KABANATA 12

727 24 0
                                    

TIU's POV

Kasalukuyan akong nandito sa palasyo

pinapahanap saakin ni lady Steil ang kanyang step sister nasi Victrina ngunit sa kasamaang palad hindi ko pa ito nakikita

ang ina ni Vctrina na si Victoria ay namatay na dahil nagpakamatay ito ng malamang namatay ang kanyang asawa na ama ni Steil

"Tiu" nawala ako sa aking iniisip ng bigla akong tawagin ni emperor Yro

"Bakit po mahal na emperor?"saad ko, nandito ako sa tapat ng pinto ng palasyo para magpahangin

"A-anong balita 'kay Steil?totoo ba na palagi niyang kasama ang prinsipe ng emperyong Yinx?" nagtaka naman ako sa tanong niya

"Opo, halos araw-araw nandoon ang prinsipeng Beau at nasa mabuting kalagayan naman si Lady Steil" nakita ko naman ang pagyukom ng kanyang kamao at dali-daling pumasok sa loob

"Problema nun? napaka weird talaga ng mga tao ngayon" bulong ko sa hangin

balita ko hindi pa nakakasal ang emperor at si Lady Elnea, mula ng mangyari ang pagkawala ng korona ni Lady Steil wala ng kumakalat na mga balita

tahimik narin ang buong palasyo, weird lang.

STEIL POV

Iniisip ko parin kung nasaan si Victrina, marahil ay tinataguan niya ako ngunit sa araw na makita ko siya ay ako na ang mismong tatapos sakanyang buhay

"Steil?" nabasag ang aking iniisip ng tawagin ako ni Beau, nandito kami sa baryo at ginagala niya ako

"B-bakit?"

"Mukhang hindi mo narinig ang aking sinabi, ano ba ang iyong iniisip?"napailing nalang ako bago ngumiti

"Wala, ano pala yung sasabihin mo?"natahimik siya ng sandali

"Hindi mo ba talaga ako naalala?" saad niya at malungkot na tumingin saakin

"Ha?ano ang iyong ibig sabihin?" nagtataka kong saad siya naman ay hinawakan ang dalawa kong palad at nilapit sa mukha niya

"Hindi mo ba talaga ako naaalala Nia?napatikom ako ng sandali at tumingin sakanyang mga mata

mga matang sobrang pamilyar saakin..
at mata ng taong aking pinangakuan..

"R-rai?"ngumiti siya at mahigpit akong niyakap

"Mabuti naman at hindi mo na ako tinatawag na kuya"tumawa siya habang ako ay naluluha

"R-rai, rai"

-𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞-

"Kuya Rai tignan mo oh may nahuli po akong isda" nakabungisngis kong saad at itinaas ang maliit na isda na aking hawak

tumawa siya at lumapit saakin

"Hindi yan isda, anak yan ng palaka tignan mo oh" agaran kong nabitawan ang aking hawak habang siya naman ay natatawa

"Ancute mo talaga Nia" saad niya at kinurot ang aking pisngi

"A-aray kuya masakit yun ah" nakabusangot kong saad at ngumiti siya

"Wag mo akong tawaging kuya pakiramdam ko tuloy napakatanda ko na" napatawa naman ako sa sinabi niya

"Oo naman matanda kana, sabi ni ama ang katulad mo ay malapit na din mag asawa" nagcross arm naman siya

"Ngunit ikaw ang gusto kong mapang asawa sa hinaharap" saad niya kaya napanguso ako

"Bakit ako kuya? ang alam ko lang ay kumain at matulog"saad ko

"Basta paglaki mo pakakasalan kita Nia at ako ang magiging asawa mo ah?promise mo yan?" saad niya kaya napakunot ang aking noo

"Wala pa naman akong pinapangako hmp!"saad ko ngunit tinalsikan niya lamang ako ng tubig kaya gumanti ako

"HAHAHAHAHAHA" sabay naming tawanan

-𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞-

"Bakit hindi mo sinabi na ikaw yan kuya Rai?napaka daya mo!" Saad ko at sununtok siya ng mahina

"Bakit ba kuya pa din tawag mo saakin? grabe ah hindi mo ako natatandaan diba nga sinabi ko sayo noon ang buo kong pangalan" saad niya at tumawa

"Ngunit noon ang hirap ibigkas ang iyong pangalan kaya nakalimutan ko na" ginulo niya lamang ang aking buhok

akma ko sana siyang susuntukin ngunit nakarinig ako ng takbo ng kabayo papalapit saamin, kita ko rin ang napaka raming mga kawal na pumalibot saamin

"A-anong nangyayari?"naguguluhan kong saad, habang si Beau ay nilabas ang kanyang espada

"Dito kalang sa likod ko" kinakabahan ako sa nangyayari ngayon dahil napaka rami ng kawal na nakapaligid saamin

nag umpisa na ang labanan nila, ang ibang kawal ay pilit pumupunta saakin ngunit hinaharangan sila ni Beau at ginilitan

kasunod nun ay may dumating na isa pang kabayo ngunit hindi ko inaasahan ang sakay non

"Y-yro".

The Empress Where stories live. Discover now