KAPITULO TRIENTAY UNO

3K 87 2
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

" At ang ating first placer ay si... Ang Ambisyosang Promdi ng Bundok Ipu-ipo, si Tinay! "ang malakas na sigaw ni Leenmer.

Gulat na gulat naman ang naging reaksyon ng lahat. Lalo na ang dalawang housemates. Nagkatinginan si Tinay at Dave na halos hindi pa nakakahuma sa nangyari.

" Ikaw ang nanalo Dave! Ikaw! " turan ni Tinay. Nagsimula na ring umagos ang luha nito.

" Ako? Ako talaga Tinay? " di makapaniwalang saad nito.

Niyakap s'ya ni Tinay. " Karapat-dapat ka sa titulong ito, Dave. "

Umangat na rin ang upuan na kinauupuan ng dalaga. Halos di magkamayaw ang lahat ng fans. Maging sina Tatang Isko at Inang Mameng ay napaluha sa tagumpay na nakamit ng anak.

" Mga kapamilya ang ating first placer, Tinayyyyyyyy! " sabay na sigaw ng host.

" Tiniel! Tiniel! Tiniel! " Wooaaaaahhhhhhhh! " umalingaw ngaw ang hiyawan sa kabuuan ng Araneta.

" Maraming-maraming salamat po sa lahat! " ang nakangiting sigaw din ni Tinay.

" At ngayon, tatawagin na natin ang natulalang housemate! Ang ating Big Winner! Dave! ",ang sigaw ng apat ng host.

Maluha luha naman si Dave habang papalabas ng mahiwagang lagusan. Iba ang daanan ng Big Winner. Nasa itaas ito at parang nakaupo sa trono. Biglang nagputukan ang paligid dala ng firewors dsplay. Dumagundong ang mga tambol at palakpakan sa buong Araneta.

" Mga Kapamilya! Lets welcome! Ang Hari ng Pino Big Brother Heart Romances Editon! Ang Sakristan! Dave!!! "

Maging ang kanyang kapwa housemates ay sumalubong sa kanya. S'ya ang pinakmabait na housemate. Masunurin sa lahat ng bagay. At tahimik lamang sa loob ng bahay. Pag may mga task ay matamang ginagawa ang kanyang responsibilidad.

" Maraming- maraming, maraming- maraming salamat po! Lord! Para sa'yo toh! ",sigaw ni Dave.

At muling umakyat ng stage ang Big Six. Si Tinay naman ay hinila ni Ariel at hinawakan ang kamay nito kaya lalong naghiyawan ang mga fans.

" Tiniel! Tiniel! "

S'yang usok naman ng ilong ni Jester na nakatanaw sa di kalayuan.

" Mga kapamilya! Maraming salamat po sa muling pag subaybay ninyo sa edisyong ito ng Big Brother. " si Sheng.

" Congratulations po sa lahat ng mga nanalong housemates lalo na kay Dave. " si April D.

" At siyempre huwag nating kaligtaan at muling abangan ang pagbubukas ng bahay ni kuya. " si Assasin.

" Hanggang sa muli! Mga kapamilya! Dito lamang sa nagiisang kwento ng totoong buhay! Ang Pambansang Bahay ng mga Pinoy! " si Leenmer.

" Ang Pinoy Big Brother! "

-------------

Sinalubong nang mag asawang Isko at Mameng ang kanilang nag iisang anak na si Tinay. Niyakap nilang dalawa si Tinay na mahigpit na mahigpit.

" Tika lang Tatang, Inang hindi ako makahinga," natatawang reklamo niya.

Binitiwan naman siya.

" Tinay hindi kami makapaniwala, at ngayon natupad mo na ang pangarap mo," masayang wika ni tatang Isko, ngunit maya maya lamang ay biglang lumungkot ang mukha. " Kahit na pinipigilan kita pero humanap ka parin ng paraan para makamit ito, patawad anak." Saad muli ito.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon