KABANATA 37

583 19 1
                                    

STEIL POV

"Nais ko na makita ang anak ko" nakangiting turan ni Eros

"Oo naman, sasamahan kita" nakangiti kong turan, gusto ko makita ang isang ama na tulad niya na masayang makikita ang kanyang anak

kung nandito lang si ama panigurado masaya siya para saaken pati 'kay Cien.

Sinamahan ko pumunta si Eros papunta sa kwarto ni Ninea, nilipat kase ito ng kwarto

"K-kamahalan" bumungad saamin ang isa sa mga katulong na mukhang balisa

"May problema ba?bakit ganyan ang itsura mo?"nanginginig ito at pinagpapawisan

"S-si prinsesa Ninea po n-nawawala"agad na pumasok si Eros sa loob ng silid kaya sinundan ko ito

"NASAAN ANG ANAK KO!?" napaupo ito sa sahig, mukha siyang miserable

Paano nawala si Ninea?puro mga katulong at maraming kawal ang nagbabantay dito

nakakataka, mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito.

Agaran akong nagtungo sa piitan ni Elnea dahil siya lamang ang naiisip kong pwede gumawa nun, nadatnan ko si Elnea na nakahiga sa loob ng kulungan

"Tumayo ka diyan"mukha namang naalimpungatan ito at agad na tumayo

"NAPAKA WALANG HIYA MO! PAANO MO NAGAWANG PUMUNTA PA RITO!?"pinanlakihan ako nito ng mata at animo'y gigil na gigil

"Nasaan si Ninea?"kalmado kong turan, napahinto naman ito sa pagwawala at deretsong tumingin saakin

"Bakit ako ang tinatanong mo?nakikita mo naman na nandito ako sa loob ng kulungan diba?" malapit na siyang mamatay pero puro taray parin ang ginagawa

"Alam kong ikaw ang may gawa kaya siya nawawala, saan mo dinala si Ninea... saan mo siya tinakas?"tiningnan naman ako nito na aakalain mong nagbibiro ako

"Hindi ko gusto ang batang iyon, kaya bakit ko naman itatakas ang batang kinamumuhian ko?" puno ng sarkasmo ang kanyang boses kaya napahinga ako ng malalim

noong huli ko siyang nakita kasama si Ninea nakita kong pinalo niya ito kaya posibleng hindi siya ang may gawa, pero imposible din dahil siya lang ang may matibay na koneksyon sa bata

"Mamatay ka parin naman, itakas mo man siya o hindi"tinitigan ako nito ng masama at ngumisi

"Ilalabas ako ni ama dito at babalikan kita"bahagya naman akong napatawa sa sinabi nito

"Sisiguraduhin kong masaklap at malupit ang magiging kamatayan mo, lahat ng pagtataksil at kaguluhan na dinulot mo babalik lahat sayo" turan ko dito at akmang aalis ng bigla itong magsalita

"Mamatay?nagpapatawa kaba?matagal na akong pinatay ng mga taong katulad mo na puro mali ang nakikita" nilingon ko ito at taimtim na tinitigan

"If we're inside of a story you'll never understand what i really felt everytime people disowned me because i'm a villain... a villain that everyone hates and you're the heroine that'll always be my trivial"muli pa nitong turan, tinalikuran ko nalang siya at umalis

mali ang iniisip mo Elnea, you're not a that bad... you're just a villain made by peoples surround you.

Yin's POV

"Steil" nginitian ko ito ng makasalubong ko siya, saan naman kaya galing ito?

"Ano ba ang kailangan mo?"turan nito sabay irap

"Ganyan kaba magpasalamat sa taong tumulong sayo?"nakanguso kong turan

"Yin... why you can't trust anyone? I mean yung mga taong nakapaligid sayo"napabuntong hininga nalang ako at nilingon ang bintana

"You can't trust everyone, always remember salt and sugar have the same color" napakunot naman ang noo nito at nagkabit balikat

"I already know he will repeat it... the same mistake he did before"nilingon ko si Steil, sino naman tinutukoy nito?

"Ahh si Yro ba? hindi rin ako naniniwala na ginawa niya talaga yun"hindi naman ito umimik

"Mahal na empress nandito po ang prinsesa ng kanlurang imperyo nasa labas po siya ng palasyo" may lumapit saaming eunuch at yumuko ito

tumango si Steil at lumabas kaya sinundan ko siya palabas ng imperyo, naabutan namin ang isang babae na nakasuot ng kulay pula

"Kamahalan" magalang at malambing ang boses nito, marahan siyang tumango... kung titignan mukha siyang mabait

"Bakit kayo naparito sa imperyo namin?"lumapit naman saamin si Tiu at yumuko

"Kamahalan siya po ay babae ng emperor, nagbigay po ng utos ang emperor na ipadala dito ang prinsesa ng kanluran para gawing babae niya" magalang na turan ni Tiu

"Ano ang pangalan mo?"napatingin ako kay Steil, kahit may babae na ang emperor kalmado parin siya?

"Ako po si Takashiri" magalang nitong turan at ngumiti

napalingon kami sa empress ng ngumiti ito at tumalikod bago dere-deretsong umalis

manhid ba talaga ang babaeng iyon?tsaka bakit may bagong babae si Yro?ano ba talaga ang balak niya?.

The Empress Where stories live. Discover now