KABANATA 4

726 18 0
                                    


STEIL POV

"Napaka ganda nyo po Empress sa suot ninyo"tumango naman si Yna sa saad ni Marthilia

si Ninea ay ang anak ni Marthilia, pansamantala muna siyang nandito upang maging isa mga katulong

ngayon gaganapin ang piging para sa pagdidiwang ng bagong kanang kamay ng emperor

nakasuot ako ng pulang kasuotan na hanggang talampakan at ito'y may patong na manipis na tela na kulay pula din, habang ang pantaas nito ay nakababa sa balikat at suot ko rin ang kulay itim na sandalyas.

Nakarinig kami ng katok galing sa pinto kaya binuksan ito ni Ninea

"Empress nakahanda na po ang karwahe sa labas,maari na tayong umalis" magalang na saad ni Tiu na tinanguan ko lamang

"Magsaya ka doon Empress, lalo na't napapadalas ang pagiging malungkot mo nung mga nakaraang araw" saad ni Marthilia kaya tumango nalang ako at ngumiti

inalalayan ako ni Tiu pababa at papunta sa karwahe

"Nasaan si Yro? hindi ba't dapat kasama natin siya?" saad ko

"Nauna na po silang umalis ni Lady Elnea" agaran ako nakaramdam ng kirot sa puso ko na ipinagsawalang bahala ko nalang

lumipas ang mga minuto at nakarating na kami sa lugar ng piging, inalalayan ulit ako ni Tiu pababa ng karwahe

napaka ganda dito, sakto lamang ang disenyo ng piging sa suot kong kulay pula, naglakad na lamang ako papasok at hindi pinansin ang mga taong nakatingin saakin

"Sadyang nakakabighani ang ganda ni empress"

"Balita ko sumama na siya sa lalaki niya? bakit nandito yan?"

"Maganda sana kaso malandi"

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit may kumalat na masamang balita tungkol saakin, hindi ko na lamang sila papansin tutal wala naman itong katotohanan

hindi ko man pinansin ang mga bulungan, pero mas napansin ko naman si Yro kasama si Elnea na nasa bandang kaliwa niya

may isang malaking lamesa sa gitna, at sadyang magkatabi silang dalawa na nakikipag usap sa ibang tao at nagtatawanan

hindi ko maiwasang mapaisip na para mas masaya si Yro sa piling ni Elnea.

paano naman ako?

"Nandito na ang mahal na empress, magbigay galang ang lahat" saad ng tagapag anunsyo, lahat naman ay nabaling saaken ang atensyon at yumuko

merong nakalaang upuan saakin, at yun ay mismo sa kanang tabi ni Yro

wala naman akong nagawa kundi umupo nalang doon.

Nagmumukha akong kaawa-awa dito habang sila ay nagtatawanan. Hindi ko na lamang sila pinapansin at nanatili sa maayos na pustura

"Mahal na emperor, kailan mo balak pakasalan si Lady Elnea balita ko buntis daw si lady Elnea?" naagaw ng tanong na iyon ang atensyon ko

hindi ba nila nakikita na nadito ako? pilit kong kinimkim ang nararamdaman ko at pinigilang makiusyoso

"Pagsasalo para sa kanang kamay ng emperor ang dinaluhan mo, hindi chismisan" hindi ko na napigilang sumagot, natahimik naman ang lalaking nagtanong

"Tungkol sa tanong mo, malapit na kami magpakasal atsaka hindi pa buntis si Elnea pero malapit na" mga simpleng salitang binitiwan ngunit parang palaso na paulit-ulit tumatama saakin

"Ngunit ang pagkakaalam namin, ika'y hindi pa nakakabuo sa mahal na empress?marahil baka hindi ka pupwedeng makagawa ng bata" saad muli ng lalaki ngunit ngumiti lang si Yro

"Wala pa namang nangyayari saamin, at mas gusto kong si Elnea ang magdadala ng aking tagapagmana" hindi ko na kaya sobra na

nagbabadya nanaman ang aking luha kaya dali-dali akong tumayo at umalis sa harap nila

naglakad ako papunta sa labas at nadatnan ko si Tiu doon na nakatayo at nag aalalang nakatingin saaken

"Empress anong nangyari?bakit ka umiiyak?"ngayon ko nalang napansin na naiyak na pala ako at halos hindi na matigil

dere-deretso akong pumunta sa loob ng karwahe at siya naman ay sumakay na sa kabayo

"Bumalik na tayo sa palasyo."

The Empress Where stories live. Discover now