KAPITULO KINSE

3.3K 69 0
                                    

AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

Napabalikwas sa kinahihigaan si Jeffrey. Samantalang si Mhike naman ay biglang nahulog sa upuan.

" May bisita tayo! ",sigaw ni Dave.

Nagsilapitan naman ang lahat ng mga kasama nilang housemates at nagtipun-tipon sa living room.

Hinagod nila ng tingin ang magandang dilag na nasa kanilang harapan.

" Saan ang bisita natin? ",takang tanong ni Tinay.

Nanlaki ang kanilang mga mata at nangunot ang mga noo. Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na...

" Tinay!? ",chorus ng mga ito.

" Wooaah! Maka Tinay kayo wagas ah! Ako nga ito! ",sagot ni Tinay.

NGA-NGA! Laglag ang mga panga ng mga kalalakihang housmeates sa bagong anyo ni Tinay.

Ilang beses na kinurap ni Mhike ang kanyang mga mata.

" Unbelievable! ",anas niya sa sarili.

Kinusut ng kinusot naman ni Ariel ang mga mata at kinurot ang sarili. " Si Tinay nga talaga! ",bulalas nito.

" My goodness Tinay! Hindi kita na killala! ",anas ni Irene at niyakap ang dalaga.

" Eto iyong surprise ni Kuya at nakilala ko na si Be- Be-. Sino ba iyon? Iyong nagpapaganda sa mga artista? ",ani ni Tinay at napapaisip.

" Dr. Belo? ",anas ni Loraine.

" Tama! Siya nga! ",sigaw ni Tinay.

" Neretoke ka? ",taas kilay na tanong ni Natalia.

" Anu iyon? ",takang tanong ni Tinay.

" Ignorante talaga! ",bulong ni Natalia.

Samantala hindi pa rin maka get over si Jester. Hanggang ngayon ay umaalingaw ngaw pa rin sa isipan niya ang salitang " I Love You ",na binitiwan ng dalaga.

" Oh, Tinay! Tinay! Pagpahingahin mo muna ang utak ko! ",anas nito sa sarili at ibinalik ang attensyon sa trabaho.

" Housemates! "

Nagsipag ayos naman ng upo ang mga housemates.

" Tinay dito ka sa tabi ko! ",aya ni Ariel.

" Hindi Tinay! Dito ka sa akin! ",wika ni Mhike.

" Ako unang nag invite! ",anas ni Ariel at hinwakan ang kamay ni Tinay.

" Pero ako ang guide niya dito! Sa akin siya tatabi! ",sabay hawak sa isang kamay ni Tinay.

Naguguluhan naman ang dalaga.

" Teka! Teka! Magsitigil nga kayo! Kay kuya Dave ako uupo! ",anas ni Tinay at tumabi kay Dave.

Napailing na lamang si Jester sa ginawi nina Mhike at Ariel.

" Housemates! "

" Kuya "

" Nakita niyo na ang pagbabagong anyo ni Tinay. Dahil sa kanyang pagpupursigi ay binigyan ko siya ng pabuya. Sana ay hindi niyo ito mamasamain. Sapagkat ginagawa ko ito bilang pagkilala sa inyong pagpupursigi. Ngayon lahat kayo, maliban kay Tinay ay maaari bang pumasok sa confession room ng pa isa-isa? Ngayon ang unang gabi ng Nomination night! At si Tinay! Ay awtomatikong Ligtas! Para sa eviction ngayong Linggo! Goodluck housemates! ",pagtatapos ni Kuya.

Isa-isang pumasok sa confession room ang mga housemates at nagsimulang bumoto kung sino ang nais nilang palabasin sa bahay ni Kuya.

Matapos ang halos isang oras na botohan ay lumabas na ang labing siyam na housemates. At muling pinapasok ni Kuya si Tinay upang siya naman ang bumuto.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon