STEIL POV"Empress ano pong nangyari?bakit ka po nagmamadali?"sinalubong ako ni Marthilia sa hagdan na animo'y natataranta siya sa kinikilos ko
"Nasaan si Yro?" hinihingal kong saad
"Nasa hardin po Empress, bakit may nangyaring masama po ba sa iyo?"hindi ko na siya sinagot at dali-daling nagtungo sa hardin
ang garden namin dito napaka lawak kaunting tingin nalang magmumukha ng gubat
"Yro?"
"Nasaan ka?"
Nakarating ako malapit dito sa malaking puno na napapaligiran ng maraming bulaklak
napapitlag ako ng may kumulbit sa likod ko kaya nilingon ko ito ng agaran
"S-sino po kayo?"isang matanda namay hawak na bayong ang nasa harap ko ngayon
ngunit paano siya nakapasok dito?
"Ija" pagtawag pansin niya saakin
"P-paano po kayo nakapasok dito?sagradong lugar ito na sakop ng imperyo" hindi siya sumagot at hinawakan ang palad ko
"Matatagpuan mo ang bagong liwanag sa iyong buhay, maaring nasa kadiliman ka ngayon ngunit dadating ang araw na may liwanag na magsisilbing gabay sa iyo" nakatingin lang siya sa palad ko at nakangiti
kung titignan, maamo ang mukha ng matandang ito mukha siyang mabait
"A-ano po ang sinasabi mo?"tinignan niya ako sa mata at muling ngumiti
"Pero sa mga oras na iyon, kailangan mong pumili kung tatahakin mo ba ang hinaharap at kasalukuyan o babalikan ang nakaraan na minsan mo ng minahal" makabuluhan niyang saad
hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi ngunit nginitian ko nalang siya
akmang magsasalita ako ng bigla siyang mawala, sa isa kong kurap bigla nalang siyang naglaho
teka?imahinasyon ko lang ba iyon?pero imposible
"Bakit ka nandito?"awtomatiko akong napalingon sa likod ko at nadatnan si Yro na nakasandal sa malaking puno
"A-ah ano may gusto akong sabihin sayo"puno ng pag asang saad ko
"Kung magdadrama ka nanaman wala akong balak makinig, may magaganap na salo-salo mamaya ang buong imperyo kaya ayusin mo ang sarili mo"saad niya at dere-deretsong umalis
pero bago pa man yun
"At nais ko sana na hindi ka makita o marinig man lang ang boses mo.. labis akong naiirita"saad niya at tuluyang umalis
hindi ako makapaniwala na nagkasira-sira kami dahil sa pekeng balita na pinaniwalaan niya, nasaan naba ang pangako mo saakin Yro?
𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞-
"Mahal ko tara kumain na tayo ng umagahan" nakangiting salubong saaken ni Yro
"Oh?bakit ka umiiyak?anong nangyari!?"natataranta niyang saad
Napasinghot naman ako at dali-dali niya akong niyakap
"N-napaginipan ko kase na hindi mo na daw ako mahal tapos magpapakasal kana sa ibang babae"napaluha ako lalo ng maalala ang napaginipan ko
"Mahal naman wag kana umiyak, ikaw lang ang mamahalin ko maliwanag? ikaw ang magiging una at huli ko"nakangiti niyang saad at hinalikan ako sa noo
"Tumahan kana nga, mamaya pupunta tayo sa baryo upang manood sa pista" puno ng sigla ang kanyang boses kaya napangiti ako bago tumango
ngunit napasinghap ako dahil bago siya umalis ninakawan niya ako ng halik sa labi
"HOY YROOO" malakas kong sigaw habang siya tawang-tawa habang tumatakbo
-𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞-
Napangiti ako sa mga naalala ko, pero agaran din nalungkot ng maalala na hanggang alaala nalang lahat
"Hoy babae, anong dinadrama mo diyan?"rinig ko ang isang boses ng babae
kung hindi ako nagkakamali siya yung kabit ni Yro, hinarap ko siya at tinitigan muna mula ulo hanggang paa
"Mukhang nanggaling ka sa magandang pamilya ngunit ang paraan ng iyong pagsasalita ay hindi kanais-nais" kalmado kong saad
"Ako si Elnea Heiz Schmer ang pangalawa sa magkakapatid sa pamilyang Schmer" taas noo niyang saad
hindi ko alam kung bakit siya nagustuhan ni Yro, pero kung titignan maganda naman siya ngunit nakulangan lang sa tangkad
"Pake ko" walang gana kong saad
"Aba ano ba pinagmamalaki mo?wala akong pake kung empress ka tutal malapit naman na kitang palitan" ngisi niyang saad, napantig ang tenga ko sa aking narinig kaya deretso ko siyang tinignan at nilapitan
"Kagaya ng sinabi mo malapit palang pero yung asta mo iba na, kung gugustuhin ko kayang-kaya kong ipaputol ngayon ang dila mo" saad ko, bahagya naman siyang napalunok at umiwas
"Sa tingin mo hahayan ka ni Yro gawin yan saakin?tsk" mayabang siya kung manalita
galing sa magandang pamilya pero di maalam ng good manners and right conduct
"Kung ngayon ko hihiwain yang dila mo sa tingin mo may magagawa pa siya" ngisi kong saad at akmang may ilalabas sa likod ko ng bigla siyang tumakbo
doon ay tuluyan kong inalabas ang hawak ko sa likod ko, isa lamang itong pamaypay
akala niya ba talaga may hawak akong kutsilyo at puputulin ang dila niya?
isa siyang hangal kung ganon.
YOU ARE READING
The Empress
Mystery / ThrillerSteil is the most admired empress in their empire she's also the sweetest woman in everyone's heart, who could know that a simple fake news and misunderstanding can destroy her beloved image? She's such a kind hearted, innocent, and pure lady you...