KABANATA 9

651 20 1
                                    

STEIL POV

"Pasensya na mahal na empress hindi kase ako sanay na nakakakita ng naiyak" napatawa naman ako sa sinabi niya

kahit papaano naging maayos na ang aking pakiramdam dahil sa pagdamay niya saaking ngayon

hindi ko magawang masabi sakanya ang pinagmulan ng problema pero ayos lang naman daw sakaniya yun

"Bakit kanga pala napunta dito?" Saad ko habang pinaglalaruan ang aking manggas

"Andami kasi na magagandang bulaklak dito at ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking garden hindi ko naman inaasahan na makikita kitang naiyak dito" mahaba niyang saad at sumandal sa puno

"Kapag ba nakakita ka ng tao na nakahandusay sa sahig at isa pang tao namay hawak na kutsilyo iisipin mo ba na siya ang pumatay?" makabuluhang tanong ko

"Oo naman, siya kase yung nandoon pero mahalaga pa din na alamin ang totoong nangyari kaya nga merong paglilitis" saad niya sabay ngumiti

ang lalaking ito, hindi ko alam pero parang napapangiti ako sa bawat pag ngiti niya

napaka pamilyar...

"Ngapala aalis na ako ngayon ko lang naalala na hinihintay na pala ako ni Bearu sa karwahe

"Hanggang sa muli nating pagkikita" saad niya at hinalikan ang likod ng aking palad

________________________________

Lumipas ang maraming araw at halos araw-araw ko ng nakakasama si Beau dahil nadalaw siya hindi ko rin mapagkakaila na napakasaya niya kasama

katulad ngayon papasok na kami sa palasyo dahil nanggaling kami sa baryo, nilibot niya ako sa buong baryo at ngayon ko lang napansin na marami pa palang lugar ang hindi ko nakikita

"Grabe nga nakakadiri bakit nila kinakain yung mga palaka?" saad ko at umaktong nandidiri

kanina kase nakakita kami ng nagluluto at magbebenta ng palaka

"Ang alam ko galing naman yun sa malinis na sapa" saad niya bago nilabas ang puppet sa likod niya

"Hoy yung kanina nagmukha kang ewan doon" natatawa kong saad at halos hindi na matigil kakatawa

kanina kase may palabas na tungkol sa mga puppet at pinilit ko si Beau na sumali kaya ayon napilitan siya

"Andami mo palang kayang gawin na boses pero mas gusto ko yung boses babae mo"patuloy parin ako sa pagtukso sakaniya habang siya ay nakabusangot

"Mahal kong hari wag mo ako iwan" panggagaya ko sa boses babae niya

kanina kase nagboses babae siya ngunit sadyang maawtoridad ang kanyang boses kaya hindi bumagay

"Ang galing mo kanina magboses sa puppet, napaiyak mo lahat ng bata" halos mahimatay na ako sa tawa dahil batid kong naasar siya

"Tsk.. wag mo nanga ulitin ayoko na yun maalala" saad niya habang nakabusangot parin

"Namumula tenga mo oh" patuloy pa din ako sa pangaasar sakanya hanggang sa napatigil ako sa pagtawa dahil nadatnan namin si Yro at Elnea na nasa tapat ng pinto ng palasyo

si Yro ay nakatingin saamin parehas habang si Elnea ay nakataas ang kilay saakin

nauna ng pumasok si Yro pero pansin ko na hindi sumunod si Elnea at nakataas parin ang kilay saakin

"Dapit hapon na, sige umuwi kana hanggang sa muli!" saad ko kay Beau

"Sige paalam salamat sa araw na ito" saad niya at ngumiti bago umalis

akma na sana akong papasok ng humarang sa daan si Elnea

"Grabe ka talaga, alam mong mawawala kana sa posisyon mo kaya ngayon tinitira mo naman ang prinsipe ng emperyong Yinx" nangaasar niyang saad ngunit hindi ko nalang ito pinansin

akma sana akong dadaan sa kabila pero hinarangan niya ulit

"Ano ba ang problema mo?" kalmado kong turan at napangisi naman siya

"Ikaw, ikaw ang problema ko.. bumaba kana sa trono mo at hayaan mo na palitan kita bakit mo paba pinapatagal?" mataray niyang saad

"Eh ikaw bakit mo minamadali?kasama mo naman si Yro sa buong araw mo pero yung posisyon parin iniisip mo?baka naman kase yung posisyon lang ang habol mo?" makabuluhan kong saad

bahagya naman siyang nagulat at suminghal bago umalis

"Napaka taray hanggang leeg ko lang naman"bulong ko sa hangin sabay pasok sa loob ng palasyo.

The Empress Where stories live. Discover now