CONTINUATION

756 24 2
                                    

Still her POV

-after 5 weeks-

"Nabalitaan ko yung nangyari, sabi nila nandito ka daw kaya dito ako pumunta"saad ni Beau at sumimsim sa kanyang tsaa

napatango-tango nalang ako at binaling ang atensyom sa mga ibon na animo'y umaawit

ilang weeks narin ang nakalipas mula noong umalis ako sa imperyo at umuwi dito sa lugar namin, marami pa akong kailangan tapusin sa lugar na ito

"Ngapala may gagawin kaba mamayang hapon? nais sana kitang imbitahin para pumunta sa baryo, mukhang hindi maganda mood mo eh" saad ni Beau kaya napangiti naman ako

"Bakit ba sobrang bait mo saakin?hindi na ako ang empress kaya wala kading mapapala saakin" saad ko bago yumuko

"Crush kase kita" saad niya at umiwas ng tingin kaya taka akong napatingin sakanya

"Ano ba ang ibig sabihin non?" taka kong tanong kaya napalingon siya saakin at ngumiti

"It means pinaka malapit at maasahang kaibigan" saad niya at ngumisi na parang aso

"Edi crush kita?"

"Crush mo ako?" saad niya at umiwas ng tingin, pansin ko rin na namumula ang kanyang tenga

"Oo, crush kita.." saad ko siya naman ay parang naiihi na naeewan

"Lady Steil, pasensya na kung magugulo ko kayo ngunit hawak ko na ang alalay" pagsingit ni Tiu kaya tumango naman ako

"Sige pupunta nalang ulit ako dito mamayang hapon, yung usapan ah?" saad ni Beau at kumindat pa bago umalis

nitong mga nakaraan talaga ay magaan na ang loob ko kay Beau, kami ay nagkakamabutihan naman na. isa siyang maasahan na kaibigan

"Hindi naman talaga halata na may gusto siya sayo.. promise hindi halata" napalingon naman ako kay Tiu dahil sa tinuran nito

"Nako hindi ah, actually isa siya sa mga crush ko" nakangiti kong saad ngunit nagtaka ako dahil napahawak si Tiu sakanyang bibig

"Marami kang crush? teka ikaw ba si Steil? bat parang anharot mo ata?"sinamaan ko siya ng tingin at nauna ng naglakad

ngayon naman kakausapin ang alalay na nakakita sa taong naglagay ng lason sa pagkain ng aking ama

"Ito na po siya" saad ni Tiu at ngayon nadatnan namin ang babaeng nakagapos at may taklob sa mata't bibig

"Bakit mo siya ginapos?" taka kong turan

"Anlakas magpumiglas eh" kamot ulo niyang turan kaya napailing nalang ako

tinanggal ko ang piring sa mata ng babae at ang taklob sakanyang bibig

"L-lady Steil" kinakabahan niyang saad

"Ngayon gusto kong deretsuhin mo ako, sino ang naglagay ng lason sa pagkain ng aking ama?" titig na titig ako sakanyang mga mata na patang takot magsalita

"H-hindi ko a-alam" saad niya at umiwas ng tingin

"Malaki ang magiging parusa mo kapag hindi ka umamin, makakarating din ito sa iyong ina kaya nais kong sabihin mo ang totoo para mabawasan ang kasalanan mo" saad ko

"Ikaw ang pinagbibintangang pumatay, kaya kung ituturo mo saakin kung sino ang totoong may sala maari pang mawala ang ipapataw na parusa sa iyo" muli kong saad, kita ko naman na nagdadalawang isip siya

"N-ngunit baka mapahamak ang aking ina, siya nalang po ang meron ako.." nakayuko niyang saad

"Ililigtas ko kayo ng iyong ina basta sabihin mo saakin kung sino ang pumatay"seryoso kong turan

sandali pa siyang natahimik pero sa huli ay huminga siya ng malalim

"Si lady V-victrina ang nagutos po saakin, ang iyong kapatid ang nagutos saakin na lasunin ang iyong ama" napasinghap naman ako sa sinabi niya

You're still the same Victrina..

The Empress Where stories live. Discover now