ANG PAGWAWAKAS

4.9K 166 30
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

Hindi mapigilan ni Tinay ang luhang lumalandas sa kanyang magandang mukha.

Ang isang simpleng pangarap niya na makapasok sa sikat na bahay ni Kuya na PBB House ay siya palang daan para matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin niya ng buong puso't kaluluwa.

Matapos ang dalawang buwan mula ng mag proposed si Jester ay agad na nitong inasikaso ang mga kailanganin para sa kanilang kasal. Isang kasalan na hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino.

Sikat ang pamilyang Villacarlos sa larangan ng showbiz industry kaya naman bigatin at hindi rin basta basta ang mga sponsors na pinapangunahan ng bigatin mga artista. Umuwi rin ng bansa ang magulang ni Jester para saksihan ang kasal nito.

JUNE 19, 2014 - The most awaited wedding ceremony of the sweet couple Mr. Jester Villacarlos and Cristine "Tinay" Calalin.

Ang pagtunog ng kampana ang naging hudyat na magsisimula na ang pinaka engrande at marangyang kasalan sa Bundok Ipo-Ipo kung saan nakatira ang pamilya ng bride na si Tinay.

Everybody needs inspiration

Everybody needs a song

A beautiful melody, when the night's so long

'Cause there is no guarantee, that this life is easy

Yeah, when my world is falling apart

When there's no, light to break up the dark

That's when I, I, I look at you

Ang magandang boses ng isa sa sikat na host na si Leenmer ang sumunod na narinig sa pagkanta ng awiting 'When I Look At You'.

Napakaganda ng ayos ng simbahan na parang reyna at prinsipe ang ikakasal. Talagang itinudo ng mga Villacarlos ang engrandeng kasal dahil si Jester ang unang ikinasal sa dalawang magkapatid. Mula sa nagagandahang bulaklak sa simbahan, sa reception at sa mismong bahay nina Tinay.

Masayang mukha ang mababanaag sa gwapong si Jester na nakaabang na sa harap ng altar sa napakagarang kasuotan.

Unang naglakad papunta sa altar ang mga bata, the ring bearer, the flower girl at sumunod ang mga bridesmaid na pinapangunahan ng host na si Assassinof kasama ang tatlong housemates na sina Lorraine, Jannah at Irene at ang maid of honor na si Sheng habang patuloy sa pagkanta si Leenmer katabi si April na siyang kakanta sa susunod na awitin. Kasali naman sa groomsmens sina Ariel na tinanggap na ang katotohanang hindi talaga sila ni Tinay ang para sa isa't isa , Mhike and the PBB big winner na si Dave. Si Jerome naman na naunahan ni Jester magpakasal ang bestman.

When the waves are flooding the shore

And I can't find my way home anymore

That's when I, I, I look at you

When I look at you, I see forgiveness, I see the truth

You love me for who I am like the stars hold the moon

Right there where they belong

And I know I'm not alone

Yeah, when my world is falling apart

When there's no light to break up the dark

That's when I, I, I look at you

When the waves are flooding the shore

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon