KABANATA 7

672 18 0
                                    

STEIL POV

"Pasensya na talaga sa pinagsasabi nitong kapatid ko empress sadyang napabayaan kase ito nung sanggol palang kaya ganyan" natawa naman ako sa sinabi ni Beau habang si Bearu ay nakabusangot

"Nako okay lang natutuwa nga ako dahil napaka kulit ng kapatid mo" natutuwa ako sakanya dahil ankulit nilang magkapatid

medyo naiingit din ako dahil hindi ako nagkaroon ng mapagmahal na kapatid..

kasalukuyan kaming nandito sa sala ng palasyo, nakahain ang mga iba't ibang miryenda

"Kuya, kanina pa naghihintay yung pagkain oh.. kain na tayo libre naman daw sabi nung empress" rinig kong bulong ni Bearu

katabi ko ngayon si Yna na halos mamatay na sa kilig.. aakalain mong bulate na nasabuyan ng asin kaya siniko ko siya

"Hindi nga pwede Bearu mahiya ka naman, tamo pag uwi natin ipapalatigo kita 'kay master Zhang hanggang sa hindi kana makatayo" para silang mga bubuyog na nagbubulungan pero rinig ko naman

"Kumain na kayo, sayang naman ang ipinaghanda ko kung hindi nyo kakainin" nakangiti kong turan

mas mabilis pa sa ala singko kinuha ni Bearu ang kutsara at nag umpisang kumain

"Ikaw ang naghanda nitong lahat?" Namamanghang saad ni Bearu

"Oo, ang pagsisilbi ko sainyo ay sagisag ng buong pusong pagtanggap sainyo dito" saad ko habang si Bearu ay naubos na ang isang plato ng pagkain

"Grabe ansarap lalo na itong tinapay malambot, kasing lambot ng pisngi mo este puso" napahawak naman ako sa pisngi ko at takang tumingin sakanya

"A-ah eh wala yun wag mo na intindihin madaldal lang talaga 'to" saad ni Beau at tumawa

"Ancute nung Bearu empress antaba ng pisngi ansarap kurutin" gigil na saad ni Yna kaya napatawa ako

"Baka gusto mong isumbong kita 'kay Marthilia" pagbibiro kaya napaiwas naman siya ng tingin at parang nagtampo

napagdesisyunan ko na sanang pumunta saaking kwarto para kuhanin ang kasulatan ngunit sakto namang pagtayo ko ay nadanggil ko ang baso ng juice at natapon ito 'kay Beau, taranta kong kinuha ang baso ng juice at agarang nilabas ang panyo saaking bulsa

nako kapag namantsaan ito wala kaming pamalit, dahil iba ang klase ng mga tela na suot nila, patuloy lang ako sa pagpupunas sakanyang dibdib ng biglang magsalita ang kawal

"Kamahalan nandito na ang mahal na emperor" kasabay nun ay nahagip ng paningin ko si Yro na mukhang sasabog na sa galit

ngayon ko lang napansin na sobrang lapit ko na pala kay Beau kaya napahinto ako at napatingin sakanya

pinagpapawisan siya panay ang lunok, naramdaman ko rin na hinahawi niya na ang kamay ko at ang panyo na aking hawak

"Ang lamig ng kamay mo" saad ko at pinisil-pisil ang palad niya, nagulat naman siya at umiwas ng tingin

"E-empress okay lang, a-ako nalang bahalang maglinis sa suot ko" saad niya na parang kinakabahan

"Sigurado ka?namumutla ka at pinagpapawisan" saad ko at hinahawakan ang noo niya, wala naman siyang lagnat

"Ay nako kuya kinikilig kalang eh, biro mo yung crush mo ang nagpunas sa natapon na juice swerte mo naman palang ugok ka" hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Bearu na '𝒄𝒓𝒖𝒔𝒉' daw kuno

napansin ko naman na siniko siya ni Beau kaya napangiti siya ng malawak

"Okay lang po si kuya, naiihi lang yan sa kilig.. hay nako crush nganaman" saad niya at nagpatuloy sa pagkain

"Crush?ano ba ang ibigsabihin nun?" akmang sasagutin niya ako ng takpan ni Beau ang kanyang bunganga at kinaladkad siya paalis

nilingon ko si Yro na ngayon ay umiigting ang panga at kasama niya pa si Elnea na nakalingkis sa braso niya.

"Pumunta ka mamaya sa kwarto ko maguusap tayo" may halong pagbabantang saad ni Yro

problema nun?
ano bang problema nila?

The Empress Where stories live. Discover now