Hazel Guevara
Nag simula na ang unang araw nang pasok ko sa 4th year college, pero ang akala ko ay madaling pag aaral ko ay mas lalong naging mahirap ng harangin ni Mommy ang akin allowance dahil sa matinding galit niya sa akin halos lahat ng ibibigay ni Daddy na allowance ko for School ay hindi ko na nahahawakan.
"Hanap na lang tayo ng part time dito sa Capital madami duon maganda na trabaho waitress sa bar nga lang pero hindi ka naman babastusin dahil mag kaiba ang mga entertainer sa waitress lang." Ani Naomi habang kumakain kami sa isang street foods malapit sa school.
"Puwede tayo dun sa plantation nag hahanap ng mga trabante duon na babae!" Pag tuturo ni Ella.
Nag hahanap ng mga babae na magiging taga himay ng mga na harvest na palm oil hinahanap ay mga babae at mag bibigay ng Escolar or kaya naman mag sponsor sa pag aaral.
Wala akong alam na kumukuha sila Mommy ng trabador pa sa Plantation, kung sabagay sino nga ba naman ako para malaman pa ang mga ganuon bagay, nag bibigay sila ng Escolar at Sponsor pero ako itong hirap na hirap kumuha ng ibabaon at ibabayad ko sa mga projects at kung ano ano.
"Oo nga pala Hope, hindi ba't Guevara ka kamag anak mo ba ang mga iyon sina Don Lorenzo at Madam Maria?" Tanong sa akin ni Ella.
"Oo nga! Baka malayong kamag anak mo ang mga iyon!" Segunda ni Naomi.
Since childhood I have always denied that I am a Guevara and I am the daughter of Maria Guevara and my father is Lorenzo Guevara but why I don't seem to be used to it yet, masakit pa rin gumaguhit pa rin sa dibdib ang sakit.
"Ba-baka mag kataon lang madami mag papareho ng apelyido nag kataon lang." Halos manginig ang boses na pang tanggi ko.
"Puwede tayo duon kase 5PM ang pasok natin at ang uwi ay 10 pm kaya naman puwede tayo duon" saad ni Ella na mukhang desidido na sa pag pasok sa plantation.
"H-hindi ako puwede duon may nakuha na ako trabaho waitress sa milktea shop nalapit sa bayan." Saad ko sa dalawa na napasibangot.
"Buti kapa Hope nakakainis ang hirap kumuha ng trabaho dito, Ella patulan na natin yung sa plantation 500 per day dun puwede na iyon libre daw pag kain." Saad ni Naomi.
"Baka makita narin sa personal yung dalawang mag kapatid na Guevara napakagaganda daw ng mga iyon!" Excited na saad ni Ella kay Naomi.
even though this whole town only knew that Guevara had two children at talagang wala silang balak ilabas na tatlo ang anak nila.
"Ikakasal na ata yung isang panganay sa nag iisang anak ng pinakamayamang tao rito ang Fuentes." Nanlalaki ang mata na chismisan ng dalawa.
Every time I remember that Kuya Khairo is getting married, I can't help but feel sad because he is the first man I liked since I was a young. I secretly look at him. Pero ang pag mamahal at kagustuhan ko na iyon at mananatiling lihim na lamang na akin itatago dahil malapit na itong ikasal sa Ate ko.
Nang matapos ako mag trabaho mag hapon sa Milktea shop at umuwi kaagad ako upang makaligo at pumasok ng 5PM kumain muna ako sa isang Fishball cart upang maibsan ko ang gutom dahil nakalimutan ko kumain kanina sa pag mamadali.
Habang kumakain ako ay muntik na ako masamid dahil isang Familyar na kotse ang dumaan kung saan ako nakatayo at kumakain ng Fishball.
Kita ko mukha ang gwapong mukha ni Kuya Khairo sa kotse nito na medyo hindi nakasara. My smile faded when I saw Ate Hanie and she was laughing happily I almost lost my appetite dahil para may tumarak na matalim na kutsilyo sa akin dibdib.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko ng bigla ako gulatin ni Henzo isa ito sa mga kabatch ko na graduating ngayon taon may akin itong kagwapuhan tahimik at matalino suot ang medyo malaking salamin nito sa mata ay dala ang kanyang napagandang ngiti siguro kahit sino ay magugustuhan ang ganitong lalaki gentleman pa.
"Hindi mo yata kasama ang mga kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Henzo.
"May part time sila hindi pa siguro umuuwi ang mga iyon." Saad ko sa kanya habang iniinom ko ang palamig.
"Balita ko sa plantation sila nag tratrabaho, baka mabigyan ang mga iyon ng libre pag papaaral." Anito.
"Sana nga isa rin iyon sa dahilan kung bakit nag trabaho sila duon." Saad ko.
"Hindi ka sumama nag tratrabaho rin ako duon actually sila ang nag papaaral sa akin." Nakangiti tugon nito.
"May trabaho ko rito sa Milktea shop sayang nga at nakapag apply pa ako baka makakuha rin ako ng libreng pag papaaral." Ani ko.
Nag paalam ako kay Henzo, upang makapag bihis na ay makapasok dahil 4PM na ng hapon nag nag alok ito na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag dahil sa plantation ang bahay at bawal lalo dahil duon siya nag tratrabaho.
Naabutan ko ang mga hardinero na nag lilinis sa buong labas ng mansion ang mga magaganda at malagong halaman ay trimming at pruning ang nag lalakihan Maple tree ay nilalagyan ng mga LED lights at Bermuda grass ay pinabawasan rin at pinapaganda.
"Yaya Conny ano po mayroon?" Tanong ko kay Yaya ng maabutan ko ito sa staircase habang nag pupunas.
"Hija hindi ba nabanggit sa iyo na engagement party ngayon ni Mam Hanie at Sir Khairo." Saad ni Yaya at itinuon ang buong atensyon sa akin.
Wala sa akin babanggit ang pamilya ko na may magaganap na party sa mansion kung sabagay mas ayos pa nga siguro sa kanila na pumasok ako at wala sa bahay kaysa nandito ko ako at baka makagawa lang ako ng ikakahiya nila.
"Mauna na po ako Yaya" pumasok ako kaagad sa kuwarto ko at napahinga ng malalim na tila pagod na pagod.
5PM na nang matapos akong mag ayos na salubong ko si Ate Hanie sa staircase halos iyuko ko ang akin ulo dahil sa nandidiri tingin na iginawad niya sa akin.
"Mabuti, you'd rather leave than stay in your room, dahil baka gumawa ka lang ng hindi maganda ikaw pa naman ang malas." Puno ng sarkasmo na saad nito sa akin.
"M-may pasok ako Ate ngayon." Maikling saad muntik pa ako mabulol.
Nag patuloy ito sa panunuya sa akin mabuti na lang at dumating si Mommy natigil lang ako pag lait niya.
-
BINABASA MO ANG
Unwanted Love (COMPLETED)
Ficção GeralEven if you turn the world upside down, I am still your Wife! Even if you give me a thousand slaps, It will never change that I am still your Wife!