KAPITULO BIENTE NUEVE

3K 71 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

Dalawang araw matapos na ilathala ang anim na maswerteng housemates bilang BIG SIX ng PBBB HRE ay agad na pinuntahan ng mga staff ang kanikanilang pamilya.

Nang umagang iyon ay naghahanda na si Tatang Isko para ipastol si Hawhaw ng isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng kanilang kubo.

Bumaba mula sa kotse si Jerome. Siya mismo ang personal na pumunta sa lugar ni Tinay sa Bundok ng Ipu-ipo.

" Magandang umaga po! "

" Aba'y magandang umaga din sa syo iho. Anong maipaglilingkod ko sa inyo? "

" Kayo po ba ang tatang ni Tinay? "

" Oo, ako nga? Bakit? Anong nangyari sa Tinay namin? ",anas ng ginoo na kinabakasan ng kaba.

Narinig naman ito ni Inang Mameng kaya pinuntahan n'ya ang esposo.

" Anong nangyari Isko? "

" Naku, Inang At Itang huwag po kayong mag-aalala. Maayos si Tinay! Nandito kami upang sunduin kayo, para salubungin siya sa pag labas ng bahay ni Kuya! ",ang ngiting turan ni Jerome.

Nabigla naman ang dalawang matanda subalit nandun ang kasiyahan na muli nilang makikita ang anak.

Ganun din ang nangyari sa mga pamilya nina Mhike, Ariel, Loraine,Dave at Josh.

-----------

Sa bahay ni Kuya

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang anim na housemates. Nagbunga ang kanilang paghihirap at pagtitiis na malayo sa kanilang pamilya at sa mga gawaing nakasanayan nila.

" Grabe! Until now di ako makapniwala! ",anas ni Loraine.

" Kahit nga ako eh! Akala ko apat lang tapos naging anim. ",si Dave.

" Housemates "

" Kuya "

" Dahil kayong anim ay hinirang ko bilang Big six. Dadaan muna kayo sa isang pagsaubok. Dito n'yo masusukat ang inyong kakayahan na harapin ang mga bagay-bagay o mga pangyayaring inyong kinatatakutan! "

" Ohhhh ",rekasyon nila.

Medyo nakadama din sila ng kaba.

" Face the Fears! Ito ang magiging titulo ng huling pagsubok n'yo sa bahay ko. Karapat dapat nga ba kayong maging Big six? Susubukan ko ang inyong katatagan at katapangan. Sa ilang sandali, malalaman n'yo ito. Goodluck housemates! ",pagtatapos ni Kuya.

Naiwan naman na napapaisip ang mga housemates.

" Wala akong kinatatakutan kundi malalim na ilog lang. ",anas ni Tinay.

" Ako naman takot ako sa daga. ",saad ni Loraine.

" Sana hindi iyong bagay na sobrang napapaihi ako sa takot. ",saad ni Mhike na takot sa ahas.

" Ako, takot ako sa multo! ",si Josh.

Tahimik naman sina Ariel at Dave na parehas takot sa matataas na bahagi.

" Housemates! Bilang panimula, ang unang susubok sa challenge na ito ay ikaw, Josh! Kailangan mong makuha ang isang napakahalagang bagay para sa iyo, pero pumasok sa muna sa storage room. ",saad ni kuya.

Kinakabahan man ay tumalima si Josh.

Pagpasok pa lamang n'ya sa storage room ay kakaibang takot na ang kanyang nadarama. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo ng pakiramdam n'ya'y may nakamasid sa kanya.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon