nagulat ang binata dahil pagpasok niya ay costume ng uwak ang nabungaran niya at may harness pang kasama.

"Ma-upo ka Mhike! Nahulaan mo na ba kung para saan ang costume na 'yan?"

"Opo Kuya,"

"Mabuti na naman kung ganoon. Sige, isuot mo na at may naghihintay na sa iyo sa farm."

Bantulot siyang naghubad ng pang-itaas at ipinalit ang costume ng isang uwak.

" OMG! WHAT HAPPEN TO YOU MHIKE?!" nanlaki ang mga mata ni Lovelyn, may crush pa naman ito kay Mhike.

"Housemates! Balik kayo sa farm."

Tumatakbo silang lumabas ng sala.

"Alam naman ninyo na, lahat ng magkakamali ay may karampatang parusa, kaya si Mhike ay magiging uwak. Tulongan ninyo siyang maikabit ang harness."

Gusto ng mainis ng binata kasi ang sakit sa baywang ang harness. Samantalang si Al-merah naman ay hindi na maipinta ang mukha. May mga hayop, kay may langaw at lamok.

Nangangawit na rin siya sa kakadipa sa gitna ng palayan ni Kuya.

"Gusto ko ng tubig." ang mahinang wika ni Al-merah. At binigyan siya ni Ging.

"Salamat," ang naluluhang dalaga.

Si Tinay naman ay pinapakain ang mga hayop at tinutulongan siya ni Ariel at Dave. Ang iba ay naka-abang kung ano ang kailangan ng dalawa habang ginagawa ang kanilang parusa.

Pagkatapos ni Tinay ay nilapitan si Al-merah at alam niyang nangangawit na ang mga braso kaya inalalayan niya ito.

Ang iba ay walang pakialam, pagkatapos malinis ang farm ay nagsipasukan na ito ng bahay. Naiwan ang tatlo sa labas.

Para din talagang ibon si Mhike na palipad-lipad sa ibabaw ng palayan.

May isang manok na lumipad dahil natakot sa kanya at doon dumapo sa bakal na nakakabitan ng harness at dahil siguro sa nerbiyos, naipot ito. At iyon sa malaporselanang mukha ni Mhike bumagsak.

"Aiiiissssttt...sh**,"inis na mura ni Mhike.

Napansin naman ni Tinay kaya agad niya itong nilapitan at pinunasan ang ipot sa gwapong mukha ng binata.

Hindi naman makagalaw basta si Mhike dahil sa pagkakalapit ng mukha nila ni Tinay, hinayaan nalang niya ang dalaga sa ginawa.

"Oh ayan, malinis na ang mukha mo, huwag kang mag-aalala dahil wala namang germs ang ipot," nakangiting turan ni Tinay.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon