KAPITULO DOS

4.3K 97 1
                                    

ANG AMBISYOSANG PROMDI

Written by: L.A.S.A

" Inayyy..." ,tawag ni Tinay sa ina na halos magkasabay lamang sila ng dumating. Nauna lang ng segundo pagkat nasa bungad na ng pinto ito samantala si Tinay ay tatlong hakbang ang layo sa ina.

" Dyosporsanto kung makatawag ka wagas, tumilapon tuloy ang tutuli ko sa tuba ng tatang mo!!" gulat na wika ni inang Mameng.

" Inang naman kung makareact kayo para din kayong naubosan ng tungog."

" Bakit ka ba kasi sumigaw?"

" Hindi naman ako sumigaw Inang, tinawag lang naman kita."

" Nagrarason kapa..." ika ni Inang Mameng sabay. Kurot sa singit ni Tinay.

" Aray...tama na Inang ang sakit" ,reklamo nito.

Binitawan naman ang kanyang singit.

" Amoyin mo Inang 'di ba mabango" ,pilyang wika nito at kumaripas ng takbo sa loob para magluto.

Nakalimotan na nito ang sasabihin sa Ina.

" Hmmp, mamaya na nga lang pagkatapos kong mag luto, pero...paano ko ba sasabihin kay Inang at tatang? Basta bahala na" ,ika ni Tinay habang nagluluto.

Matapos ang paghahanda ng pagkain ay agad nitong tinawag ang mga magulang.

" Inang, Tatang halina po kayo, kain na tayo."

" Andyan na" ,sabay na tugon ng dalawa.

" Inang, Tatang napanuod ko po sa tevesion ang PBB" ,ani Tinay habang kumakain.

" Ano naman yang PBB na yan Tinay?" Takang tanong ni Tatang

" Pinoy big brother tatang, 'yong sa bahay ni kuya na programa, tapos kapag nakapasok ka at nanalo may premyo at pwede pang maging artista."

" Bakit anong meron doon Tinay?" Tanong naman ni Mameng.

Saglit na natahimik si Tinay at nag isip kung paano n'ya sasabihin.

" Kasi...kasi po gusto ko sanang sumali" ,ani Tinay sa mahinahong boses.

Naibuga namang ng kanyang Tatang at Inang ang pagkain ng marinig ang sinbi ni Tinay. Dahil sa magkaharap ang dalawa'y sa parehas nilang mukha dumikit ang kanin na naibuga.

" Ano ba 'yan inang, tatang narinig n'yo lang na sasali ako ganyan na agad ang reaction n'yo! Maganda naman po ako ah at matalino kaya pwede pi ako" ,aniya't inilarawan ang sarili.

" Hindi naman sa ganun Tinay, hindi madali ang ambisyon mong yan pero kung iyan ang ikaliligaya mo, walang problema sa akin" ,ani ng kanyang inang walang pagtutol.

" Kayo po Tatang payag po ba kayo?"

" Hindi pwede ang gusto mo, manahimik ka nalang dito. Nandidito ang buhay mo."disgusto ni tatang.

" Eh tang pagnanalo naman ako ibibili kita ng maraming maraming tuba!" Aniya't para lang makunbonsi si Tatang.

" Hindi pwede, tumigil ka dyan sa pangarap mo."

" Pero tang..."

" Walang pero pero, ang disisyon ko ang masusunod. At isa pa sa hitsura mong iyan baka sa pila pa lang ay diskwalepayd ka na" turan pa nito na pilit nag e-english.

Hindi naman makontra ni Mameng ang kanyang asawa pagkat alam na nito pag ito na ang nagdiskusyon at tama naman ito, baka magiging kawawa lang si Tinay.

"Hindi masama ang mangarap Tinay pero kung maari lang, aba iyon namang malapit sa katotohanan" dagdag pa ng kanyang tatang.

Hindi na kumibo pa si Tinay at pinagpatuloy ang pagkain. Pero hindi siya papayag gagawa siya ng paraan pagkat ito lang ang kanyang naisip na paraan para makamit ang pangarap na yumaman.

Habang nakahiga si Tinay may mga planong nabuo sa kanyang isipan kung ano ang mga hakbang nagagawin para makapasok sa bahay ni kuya(PBB).

"Bakit? Hindi ba pwedeng makapasok ang tulad ko sa bahay na iyon? " Tanong ni Tinay sa isip. Mula nang mapanood niya ang palabas na iyon ay hindi na nawaglit pa sa kanyang isipan at sobra ang hangarin niya na makapasok talaga.

Kinaumagahan maagang nagising si Tinay para masimulan ang mga dapat gawin. Pinuntahan muna niya si haw haw, ang kanyang alagang kalabaw para makakain. Habang papunta siya sa kay haw haw mas minabuti niyang mag jogging papunta doon at sinabayan ng ehersisyo.

" Haw haw kain ka muna ha at ako'y mag exercise. Pwede rin sabayan mo ako at kakanta tayo ng

mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga para katawan ay simigla" ,aniya't sinimulan ang pag galaw ng balakang.

" Ongaaaa ongaaaa" ,ani haw haw at pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos pakainin si haw haw dinala nman niya ito sa lunangang tubig at sandaling iniwan.

Pawisan si Tinay na umuwe sa kanilang bahay pero bago siya umuwe nanguha muna s'ya ng dahon ng papaya para gawin panlugod sa katawan.

Umabot ng isang oras ang pagliligo ni Tinay pagkat tudo hilod s'ya sa katawan gamit ang papaya leaves.

Pakanta kanta pa ito habang nagkuskus ng katawan, gamit ang tuno ng ocho ocho.

" Tayoy mag kuskus kuskus na...pagligo sa umaga gumamit ng dahon ng papaya. Sanaying gawin sa araw araw pra timingkad ang kutis purselana. Tayo'y magkuskus kuskus kuskus kuskus na...at puputi ang kilikili pati singit pa." Masayang kanta ni Tinay habang naliligo.

Sa araw-araw naging ganun ang ginagawa n'ya. Talagang pinanindigan niya ang planong nabuo sa kanyang isipan. May panahon pa naman s'ya pagkat dawalang buwan pa bago matapos ang Pinoy Big Brother audition.

Good morning Philippines! Good morning world.

Muli ko pong ipapaabot sa inyo na may isang buwan na lamang at magtatapos na ang pagtanggap sa bahay ni kuya . Kung may interesado pang sumali, pila na kayo at magpa audition na. Ito na ang isang paraan para maisakatuparan ang inyong pangarap. Ang inyong updates for today, Toni Gonzaga. Babooosss." Ito ang pinapanuod ni Tinay ng umagang yon, sadyang inaabangan n'ya ito para masisiguro niyang makakahabol pa s'ya.

"Tay kahit umihi ka pa po ng tuba, hindi mo ako mapipigilan gagawa at gagawa ako ng paraan para makapak sa sikat na bahay na iyan"sambit ni Tinay sa sarili habang nakasilip pa rin sa tindahan nina Aling Ireng.

ANG AMBISYOSANG PROMDI (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon