KABANATA 25

624 16 0
                                    

STEIL POV

Kasalukuyan akong nandito sa aking silid ng may lumatok at pumasok

"Kamahalan, meron na pong balita tungkol sa paglalason saating kamahalan" saad nito kaya nabaling sakanya ang aking atensyon

"Base sa mga nagobserba may naiwang amoy ang taong pumasok sa kwarto ng kamahalan, noong gabi na inatake siya marahil nilason din siya sa araw na iyon at wala niisa ang pumasok sa kwarto niya kaya isa lang ang pwedeng maging salarin"mahaba nitong turan

"Ano ang naiwan ng salarin?"lumapit siya saakin seryoso akong tinignan

"Isa iyong amoy ng kandila, rose water scent po yun ang huling amoy sa kwarto ng kamahalan kaya ngayon pinagaalaman na kung sino ang may ganoong amoy ng kandila" tumango naman ako at lumabas na siya saaking silid

Rose water scent, sino naman ang meroong nun? hindi kaya...

"𝑲𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒎𝒐 𝒅𝒊𝒕𝒐?"tama naamoy ko ang ganong klaseng kandila sa kwarto ni Elnea naalala ko pa ang araw na pumasok ako sa silid niya

noong araw na pumasok ako para tignan siya ang amoy na iyon ang bumungad saakin, ngunit kung siya man ang nanlalason wala pang sapat na proweba kung kandila lamang ang pagbabasehan

kailangan ng matibay na ebidensya at kailangan ko ng taong makakatulong saakin.

______________________________

"Kamahalan nandito na po si Eros nasa labas siya ng palasyo" bulong saakin ni Tiu kaya tumango ako

"Dalhin mo siya sa silid aklatan doon kami maguusap"tumango siya at umalis

Mukhang dinidinig ng dyos ang aking kahilingan, marahil si Eros nga ang makakasagot sa lahat

pumunta ako sa silid aklatan at doon ko nakita si Eros, lumabas si Tiu ng makita niyang nakapasok na ako sa loob

"Ngayong tayong dalawa nalang ang nandito gusto kong magsabi ka ng totoo"nakayuko lamang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri

"Ikaw... ikaw ang ama ng dinadala ni Elnea hindi ba?"napasinghap naman siya at gulat na napatingin saakin

kung titignan gwapo at matangkad ang lalaking ito kaya hindi na ako magtataka kung magugustuhan siya ni Elnea

"O-opo, pero dapat lihim lang daw po iyon kaya paano mo po nalaman?"umupo ako sa katapat niyang upuan at doon tinignan siya ng seryoso

"Ikaw ay isang Duke at nagkaroon kayo ng relasyon ni Elnea na ipinagbabawal sainyong palasyo, noong mga oras na wala siya sa palasyo hindi ba't magkasama kayo?"dahan-dahan naman siyang tumango

"At doon nabuntis mo siya kaya noong mga oras na iyon pagtataksil yun sa kamahalan at labag sa kautusan maari kang mapugutan pati narin siya or worst... sabay kayong puputulan ng ari"takot naman siyang napalingon saakin

"K-kamahalan mahal ko po si Elnea kahit ako nalang, pumayag akong may makasama siyang iba dahil akala ko para saamin iyon ngunit hindi pala, ginamit niya lang p-po ako"lumuhod siya sa harap ko at umiyak

"H-hindi ko po kaya kung sakaling mapaparusahan siya.. mahal na mahal ko po siya" nakakaawa ang lalaking ito

ginagamit lang siya ni Elnea para mabuntis at ipaako ang kanyang anak sa emperor habang may isang tao na naghihintay at lubos siyang minamahal

"Tutulungan kita basta't tutulungan mo rin ako" napangiti ako ng tumango siya

"Gagawin ko po ang lahat b-basta wag nyo lang po siyang saktan"mahina nitong turan.

The Empress Where stories live. Discover now