KAPITULO BIENTE SIETE

2.9K 70 3
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.SA.

"Ariel! Mhike! "

" Kuya ",sagot ng dalawa.

" Anong ibig sabihin nang paingtatalunan niyo? Dahil ba kay Tinay? "

Napabuntong hininga naman ang dalawa.

" Sorry po kuya. ",naisatinig ni Ariel.

" Pasensya din po. ",segunda ni Mhike.

" Dahil sa ginawa niyo, wari ba'y maykarapatn kayo sa dalaga. Ngayon, bibigyan ko kayo ng pagsubok. Ang mananalo ay pasok sa Big four! Pero hindi niyo iyan babanggitin sa inyong kapwa housemates. At ang matatalo, ay otomatikong nominado para mapalabas ng bahay ko! Maliwanag ba? "

" Opo kuya! "

" Ang inyong magiging pagsubok, ay malalaman niyo mamaya. Maaari na kayong lumabas. ",wika ni Kuya.

Tahimik na lumabas ang dalawa. Wala silang kibuan at inihanda ang sarili para sa challenge na kanilang pag dadaanan.

-----------

"Para sa magiging pagsubok n'yo Ariel at Mhike. Tatawagin ko itong " Be My Buko King ".

Nagulat ang dalawa sa narinig. Akala nila ay mamaya pa ang kanilang duelo. Napalapit naman ang kanilang kapwa housemates.

" Ang match na ito ay paramihan at pabilisan ng pagkudkod ng niyog! Sa loob ng isang oras! Na gets n'yo bang dalawa? "

" Opo kuya ",sabay nilang sagot.

" Kung ganun, pumunta na kayo sa gilid ng pool. At ang magiging timer niyo ay si Josh."

" Okay po kuya! ",sagot ni Josh.

Agad naman na tumalima ang mga housemates. Subalit ganun na lamang ang gulat nila nang makakita ng maraming niyog na nagkalat sa buong bakuran ng bahay ni kuya.

" Janna at Loraine! Kunin niyo ang kanilang gagamitin sa storage room. "

" Opo kuya "

Makalipas ang ilang saglit bumalik ang dalawa bitbit ang malalaking planggana, kudkuran ng niyog at itak.

Inihanda naman nina Mhike at Ariel angkanilang mga sarili para sa pagsubok na ito.

Nagbilang lang si kuya ng tatlo at sinimulan na nilq ang pagkudkud ng niyog.

Makikita ang pagkainis sa mga mukha nila ngunit itong si Mhike ay pinapakalma ang sarili.

" Relax, relax Mhike, isipin mo nalang na naglalaro lang kayo." Ani ng isip ni Mhike sa kanyang sarili.

Samantalang itong si Ariel ay galit na galit na nakatingin sa niyog.

" Kainis naman itong si kuya sa dami ng task ito pa ang binigay." Wika naman ng isipan ni Ariel.

Matalino talaga itong si Mhike dahil normal lang ang kanyang naging kilos para hindi siya mapagod agad at tuloy tuloy lang ang pagkudkud ng niyog.

Si Ariel naman ay gigil na gigil sa pag kudkud ng niyog at mabilisan ang kanyang ginawang pagkayod dito kaya agad siyang napagod at pahinto-hinto siya at nagkasugat sugat pa ang kanyang kamay.

Hindi na namalayan ni Mhike na marami na ang kanyang nagawa at take note, hindi pa s'ya nakaramdam ng pagod.

Habang busy ang dalawa sa kakakayuyod ng niyog, nagtatanungan naman ang ibang housemates hindi nila alam kung challenge o parusa ang ginawa ng dalawa.

"Bakit kaya nila ginawa ang pagkayukod, baka susunod tayo," komento ni Daniel na hindi maiwasan na kabahan kung anong challenge ang sa kanya.

Habang nag-usap usap ang mga housemates ay tahimik naman na pinapanood ni Tinay ang dalawa na nagtataka din.

Ilang oras pa ang lumipas at mukhang sumuko na ang dalawa na hindi pa naubos ang lahat ng niyog.

" Stop the clock! ", ang sigaw ni Josh. Naaliw siya kakapanood sa dalawa.

