Hope Glavez Guevara's POV.
Bumalik lahat nang alaala ko nang makita ko ang dati namin bahay ni Khairo kung saan kami nag sama bilang mag asawa.
Ang malaking Living room ay walang pinag bago ganun pa rin ang ayos. Napukaw ang tingin ko sa itaas nang fireplace.
Ang wedding picture namin dati. Bago ang frame nun tila isang ginto na kumikinang takaw pansin iyon dahil sa napakagandang design.
Bumuo nang ingay ang loob nang pumasok ang mag ama sa loob. Kita ko ang magagandang ngiti ni Kaleb dahil sa saya, hindi ko alam. Hindi ko rin maipaliwanag ang alam ko lang ay masaya ang anak ko dahil nakilala niya ang ama niya.
"Huwag kang masyado tumakbo Kaleb." Pag paalala ko sa kanya dahil minsan na itong nadapa at nabungi ang ipin dahil sa kakatakbo.
"Yes Mommy!" Sigaw nito habang tumatakbo papalayo. Ramdam ko ang pag tigil ni Khairo sa akin tabi. Ang magaganda nito ngipin at mapulang labi ang unang nakaagaw nang pansin ko.
"After the family dinner, Kaleb will stay there. Mas safe siya kina Mommy kaylangan lang natin taposin ang lahat nang ito." Seryosong saad nito sa akin.
Napag usapan namin na iwan muna sa Mommy and Daddy niya si Kaleb dahil mas safe iyon duon kung kasama namin ito habang inaayos ko ang kaso ni Mommy isama pag ang sindikato na tumutulong sa kanila ay baka kung mapaano ang bata hindi ko kakayanin kung mayroon mangyari na naman kay Kaleb.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapoproseso na kalaban ko ang aking sariling pamilya hindi ba't nakakalungkot iyon na ang sarili mong pamilya ang dapat nakakampi mo sa magulong mundo na ito. Pero sila pa pala ang magiging kalaban mo." Mapakla kong saad habang pareho namin pinag mamasdan si Kaleb.
"The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enimeies." Maikiling saad nito. Hinawakan nito ang balikat ko ang iniharap niya ako sa kanyang harapan.
Napapikit ako nang hawiin nito ang hibla nang nakalugay na buhok ko at inilagay ito sa gilid nang akin tenga.
"I'm your Husband Hope. Don't think that you are alone, because as long as I am by your side you will never be alone. Ako na ang tahanan uuwian mo sa araw araw na nabubuhay ka. Mahal na mahal kita, hindi mo man masabi sa akin ngayon ang nararamdaman ko ay mag hihintay ako." Saad nito at sinundan ang nag lilibot na si Kaleb.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi niya pakiramdam ko ay humihilab ang akin tiyan pero hindi masakit bagkos ay nakakakilit sa pakiramdam.
6PM nang makarating kami sa Mansion nang mga Fuentes. Tanaw ko sa harap ang modern Spanish style na bahay nito. Pag pasok namin sa loob ay sumisigaw ang yaman nang mga Fuentes sa mga gamit at bawat tela na ginagamit sa malalaking bintana nang mansion.
Buhat ni Khairo ang makulit na si Kaleb. Nakayakap ito sa ama tila ba pinakikiramdaman nito ang lugar. Dahil ngayon lang rin siya nakapunta rito.
Kaagad kaming sinalubong nag mag asawang Fuentes sa malaking Living Area pa lang. Medyo tumanda na ang mga ito nang huli ko itong nakita. Kaagad silang lumapit sa direksyon namin labis naman ang kaba dahil hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kung papaano.
"Hija." Saad nang Daddy ni Khairo sa akin ay niyakap ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil ang akala ko ay galit sila sa akin dahil sa pag sira ko sa kasal nang anak nila.
"You really look like Helena." Saad nang ina ni Khairo sa akin kaya na bigla ako dahil alam niya ang pangalan nang ina ko.
Kaagad kaming inaya sa hapag nang mag asawa. Busy si Khairo kay Kaleb habang nakikipag usap sa kanyang ama na tuwang tuwa sa anak namin.
"Helena is friend of mine. Madalas kaming mag kasama nang ina mo nang nabubuhay ito." Saad ni Madam Roshan. Habang ang mga mata nito ay kumikinang.
Napangiti lang ako habang nag kukuwento ito sa akin. I'm glad because even a little detail about my parents still remember her. Masaya ako na nalalaman ko rin ang masasayang ginagawa ng ina habang ito'y na bubuhay pa.
"But all our good memories were replaced. Gulat at pag kabigla ang gumising sa lahat nang iyon, Lorenzo told me Helena was dead, tinanong ko ang dahilan nguni't tikom ang bibig nito sa mga bagay na iyon." Naluluhang saad nito. Kaagad itong inalo ni Don Roswell.
Naramdaman ko na lang rin ang mainit na luha na pumapatak sa akin pisngi. Kita ko ang pag senyas ni Khairo sa Yaya ni Kaleb na ipasok muna ito sa silid niya kaya naiwan kaming apat sa hapag.
"I also asked Daddy about that. Pero wala po itong balak sabihin ang lahat hindi ko rin malaman ang rason ni Dad kung bakit." Naiiyak na saad ko.
"I was investigating Helena's death. but Lorenzo blocked it. Sa huling sandali nang buhay ni Helana ramdam ko na may mabigat itong dinadala pero ayaw niyang sabi sa akin." Naguguluhang saad nito.
"That case was closed because there was no solid evidence. Pero pinabuksan kong muli iyon. Foul play ang nangyaring iyon. I don't want to hurt you Hope, but I want you to know that your father was one of the suspects in her death." Saad ni Khairo ni Khairo.
Nanlamig ang sikmura ko sa sinabi niyang iyon tila ba nabingi ako nang saglit. Nag tama ang tingin namin dalawa kita ko ang awa sa mga mata niya. Hindi ako nakaimik nawalan nang salita na lumabas sa akin bibig.
"They approached Rosinante. Saturn's father to cover up that crime and protect them. Masyadong brutal ang ama ni Saturn na kahit siya ay hindi niya kaya. Pero ngayon na wala ang anak niya sa sindikato na iyon madali na lang para sa atin ang lahat nang hindi pumapatay." Seryosong saad ni Khairo.
"We are not afraid of Rosinante. Ang kinakatakot namin ay madamay ang inosenteng tao. Hinintay namin ang pag laki mo nang ikaw mismo ang makakuha nang hustisya na gusto nang ina mo. Masaya akong nakasal ka kay Khairo, pero hindi ko inasahan na sa unang pagkakataon na ay hindi magiging maganda ang pag sasama niyo." Saad nang Daddy nito. Kaya peke itong ubuo upang mabaling ang usapan.
-
BINABASA MO ANG
Unwanted Love (COMPLETED)
Fiction généraleEven if you turn the world upside down, I am still your Wife! Even if you give me a thousand slaps, It will never change that I am still your Wife!