STEIL POV
Lumipas ang maraming araw at palaki ng palaki ang tiyan ni Elnea at habang tumatagal mas lalo pang lumalaki ang kanyang ulo
"MGA LAPASTANGAN PALITAN NYO ANG PAGKAIN KO!"rinig ko ang malakas na kalabog at boses ni Elnea kaya pumunta ako sakanyang silid
Kita ko ang mga katulong na nakayuko sakanya at ang nakakalat na pagkain sa sahig
"Ano nanaman ba ang problema dito?"napayuko lahat ng katulong ng mapansin nila ako
"Kamahalan, ano ang ginagawa mo dito?"ngiting saad ni Elnea animo'y nangaasar
"Kamahalan, nais niya pong palitan ang pagkain na ibinigay namin sakanya ngunit ito ang nakatalagang pagkain para sakanyang pagbubuntis" saad ng isang katulong
"Maari na kayong lumabas"tumango sila at lumabas
"Ano ang karapatan mo na magutos sa mga utusan ko?"gigil na saad ni Elnea
"Ikaw, anong karapatan mong maginarte?bakit sino kaba?"kalmado kong saad na labis niyang ikinainis
"Ang aking anak ang susunod na magmamana ng trono ng mahal na emperor kaya anong karapatan mo para lapastanganin ako?" mayabang niyang saad at bahagyang hinimas ang umbok niyang tiyan
"Base sa doctor ng imperyo, ang anak mo ay magiging babae.. sa madaling salita hindi siya maaring magmana ng trono ng ka─"
"HINDI YAN MAARI! ANG ANAK KO ANG MAGMAMANA NG TRONO ANG ANAK KO LAMANG!" tila'y nababaliw na siya at aakalain mong nasisiraan na ng ulo
lumabas na lamang ako ng kanyang silid, hindi ko nais na makita pa ang mukha pa niya
"Kamahalan ang mahal na emperor ay inatake kanina sa puso, nais ka niyang makita ngayon" tumango lamang ako sa doctor at nagpunta sa silid ni Yro
hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto dahil hindi ko siya nais makita ngunit pumasok parin ako rito
"S-steil" walang tao dito sakanyang silid at tanging siya lamang na nakahilata ang nandito
namumutla ang kanyang balat at namamalat ang mga labi
"Bakit mo ako nais makita?"walang gana kong turan ngunit hindi siya sumagot at taimtim lamang na tumingin saakin
now i can see it again, his ocean eyes na parang tutunawin ako
napagdesisyunan ko siyang talikuran ngunit narinig ko ang kanyang hikbi
"K-kahit ngayon lang, i-iparamdam mo nalang saakin na mahal mo a-ako"patuloy parin siya sa paghikbi
"Tatawagin ko na lamang si Elnea para siya ang mag aalaga sayo hi─"
"I-ikaw ang kailangan ko, hindi siya" awtomatiko akong napalingon sakanya at nilapitan siya
"Noon ba na kailangan kita nandito ka?"patuloy parin ang pag agos ng luha sakanyang mga mata
sa t'wing nakikita ko siya sa gantong kalagayan tanging pagkasuklam lamang ang nararamdaman ko, wala ng iba pa
simula ng talikuran at abandonahin niya ako doon ko na tinapos lahat sa pagitan namin
"A-alam kong malapit na akong mawala, nararamdaman ko na yun Steil.."hindi ako umimik sakanyang binatid
"Kaya iparamdam mo naman saakin na mahal mo ako, kahit sa mga huling araw ko"umiwas lamang ako ng tingin at tinalikuran na siya"Kung ano man ang kinalaman ng bagay na iyon saiyo, wala na akong pake.. ayoko na muli pang makita ang mukha mo"lumabas na ako sakanyang silid at napahawak ng mahigpit saaking damit
Tapos na.. lumayo na ako tulad ng ninanais mo pero bakit kailangan mahirapan pa ulit ako?
YOU ARE READING
The Empress
Mystery / ThrillerSteil is the most admired empress in their empire she's also the sweetest woman in everyone's heart, who could know that a simple fake news and misunderstanding can destroy her beloved image? She's such a kind hearted, innocent, and pure lady you...