Nakalimutan n'ya na isang oras lang pala ang dapat. Hindi n'ya namalayan na inabot na sila ng apat na oras sa pagkukudkod.

Halos lawit na ang dila ng dalawa. Nakita naman ito ni Tinay at agad na kumuha ng dalawang bottled water at inabutan ang dalawang binata.

" Ano ba kasing kasalanan n'yo at iyan ang binigay na pagsubok sa inyo? ",tanong nito.

Umupo s'ya sa gitna ng dalawang binata.

" Kasi... ", sasagot na sana si Ariel.

" Mhike at Ariel! Congratultions! Kahit nakalimutan ni Josh na isang oras lang dapat ay masaya akong madami kayong nakudkud. At iyan ay gagamitin ng mga babae upang gawing hotoil treatment. Ngayon, Janna,Loraine, Josh, Daniel Dave at Tinay. Bilangin n'yo kung ilang pirasong niyog ang kanilang nakudkod. ", ani ni Kuya.

Agad naman na tumalima ang anim na housemates. Makalipas ang ilang saglit ay natapos din silang magbilang.

" Kuya si Ariel po ay nakakudkod ng thiryfive pieces. ", ani ni Loraine.

" And Mhike kuya. Nakakudkod siya ng forty two pieces! ", ngiting saad ni Janna.

" Yesssss! Wooaaaaahhh! ", tuwang-tuwa na sigaw ni Mhike.

Binati naman s'ya ng kanyang mga kasama at ni kuya.

--------

" Mga kapamilya iyan po ang mga latest happenings sa bahay ni Kuya. At sa ating pagbabalik tunghanyan atin kung sino ang lalabas ngayong gabi. ", ani ni April D.

Dahil alam ni Ariel na otomatikong nominado na siya matapos ang challenge nila ni Mhike ay inubos niya ang oras kasama si Tinay.

Nakaupo ang dalaga sa bermuda grass. Naalala tuloy n'ya si Haw haw. Umupo naman si Ariel sa kanyang tabi.

" Malungkot ka yata? ", bungad nito sa dalaga.

" Namimis ko lang pamilya ko. ", ani ni Tinay.

Ginagap naman ng binata ang kanyang palad. Pagdaka'y pinantay ito sa kanyang palad. Nagtaka naman ang dalaga sa ginawi ni Ariel.

" Alam mo Tinay? "

" Hindi ko pa alam? ", birong sagot ng dalaga.

Napatawa tuloy si Ariel.

" Ngayon ipapaalam ko na. Tinay maniwala ka man o hindi. Kahit ako ay naguguluhan din noong una. Pero Tinay, andito ka na eh! Tinay mahal kita! ", pagtatapat ng binata.

Tila nagpantig naman ang tenga ni Jester sa narinig.

" Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Manligaw ba ng live on national television ?", inis na turan n'ya.

Nagulat naman ang dalaga. Hindi n'ya inaasahan na ganito ang sasabihin ni Ariel.

Speechless tuloy ang dalaga.

" Tinay, mahal kita! At handa akong patunayan iyan paglabas natin dito. "

" Ariel hi-hindi kasi ganon kadali iyon. At isa pa ngayon lang tayo nagkakilala. Baka naawa ka lang sa akin. O kaya dahil nagbago ang itsura ko. "

" Hindi Tinay. Mahal kita! Galing iyan dito. ", sabay turo sa dibdib nito.

" Pero may nagmamay-ari na nang puso ko. ", pag amin ng dalaga.

Nasaktan naman si Ariel sa narinig.

" Si-sino? Nandito din ba sa loob? "

" Wala! Pero nakasama ko na siya. Kahit palagi n'ya akong inaaway noon. Pasaway kasi itong puso ko eh. Sa dami ng lalaki sa kanya pa tumibok. "

Kinakabahan naman si Jester sa mga maaaring isiwalat ng dalaga.

" Sana ako! Sana ako ang mahal mo Tinay! ", turan nito sa sarili.

" Sino Tinay? " usisa ni Ariel kahit dinudurog na ang puso n'ya.

" Si... si.... " utal na wika ng dalaga na nagdadalawang isip kung sasabihin ba n'ya o hindi.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon