KAPITULO SAIS

3.5K 90 2
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

" Tao ba siya? Parang tao na hindi ang gwapo naman ",tanong ng dalaga nang makita ang gwapong lalaki.

Lalo pa siyang napanga nga nag tinanggal ni Jester ang kanyang rayban.

" Haw haw pakikurot nga ako. Ang gwapo sobra. ",anas nito. Subalit biglang lumungkot ang mukha ni Tinay. Wala na pala si haw haw sa tabi niya.

Pero agad naman itong napawi nang mapatitig siyang muli sa binata.

Sino ba naman ang hindi mapapanga nga sa tulad ni Jester? Gwapo at macho. Sa tinding pa lamang nito ,malalaglag na ang panty mo.

Nagsimulang maglakad ang binata papasok sa bahay nang mahagip ng kanyang mata si Tinay.

Agad na tumayo si Tinay at sinuot nito ang kanyang tsinelas na inupuan niya kanina.

" Kuya gwapo! Ikaw ba ang may ari ng bahay na ito? Ikaw ba si Big Brother? ",sunud- sunod na tanong ng dalaga.

" What are you saying? ",ani ni Jester na napakunot noo.

" Ano daw? ",takang tanong ni Tinay.

" Sabi ko anong tinatanong mo? "

" O, di nagtagalog ka rin! "

Nabigla si Jester naisahan yata siya ng babaeng ito.

" Syempre marunong akong magtagalog! ",sagot ni Jester.

" Malamang dahil nasa Pilipinas ka. Pero 'wag mo akong ini enggols nadugo ilong ko eh. Pero Pilipino ka ba?"

Gusto nang matawa ni Jester sa tinuran ng dalaga.

" What are you doing here? "

" Kasasabi ko lang ha, na huwag kang mag enggols. "

" Okay fine! Anong sadya mo rito? "

" Mag aaply sana ako este mag audition pala. "

" Saan? "

" Sa bahay mo! "

" Gusto mo maging housemate ni kuya? "

" Gustung- gusto! Kahit na classmate, batchmate, checkmate! Basta dito sa bahay ni kuya! ",ngiting turan ng dalaga.

" Pero hindi ka pasado! ",pasupladong turan ng binata. Napawi naman ang ngiti ni Tinay.

" Ganun? Bakit? Dahil sa itsura ko? "

Napatitig naman si Jester sa dalaga. Hindi pantay pantay ang kulay ng balat nito. May bahaging maputi merong hindi. Dry ang buhok nito at halatang sabog at walang ligo.

" May talent ka ba? ",ang namutawing tanong mula kay Jester.

" Marunong akong kumanta! Kapag nasa bukid kami ni haw haw doon ko nilalabas ang talent ko! "

" Pero sa susunod na linggo pa ang audition! At hindi ako siguradong mapipili ka! "

Biglang lumungkot muli si Tinay. Kung sa isang linggo pa, malamang patay na siya! Walang pagkain at wala siyang bahay na tutuluyan.

"Jester ! ",tawag ni Jerome.

Napalingon naman si Jester. Maging si Tinay.

" Diyos na mahabagin,saan ba nagmula ang mga nilalang na ito. Ang ga gwapo! ",aniya sa sarili.

" What's happening here? "

" This girl wants to audition, Kuya. ",sagot ni Jester.

Tinitigan naman ni Jerome si Tinay.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon