KAPITULO BIENTE UNO

3.1K 71 4
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

"James and Janna, to confession room," tawag ni Kuya.

Kinabahan naman na pumasok ang dalawa.

"James, Janna, hindi ko ipinagbawal o pagbawalan kayo kung may mabuo man na relasyon sa inyo pero habang nandito kayo sa PBB House nais kong ipaalala sa inyo na ang lahat ng kilos ninyo ay nakikita ng buong Pilipinas. Sana matuto kayong magkontrol sa sarili at iwasan ang hindi dapat makita dito sa loob ng bahay," mahabang paliwanag ni Big Brother.

"Sorry po, Kuya, nadala lang po kami ng sobrang saya at nakalimot, hindi na po mauulit," hinging paumanhin ni James samantalang hiyang hiya naman na nakayuko si Janna.

---

Gigil na gigil naman si Jester sa sarili dahil hinayaan niya na magkapareha sina Tinay at Ariel. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya na may ibang pinapansin o pumapansin sa dalaga.

"Am I crazy? Do I like her? No!" parang tangang kausap niya sa sarili na napapailing.

Gustuhin man niyang bawiin ang sinasabihing reward sa nanalo sa palaro ay hindi pwede, bilang si 'Kuya' sa loob ng bahay ay kailangan niyang kontrolin ang sarili.

"Ariel at Tinay, to confession room," pormal na tawag niya sa dalawa.

Abot hanggang tainga naman ang ngiti ng dalawa dahil sa reward na hinihintay.

"Kumusta Tinay?"

"Kuya, masaya pa rin po, at mas sasaya pa mamaya sa award namin," ngiting-ngiti na sagot ni Tinay.

Napaismid naman si Jester sa narinig. 'May gusto na kaya siya kay Ariel? Ano naman kaya ang nagustuhan niya sa lalaking 'yan?" saisip ni Jester at tinitigang mabuti ang binatang si Ariel na walang kamalay-malay.

Dumating na ang araw ng date reward nila Tinay at Ariel, sobrang saya at pangamba ang nararamdaman ni Tinay dahil sa isiping unang pagkakataon niya na magkaroon ng ganitong okasayon ang makipagdate sa lalaki. Pero siguro mas magiging masaya si Tinay kung ang magiging kadate niya ay ang kanyang crush.

" Anu kayang gagawin namin sa date na iyon?" Naisip ni Tinay at bahagya pang nakakunot ang noo at nakalapat ang isang daliri sa mukha habang nakatingin sa kisame.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni kuya ang naging anyo ni Tinay ngunit hinayaan lamang niya ito at napapailing.

" Naku, baka iyon yong hahalikan ang babae ng lalaki gaya sa nakikita ko sa TV?" Ani Tinay na halatang wala pang alam sa unang date niya.

" Ay, ayaw ko, ok sana kung 'yong crush ko. Hehehe" , anang isip ni Tinay at napahagikhik.

Nakailang ikot naman si Tinay sa whole body merror sa kanilang silid dahil sinisilip nito ang kanyang sarili kung maganda na ba siya.

" Wow! Maganda pala ako" ,ang hindi napigilang sambit ni Tinay sa kanyang sarili.

Narinig naman ni kuya ang sinabi ni Tinay at napangiti ito, kahit siya ay napahangang muli sa hitsura ni Tinay lalo pa at bakat na bakat sa makurbang katawan nito ang damit na suot.

Samantala, hindi mawawala ang ngiti sa labi ni Ariel sa tuwing naiisip si Tinay lalo na at ngayon ay masusulo niya ito.

Tudo pa pogi din ang ginawa nito sa harap ng salamin.

"Ariel, pwede mo nang sunduin si Tinay at maaari na kayong lumabas sa kabilang pinto para sa inyong dinner date bilang premyo sa inyong pagkapanalo," anunsyo ni Kuya.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon