KABANATA 39

558 21 1
                                    

STEIL POV

Lumipas ang maraming araw at tinuturuan na nila si Takashiri ng mga tama at gawain sa loob ng palasyo bilang isang babae ng emperor

"N-nandito ba si Yna?"napalingon ako kay Bearu na ngayon ay hingal na hingal

"Oo, nandoon siya sa kusina"tumango ito, doon napagtanto ko ang ginawa niya kay Yna noong mga nakaraang araw kaya dali-dali kong hinigit ang tenga nito pabalik

"ARAAYYYY"daing nito

"Akala mo ba hindi ko alam yung ginawa mo 'kay Yna?kahit simpleng katulong lang siya kaya kitang putulan ng ari sa ginawa mo"may halong banta kong turan

"E-empress, kaya nga po ako nandito magsosorry ako a-aray"diniinan ko ang pagkakapingot sa tenga nito

"You think i will allow you to see her?hindi kana niya kailangan... MGA KAWAL PALABASIN NYO SIYA" may lumapit saaming mga kawal at hinawakan si Bearu sa magkabilang braso at kinaladkad palabas

"YNAAAAAA!!"malakas nitong sigaw habang kinakaladkad palabas, napa hilot na lamang ako saaking sintido

Kahit kailan napaka kapal ng mukha ng lalaking ito

"Mahal na empress, pinapatawag ka po sa punong bulwagan meroong nagaganap na pagpupulong kasama ang emperor at mga ministro" tumango ako 'kay Tiu at pumunta sa punong bulwagan

ano nanaman kaya ang meron?, nadatnan ko ang emperor na nakaupo sa trono at mga ministro pansin ko din ang batang nasa gilid ni Yro teka... si Cien ba iyon?

"Bakit parang gulat ka empress?"napalingon ako 'kay Yro

"B-bakit siya nandito d─"

"He's my son, siya ang anak ko na tinago mo... hindi mo ba alam na pwede kitang pababain sa trono mo sa salang pagtatago sa magiging tagapagmana ko?"galit at puno ng tensyon ang namamagitan saamin habang tahimik ang mga ministro

"M-momma"napalingon ako 'kay Cien ng bigla itong tumakbo palapit saakin

"C-cien"naluluha ko itong niyakap, paano siya napunta dito?sino ang nakahanap sakanya?

"Marunong kana magsalita"muli kong turan dito habang nakangiti

"M-momma" sa tuwing makikita ko ang anak ko parang nawawala lahat ng problema ko, pati narin ang mga tao sa paligid ngayon

"Mga kawal kuhanin nyo ang bata"nataranta naman ako ng kukuhanin nila ang anak ko pero nagulat ako ng bigla itong umiyak at mahigpit na yumakap sa tuhod ko

"Anong karapatan mo?ako ang nag-alaga at nagpalaki sa batang ito"deretso ang tingin ko kay Yro at napangisi ito

"I'm his father─"

"YOU'RE JUST A FATHER! AKO ANG NAGPALAKI SAKANYA HABANG IKAW NAGPAPAKASASA SA MGA BABAE MO SO SHUT THE FUCK UP YRO!"dumagundong ang boses ko sa loob ng punong bulwagan kaya napasinghap ang mga ministro

they're planning to take my son away?i wouldn't let them especially Yro, ibang usapan na kapag madadamay ang anak ko

"M-momma"rinig ko ang munting hikbi ni Cien kaya binuhat ko ito

"Don't do dare to touch nor take my son away Yro, i swear hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo kapag ginawa mo ang bagay na iyon" turan ko at lumabas sa punong bulwagan habang buhat-buhat si Cien.

Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko doon si Yna at Marthilia

"Marthilia"nagulat ito ng makitang pasan ko si Cien

"K-kamahalan p─"

"Paano siya nakapunta dito?ikaw ba ang nagdala sakanya?"umiling-iling ito at yumuko

"H-hindi ko po alam kung paano kamahalan, patawad po"huminga ako ng malalim at nilisan ang kusina

ngayon na nandito na ang aking anak, lalong kailangan ko na mag ingat dahil nakakaramdam ako na meron parin akong kalaban at problema bukod 'kay Yro.

The Empress Where stories live. Discover now