KAPITULO BIENTE

3.4K 64 2
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

Kapansin-pansin ang katahimikan sa loob ng bahay ni Kuya. Kanya-kanyang senaryo ang lahat ng housemates.

Pasimple naman ang pagyakap ni Jeffrey kay Irene.

Samantalang si Janna ay tila balisan at may pinoproblema. Napansin naman ito ni Tinay. Kaya nilapitan niya ito.

" May problema ka ba? ",bungad ni Tinay.

Napaangat naman ng mukha si Janna. " May iniisip lang ako. Halika upo ka dito. ", aya nito kay Tinay.

Umusog siya sa kinauupuan upang bigyang ng espasyo ang dalaga.

" Namimis mo si Almerah? Ako rin eh. Sorry ha, dahil sa akin lumabas siya. "

" Naku, im not blaming you Tinay. Oo na mimis ko siya, pero it doesnt mean na sinsisi kita."

" Pwedeng paki ulit ng sinabi mo? Engols kasi eh, dugo ilong ko oh ? ", ani ni Tinay

Napatawa naman si Janna sa tinuran nito. Napansin naman ito ni Big Brother. Kaya nag isip si kuya ng daily task para malibang ang mga housemates.

" Housemates! "

" Kuya ",sagot ng mga housemates kahit saan man silang parte ng bahay.

" Pansin ko medyo matamlay kayo? Kaya bibigyan ko kayo ng daily task! James pumasok ka sa confession room. At kayo mga natitirang housemates? Pumasok muna sa girls bedroom. Lalabas lamang kayo pag nandiyan na si James. "

Agad naman na pumasok si James sa confession room at ang natira sa bedroom.

" James "

" Kuya "

" Nakikita mo ba ang box na nandiyan sa harapan mo? "

" Opo kuya "

" Kunin mo at buksan mo ito. Pakibasa kung anu ang nilalaman nito.",utos ni Big Brother.

Tumalima naman si James. Pagkabukas niya ng kahon ay agad niya binasa ang laman ng papel na nakatiklop dito at may isang mansanas sa tabu nito.

Ang laman ng papel...

" Stand me my applie bite", panimulang basa ni James. " Ang daily task na ito ay susubukan ang inyong katatagan sa kagatan at tayuan. Bubunot kayo ng mga pangalan ng inyong magiging kapareha sa bowl at agad na pupunta sa pool para pumwesto sa mga mansanas na nakasabit doon. Kakagatin ito ng bawat magkakapareha at patagalan ito sa loob ng beintekwatro oras. No foods, no water, and no sitting. Ang oras ay magsisimula kapag nakapwesto na ang lahat. At ang magkaparehang mananal dito ay magkakaroon ng isang special dinner date. Goodluck housemates! "

"Naiintindihan mo ba James? "

" Yes Kuya "

" Okay sabihan mo na ang iyong mga kasama. "

Agad naman na lumabas si James at tinungo ang girls room. Doon niya inexplain ang lahat. Isa isang bumunot sa fish bowl ang mga babaeng housemates kung sino ang kanilang magiging kapareha.

" Jeffrey! ", ani ni Irene.

Ngumiti na naman ang dalawa.

" Mark for me! ", sigaw ni Mercy.

" Josh! ", si Lovely.

" John Paul", si Janna.

" Daniel naman sa akin. ", ani ni Loraine.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon