KAPITULO NUEVE

3.2K 86 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A.

Kinakabahang nagmamadaling pinuntahan ni Jester ang pinanggalingan ng narinig na sigaw ng babae.

"Tulongggggg,"ang muling sigaw ng babae.

"Piiiiiiiiiippppiiiiipppppiiiiiipppp"

Diniinan ni Jester ang pag busina ng makita ang babae na parang hinahatak ng tatlong lalaki.

Nagtakbuhan naman ang mga ito ng marinig ang busina at agad bumaba ang binata ng makilala na si Tinay nga.

"Ano bang pumasok sa kukute mo at dito ka nagpunta ?," ang pag-alala ni Jester ay itinago niya sa inis.

Napasimangot naman si Tinay ng makilala ang lalaki pero dahil siya si Tinay agad siyang tumayo at hinarap ito.

"Salamat Mr. Hambog, naligaw ako kaya napunta ako ditto at napapangitan lang ako sa mga iyon kaya natakot ako ng lumapit sila"

"Aba! ikaw na nga ang tinulungan, kung anu-ano pa itinawag mo sa akin at nanlait ka pa," asar na sita ng binata. "Napaka tapang talaga ng babaeng ito kahit gipit na"dagdag ng binata sa isipan.

"Tinay!," tawag ni Jerome ng Makita sila.

"Tinay naman, ano ba ang naisip mo at napadpad ka dito, pinag-alala mo kami."

"Sorry kuya at salamat sa pag-alala mo, hindi ko ho kasi namalayan ang dinadaanan ko,"pagpakumbaba na ani ni Tinay.

"Grrrrrr, kay kuya nagpasalamat at ang bait kuno makipag-usap samantalang sa akin ang taray , ako na nga ang nakahanap at tumulong sa kanya," inis na saisip ng binata na kumikibot-kibot ang bibig.

"Siya, tara bumalik na tayo para makapagpahing ka, salamat Jester ako na bahala sa kanya," turan ni Jerome at inakay ang dalaga sa sasakyan nito.

Napatiim bagang si Jester sa ginawa ng kapatid. May bahagi ng kanyang puso ang nagagalit dahil mas maayos ang pakikitungo ng Tinay sa kanyang kuya.

------

UP NEXT....

PBB HR EDITION Hosted by: L.A.S.A.

.

.

.

"HELLO PHILIPPINES! HELLO WORLD!'"bungad ng apat na hosts.

" Ito na ang pinaka-inaabangang at pinag-uusapan, ang muling pagbubukas ng bahay ni kuya, ang PBB HR Edition! Handa na ba kayong kilalanin ang dalawampung housemates?," bungad ni Leenmer ang isa sa mga host..

Masigabong palakpakan ang maririnig sa buong paligid lalo na sa mga supporters ng bawat isa.

"Sinu-sino nga ba ang mga magpakatotoo sa kanila, hindi na natin papatagalin. Ang unang housemate na papasok sa bahay ni kuya., Ang dancing queen ng ILO-ILO. LORAINE ARNAIZ!", malakas na sigaw ni April D.

"Whoooooohhhhhhhhh, go, go Loraine!,"sigawan ng mga supporters ng pambato ng Ilo-Ilo.

"Ang susunod, ang may killer smile ng Bulacan. JEFFREY QUIRINO!," pakilala ni Sheng sa second housemate.

Hindi rin nagpapatalo ang mga supporters ng pambato ng Bulacan.

"Ang ikatlong housemate ay ang pambato ng CEBU, MARIBETH SANCHEZ!,"malakas na sigaw ni Assasinof Love.

"C...E...B...U! CEBU! go go Maribeth!"

Pati ang mga taga Cebu na nanonood sa kanilang mga bahay, bahay ay nagche-cheer din"

"Ang pang-apat, WILLIE GUZMAN ng DAVAO CITY!"

"The fifth housemate, JANNA BABADILLA of RIZAL!"

"ARIEL PEREZ ang machong gwapito ng CALOOCAN, pang anim na housemate ni kuya"

"Ang makulit at matalinong si IRENE MAGULLADO ng CABATUAN, ILO-ILO ang sunod na pasok"

Hindi na halos magkarinigan ang mga naroroon dahil sa sobrang ingay ng mga supporters ng bawat isa, halos matalo na ang boses ng mga hosts kahit may microphone na gamit.

"NATALIA JOYCE RANISES the beauty and brain of QUEZON CITY!"

"Ang SCHOLAR ng MARIKINA, JOHN PAUL MENDEZ."

"Leenmer, naririnig mo pa ba ako?," nakangiting tanong ng co-host na si April D. dahil sa sigawan ng mga tao.

Natatawa naman na binalingan ni Leenmer ang dalawa pang co-hosts sa kabilang side.

"Kayo diyan Sheng and Assasinof, nagkakarinigan pa ba?"

"Nabasag na yata ang eardrums naming ditto Leen and April," tugon ng nakatawang si Sheng.

"Ang MABAIT NA ANAK , LOVELYN PALINO ng SORSOGON ang pang sampu na papasok sa bahay,"patuloy na pakilala ni April D.

"DANIEL MARTINEZ ang rakista ng PALAWAN"

"Pang labing-dalawa from COTABATO CITY, AL MERAH CAPARAN the BALLET DANCER."

"JOSH YLANAN ng ANTIPOLO ang romantiko"

"MERCY CABATO, ang raketera ng NEGROS."

"The SHARPSHOOTER, ang basketbolistang si JAMES MERCADO ng BACOLOD,the 14th housemate."

"Ang MABAIT AT RELIHIYOSANG anak, DAVE VARQUEZ ng ANTIQUE. Si Dave ay isang sacristan sa kanilang lugar ang pang labing anim na papasok sa bahay ni kuya."

"GING MANLA, the ATHLETE ng AGUSAN DEL SUR."

"MARK ANTHONY CHUA, ang chinito ng DUMAGUETE"

"Ang ikalabing siyam na housemate ay kilala daw ito bilang isang chick boy ng ILIGAN CITY, aba Sheng, chick boy," baling ni Assasinof Love sa katabing co- host.

"Aba!Aba! Malalaman natin iyan sa kanyang pagpasok sa bahay, MHIKE GAVE, ikaw ang sunod na housemate ni kuya!"

Muli nagkaka-ingay dahil sa pagngiti at pagkindat ng housemate na si MHIKE sa madla sabay bigay ng flying kiss.

"At ang kukumpleto sa dalampung housemates sa edisyong ito ay si......," pambitin ng host.

"Walang iba kundi ang AMBISYOSANG PROMDI ng BUNDOK IPO-IPO, CRISTINA 'TINAY' CALALIN!"

"Kilalanin natin silang lahat sa mga susunod na araw, sinu-sino nga ba ang magpakatotoo at sinu-sino ang hindi susuko sa mga tasks ni kuya.

Sino nga ba ang tatanghalin THE BIG 4 at ang magiging bagong winner. Iyan ang ating pakatutukan gabi-gabi dito lang sa PINOY BIG BROTHER HR EDITION."

Matagal nang tapos ang palabas pero nakanga-nga pa rin si Aling Ireng sa kanyang black and white TV.

"T-tinay, ikaw ba talaga ang nakita ko? Ang matagal ng hinahanap nina Mang Isko at Aling Mameng na anak?," hindi makapaniwalang tanong sa sarili.

" Mareng Mameng, Pareng Isko! " humahangos na tawag ni Aling Ireng.

Kahit gabi na ay pinutahan niya ang kaniyang kapitbahay.

" O ,gabi ni Mare anong sadya mo? ",si Inang Mameng.

" Nakita ko si Tinay! "

"Talaga? Saan na siya? "

Napatayo naman buhat sa pagkakaupo si Tatang Isko.

" Anong sinasabi mo Ireng? ",bungad nito.

" Maniwala kayo't sa hindi nakita ko si tinay sa telebisyon. "

Nagulat ang dalawang matanda sa narinig. Ipinaliwanag ni Aling Ireng ang lahat.

" Talagang tinutoo niya ang kanyang sinabi! Na sasali siya doon sa bahay na iyon! ",wika ni Mang Isko.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon