KAPITULO TRES

3.7K 76 1
                                    

ANG AMBIYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

Kahit gabi ay pilit pa ring pumunta sa tindahan ni Aling Ireng ang dalaga, gusto talaga niyang masubaybayan ang updates ng PBB na palabas. Mula kasi ng mapanood niya ito ay hinahangad na niya talaga ang makasali siya at tinitingnan din niya kung may mga ideya siyang makukuha.

"Kahit anong mangyari, sasali ako at sasali ako at sasali talaga ako"parang tangang kausap niya sa sarili.

"Ahhhhhhhh sino ka?" gulat na tanong ni Aling Mameng.

"Inay naman, sino pa ba eh 'di ako si Tinay"

"Tinay? Anong kalokohan naman ang pumasok sa kukute mo at mata nalang ang nakikita sa hitsura mo? Para kang taga MIDOL EST ba iyon na ballot na ballot din ang mga babae.

"Inay magpapastol ako kay Hawhaw, e hindi na ako pwedeng magbabad sa init at sayang ang bisa ng magic dahon ng papaya na hinihilod ko araw-araw"

"Haaayyy naku sa'yo Tinay para kang baliw, wala rin iyang silbi at sa makalawa ay anihan na"

"Nay, pwede po bang absent ako sa anihan, ako nalang po ang mag de-deliver, kayo nalang ni tatay mag-ani"

"Naku ang bata ito, siya magpastol ka na at baka marinig ka pa ng tatay mo lagot kang talaga."

"Hawhaw di karabaw di ba tutin, hawhaw kumusta, magandang morning" masayang bati ni Tinay pero wala siyang nakuhang sagot mula sa alaga hindi katulad dati na agad sisigaw ng oooongaaaaa.

Napakunot noo ang dalaga na hinahaplos-haplos si Hawhaw " Hawhaw, may sakit ka ba?" Nag-aalala niyang tanong na para talagang nagkakaintindihan sila.

"Hawhaw, mag ooongggaaa ka naman"

Dahil sa kakaibang kilos ni Hawhaw ay agad bumalik sa bahay si Tinay para sabihin sa magulang.

"Inay, si Hawhaw mukhang may sakit" agad na bungad niya ng makita ang ina.

"Aba! Anong nangyari?"

"Ewan ko inay, dalian n'yo po puntahan natin.

Pagkarating ng dalawa ay agad tumayo si Hawhaw.

"Oh, mukhang ok naman si Hawhaw ah" wika ng ina.

"Pero inay kanina, hindi talaga siya kumilos ng lapitan ko"

"Sinipat ni Aling Mameng si Hawhaw hanggang sa bumaling uli ito sa kanya.

"Subukan mo kayang tanggalin iyang nakabalot sa buo mong katawan at mukha at baka hindi ka nakilala nitong si Hawhaw, hayy naku Tinay" sambit ng ina ng mahinuha ang rason ng alagang hayop.

"Aba! Hawhaw hindi mo ako nakilala?"Tanong niya at tinanggal ang nakabalot sa mukha.

"Ooonnngggaaaaa, Oooonngggaaaa"

"Hayyy naku! Tinay, maiwan ko na nga kayo.

"Hawhaw naman bakit hindi mo ako nakilala, tandaan mo ang amoy ko ha at kailangan kong takpan ang mukha para makasali sa PBB"

"Oooonnnggggaaa, Ooonngggaaa"

---

"Magic papaya leaves for glowing skin!"Nakangiting bigkas ni Tinay na akala mo endorser ng isang produkto habang inaayos ang mga dahon ng papaya na gamitin niyang pampaligo.

"Kuskusan time!"Ani pa niya at nag-umpisa na namang nagkuskus habang kumakanta.

---

"Inay, ako na po kayo ang mag deliver ng mga ito para mas malaki ang kikitain natin, sasama po ako kina Aling Ireng" pag boluntaryo niya ng matapos silang mag-ani sa maliit nilang palayan.

Pinasama nalang kasi nila sa iba kapag may pupuntang bayan pero may bawas kada takal.

"Sigurado ka ba, kaya mo ba?"Tanong ng inay niya.

"Hayaan mo na siya para matuto at sa susunod buo ang kita natin, oh siya magpaturo ka muna kay Ireng kung paano ang dapat gawin ha" turan ng tatay niya na ikinatuwa ng dalaga.

"Yes!" sigaw niya sa isipan.

Halos araw araw ay ginawa ni Tinay ang lahat ng diskarte para maka ipon ng kanyang pampamasahe patungong Maynila.

" Oi Mare, sabi pala ng amo ko naghahanap ito nang katulong. Gusto niya iyong medyo bata pa daw? ", wika ni Aling Janing.

" Talaga? Pero wala naman ibang dalaga dito? Maliban lang kay Tinay? ", ani naman ni Aling Ireng.

" Tanungin mo si Mareng Mameng baka pwede nating irekomenda si Tinay. "

" Sige, subukan ko mamaya. "

Kinahapunan ay inutusan si Tinay na pumunta sa tindahan ni Aling Ireng.

" Aba Tinay, buti naman at napadaan ka. "

"Aling Ireng, pabili po ng sardinas at miswa. "

" Teka may sasabihin ako sayo, si Mareng Janing naghahanap ng katulong sa Maynila. "

Tila naging tengang kuneho ang tenga ni Tinay sa narinig.

" Talaga ho! Pwede po ba ako doon? "

" Aba'y oo! Pero baka hindi papayag ang tatay mo. "

Agad na lumungkot ang mukha ng dalaga. Napaisip it0, sana pumayag ang kanyang ama.

" Hmmm, kung sasam ako kay Aling Janing, libre ang pamasahe ko. Pagbubutihan ko ang trabaho ko at makikiusap sa amo ko na mag au- audition ako! ", ang tumatakbong plano sa utak ng dalaga.

" Hoy, Tinay, natulala ka na diyan! Heto na iyong sardinas mo. Sana payagan ka ng tatay mo para sa susunod na linggo makasama ka na pabalik kay Mareng Janing. "

" Sana nga po. Sige po salamat. ", aniya at mabilis na umuwi.

" Kailangan kong makumbinsi sila Inang at Itang. Tama ito na ang tamang pagkakataon! Bahay ni Kuya, here I come. Ako si TINAY, ANG AMBISYOSANG PROMDI, hindi ako susuko ", taas noong banggit ni Tinay.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon