STEIL POV
"Empress may umamin na katulong"turan ni eunuch Gi
"Ano naman ang sinabi niya?"lumapit siya saakin
"Inamin niya na ang concubine ni lady Elnea ang nagpautos na palitan ang pagkain ng kamahalan"napakunot ang aking noo
"Sino naman ang tinutukoy mo?"
"Si concubine Lisen, siya po ang kasa-kasama ni lady Elnea" nakayuko nitong turan
Agaran kong hinampas ang lamesang nasa harap ko at tumayo
"Hulihin nyo ang concubine na iyon at litisin nais kong latiguhin nyo siya hanggang sa umamin" maawtoridad kong turan kaya tumango naman siya at umalis
Napahimas nalang ako sa aking sintido, hindi parin ba tapos ang problema?
"Kamahalan, ang mahal na emperor ay nagwawala sainyong silid" saad ni Yna kaya dali-dali akong pumunta saaking silid
Naabutan ko ang pagkain na nakakalat sa sahig pati ang mga basag na palamuti
"YRO!"nilapitan ko agad siya at mahigpit na hinawakan sa kamay
"K-kamahalan nais ko lang naman po siya bigyan nito dahil ito ang kanyang paboritong pagkain pero bigla niya lang po tinabig tapos n-nagwala na po siya.. p-patawad po"tumango nalang ako sa katulong
"Lumabas na muna kayo at ilayo nyo lahat ng pancake na pagkain dito sa palasyo"tumango naman sila
Nakakapagtaka na ayaw ni Yro sa pancake, nilingon ko siya at pinakalma
"Ano nanaman ba ang problema?"naluluha siyang tumingin saakin at niyakap ako
"N-natatakot ako... wag ka muna u-umalis"parang bata nitong turan
Hinimas-himas ko ang likod niya para pakalmahin siya, makakasama kase sa puso niya kapag nagwawala siya o nakakaramdam ng mga sobrang emosyon
malapit na ang pag galing niya kaya hindi nakakatakang nababalik na ang dati niyang enerhiya
"Sshhh humiga kana, matulog ka muna ililigpit ko lang ito"kalmado kong turan kaya tumango siya at humiga sa kama
Kahit si Yro ay nagiging problema ko narin kung gumagaling ang kalusugan niya siya naman ay natatrauma at madalas nagwawala sa mga simpleng bagay
"Kamahalan"napalingon ako kay Tiu na may kasamang mga eunuch ngayon
"Bakit?"
"Nandito po ang kapatid ng mahal na emperor"napalingon ako sakanya
"Si duke Yin?"tumango naman siya
Bakit naman siya naparito?
Ano nanaman ba ang kailangan niya?Agaran akong lumabas sa silid na kasama si Tiu at mga eunuch
naabutan ko si Yin sa labas ng palasyo kasama ang mga kawal at mga concubine"Ano naman ang ginagawa mo dito?"walang emosyon kong turan, nginitian naman ako nito ng napakalawak
"Hindi ba masamang bumisita dito?grabe ka naman Steil ah parang wala naman tayong pinagsamahan"napakalawak ng ngiti niya at may halo itong pang aasar
Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pag ngiti niya.
YOU ARE READING
The Empress
Mystery / ThrillerSteil is the most admired empress in their empire she's also the sweetest woman in everyone's heart, who could know that a simple fake news and misunderstanding can destroy her beloved image? She's such a kind hearted, innocent, and pure lady you...