STEIL POV
"Kamahalan ngayon na po gagawin ang pagsisiyasat sa bawat silid dito sa palasyo"tumango ako at tumayo
ngayon na ang araw na pinakahihintay ko...
Lumabas ako saaking silid kasama ang mga eunuch at concubine, nilibot namin lahat ng kwarto kahit pa ang kwarto nang mga kawal
iniisa-isa namin ang bawat kwarto para hanapin ang kung sino mang meroong monkshood o kahit kapiraso nito, napagalaman na hindi pa nakakalabas sa palasyo ang may sala
"Bakit kayo nandito sa kwarto ko?"kasalukuyan kaming nandito sa kwarto ni Elnea
"Para sa pagsisiyasat"napangisi naman ito at pumunta sa gilid
"Kahit halughugin nyo lahat ng parte dito sa kwarto ko wala kayong mahahanap"hindi ko nalang ito pinansin
"Umpisahan ninyo na maghalughog"tumango ang mga eunuch at concubine, isa-isa nilang binuklat ang bawat cabinet na makikita
pansin 'kong wala dito ang bata nasi Ninea tanging si Elnea pati ang kanyang concubine nasi Lisen ang nandito.
Napahinto ako ng mapansin ang isang maliit na kahon na nakapatong sa lamesa ni Elnea kaya kinuha ko ito at binuksan, puno ito ng mga porselas at mamahaling kwintas
"Ang ganda naman nito"kita ko ang pagngisi niya at lumapit saakin
"Siyempre naman, galing yan sa aking ama kaya natural na magarbo at maganda yan"pagmamayabang nito at akmang kukuhanin saakin ang kahon ngunit inilayo ko ito
"Wag mong sabihin naiingit ka?sabagay wala ka palang ama"ngisi nito at malakas na hinigit saakin ang kahon kaya nabitawan ko ito at nalaglag sa sahig
nagulat ako dahil bukod sa porselas napakaraming nalaglag na monkshood, marahil nakatago ito sa ilalim ng mga porselas
"A-ano yan?p-paanong napunta saakin ang bagay na iyan?"gulat nitong turan at napaatras
"Ikaw ang lumason sa kamahalan"kalmado kong turan
"Mga kawal hulihin n'yo siya"nagpupumiglas ito at sumisigaw"H-hindi papaanong napunta y─"
"MANAHIMIK KA!HULIHIN NYO SIYA AT LITISIN"hinigit siya palabas ng mga kawal habang nakabuntot ang kanyang concubine sakanya
"Tagumpay ang plano ko"ngisi kong turan
"Plano natin"napalingon ako 'kay Yin ng bigla itong sumulpot kaya napairap ako
oo planado namin ito lahat, hindi pa dito nagtatapos ang mga bagay
𝐅 𝐋 𝐀 𝐒 𝐇 𝐁 𝐀 𝐂 𝐊
"I think you need some help"nabaling ang atensyon ko 'kay Yin
"Wala kanang pakealam pa tsk"tinalikuran ko na ito ngunit hinigit ako nito pabalik
"Sure ka?may mas maganda akong plano"turan nito habang may malawak na ngiti sa labi
doon ang naging plano ay inutusan niya si Beau na magpadala ng porselas 'kay Elnea at sabihing galing ito sakanyang ama ngunit sa kabila non meroong mga monkshood sa ilalim ng mga porselas na iyon
"Sigurado ka po ba sa plano na ito kamahalan?maaring buhay mo po ang maging kapalit kapag pumalpak ang plano"tumango naman ako 'kay Eunuch Gi
"Yun ang nagiisa 'kong plano para mas mapaamin siya ng mabilisan" kapag tagumpay ako sa plano maganda ang kalalabasan nito
𝐄 𝐍 𝐃 𝐎 𝐅 𝐅 𝐋 𝐀 𝐒 𝐇 𝐁 𝐀 𝐂 𝐊
"Noon palagi mo ako pinapaiyak tapos ngayon tinutulungan mo na ako, bakit mo ba yun ginawa saakin noon?"napangiti naman si Yin at hinawakan ang mga porselas na nasa sahig
"If i can't make people happy then i'll make them cry"napairap naman ako sa sinabi niya
"May saltik ka ata"pagtataray ko at lumabas na ng silid
hirap intindihin ng mga kalalakihan ngayon kaistress.
YOU ARE READING
The Empress
Mystery / ThrillerSteil is the most admired empress in their empire she's also the sweetest woman in everyone's heart, who could know that a simple fake news and misunderstanding can destroy her beloved image? She's such a kind hearted, innocent, and pure lady you...