KAPITULO OTSO

3.2K 84 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

Basta nalang naglakad si Tinay palayo sa bahay na pinapangarap pasukin,malayu-layo na ang kanyang nalalakad ng maalala na wala pala siyang mapuntahan at ang pera niya ay naiwan sa silid ng bahay na pansamantalang tinutuluyan.

"Hala! nasaan na ako, paano ko matunton pabalik ang bahay ni kuya?," sambit niya sa sarili na napapalingon sa pinanggagalingan.

Sa kaka-isip niya tungkol sa audition na nangyayari ay wala sa sarili na naglakad siya at hindi niya tuloy alam ang binabagtas na daan.

Naglakad siya pabalik at sinusubukan na makabalik sa bahay ni kuya pero talagang nawala na siya, medyo kinakabahan na rin at wala siyang tao na nakikita.

"Tinay, nakapunta ka ditto mula sa bundok na mag-isa, ang pagbalik pa ba sa bahay na iyon ang hindi mo kaya?,"kausap niya sa sarili.

Nag-aalala naman si Jerome ng mapansin na wala si Tinay sa inuokopa nitong kwarto, pinuntahan niya ito para sana e-cheer dahil sa nangyari sa audition.

Lumabas siya agad para hanapin ang dalaga, alam niya na wala itong matutuluyan at baka bigla nitong maisipan bumalik sa lugar nila sayang ang talent nito kung hindi ma discover.

Samantala, hindi naman malaman laman ni Jester kung mapabilang ba o hindi si Tinay na magiging housemate. Alam niya na may ibubuga ito pagdating sa kantahan, maturuan lang ito ng tamang pagbigkas at kumpas ng kamay ay pwede na ihilera sa mga singers. Hindi niya maintindihan ang sarili pero talagang naiinis siya sa pagiging tanga ng dalaga kaya hindi niya maiwasan na mabulyawan ito kapag nakikita.

" Nakakaasar naman ang babaeng ito! Ano ba Tinay! Patahimikin mo nga ako! ",wika ni Jester sa sarili.

Sakto naman na pumasok si Jerome sa kanyang opisina.

" O, anong nangyari diyan sa mukha mo kuya? ",tanong ni Jester. " Para kang di mapakaling pusa."

" Sabihin mo nga? How would I stay calm? Nawawala si Tinay! "

" Ah, iyon lang pala eh! ", ani ni Jester. " Teka? Nawawala nga ba? "

" Narinig mo naman siguro ang sinabi ko di ba? Wala pa namang alam iyon dito sa Maynila. "

" Anong ibig mong sabihin, kuya? "

" Taga bundok si Tinay! Tumakas siya sa kanila para makapunta lang dito at mag audition. "

Simulan ni Jerome na i kwento ang lahat ng alam niya tungkol kay Tinay.

" Iyong totoo, kuya? ", tila diskumpyadong wika ni Jester matapos marinig ang lahat tungkol sa katauhan ni Tinay. Naiisip niya na baka paawa epek lang ang sinabi ng kuya niya para makuha si Tinay.

" Pagduduhan ba ako? Haisstt! Bahala ka nga diyan hahanapin ko na nga lang si Tinay. ",inis na turan ni Jerome sa kapatid at lumabas na ito ng kanyang opisina.

" Saan kita hahanapin, Tinay? ",anas niya sa sarili.

Napahilamos naman ng sariling kamay si Jester.

" Hay! Pahamak ka talagang babae ka. Kinonsensya pa ako sa pagsusuplado ko? ", ani nito at nahugot ng malalim na paghinga.

Agad ding tumayo si Jester para hanapin si Tinay, dahil nag alala din s'ya dito. Baka mapahamak si Tinay at alam ni Jester na delikado ang maynila lalo pag mukhang enosinte ang tao. Maraming manluluko at masamang tao na walang sinasanto lalo pa't may hitsura si Tinay.

" Tinay, magpakita ka na nga,kinokonsensya mo pa ako" ,ani Jester habang nagmamaniho ng kanyang sasakyan. Hindi n'ya alam kung bakit pati siya ay nag alala narin kay Tinay.

Habang nag mamaniho si Jester. ay may nakita siyang babae sa di kalayuan kaya naman ng makalapit na ito ay agad siyang bumaba.

" Tinay?" tawag nito sa babaeng nakatalikod.

Lumingon naman ang babae.

" Sorry miss, akala ko ikaw ang hinahap ko" ,nahihiyang wika ni Jester.

Bumalik ang binata sa sasakyan at saglit na nag isip kung saan niya hanapin si Tinay.

" Haisst... ano ba itong nangyari sa akin kahit sino napagkamalan kong si Tinay" ,aniya't napahawak sa sintido.

Muling pinausad ni Jester ang sasakyan at nakailang ikot na siya ay wala paring Tinay na nakita. Malayo layo narin ang kanyang narating kaya naisip nito na tawagan si kuya niya Jerome.

" Kuya nahanap mo na ba si Tinay?" Nag aalang wika ni Jester.

" Himala!" , aning isip ni Jerome dahil ang suplado at walang pakialam niyang kapatid ay nag alala kay Tinay.

" Hindi pa nga eh, saan na kaya nagpunta yon, maggagabi pa naman" ,ani naman ni Jerome, nangangamba sa pwedeng mangyari kay Tinay.

" Saan kaba naghanap?"muling wika nito.

" Dito ako sa kaliwang daan kuya."

" Haisst, parehas lang tayo ng hinahanapan."

" Sige kuya Jerome, ako na ang maghahanap sa kabilang daan."

" Mabuti pa nga at ipagpatuloy ko ang paghahanap dito."

Agad na pinabalik ng binata ang sasakyan at tinungo nito ang kanang daan para hanapin si Tinay.

" Dahan-dahan lang ang ginawang pagmamaniho nito para makita niya lahat ang nadadaanan.

" Manang may nakita po ba kayong babae dito na medyo matangkad, maitim-itim din at pero maganda" ,aniya't tinatanong ang ali na nagtitinda ng mga candy.

" ah, iyon bang medyo buhaghag ang buhok ng kunti?" ,sagot naman ng ali.

" Opo opo, saan n'yo po s'ya nakita?"ani Jester na medyo lumiwanag ang mukha.

" Papunta s'ya doon, umiiyak pa nga 'yon" ,ani ng ali at itinuro ang dinaanan ni Tnay.

Walang sinayang na oras ang binata, halos makalimotan pa ang paghingi ng pasalamat sa matandang ali.

Tuloy-tuloy lang si Jester sa pag mamaniho hanggang sa nakarinig siya ng sigaw ng isang babae.

" Tulong...parang awa n'yo na po" ,mangiyak ngiyak na boses ng babae ang naririnig ni Jester.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon