EPIGLOGUE

825 22 6
                                    

STEIL POV

"Kamahalan, maraming nasawi kasama na po doon ang pinuno ng mga kawal"

"S-si Tiu?"tuluyan akong napaupo sa sahig kaya dinaluhan ako ng mga katulong

b-bakit kailangang mangyari ito?

"Nandito na po ang katawan ng prinsipe sa kahariang Yinx"agad akong napatayo at lumapit sa malamig na katawan ni Beau

"B-beau"halos wala at napakahina na ng boses ko, nanghihina ang buong katawanan ko

napahagulgol ako at pilit na inilalayo sa katawan ni Beau

"BITIWAN NYO AKO!"niyakap ko ang katawan ni Beau at doon humagulgol

"A-akala ko papasiyahin mo pa ako?diba mabubuhay pa tayo ng magkasama?"ramdam ko naman na may yumakap saakin kaya nilingon ko ito

"M-mama"niyakap ko si Cien at doon umiyak sakanya

"K-kamahalan ang mahal na emperor po"turan ng isa sa mga katulong kaya napalingon ako sakanya

"A-anong nangyari?"napayuko ito at malungkot akong tinignan

"P-patay na po ang emperor Yro, inatake po siya ng sakit sa puso"parang nablangko ang isip ko at hindi pumapasok lahat ng nangyayari

yung kagabi, hindi siya umaakto?totoo ang nakita ko kagabi na pamimilipit niya?

"Nasa kwarto niya parin po ang labi ng mahal na emperor"agaran akong pumunta sa kwarto ni Yro at nadatnan ko ang nakahilata niyang katawan sa kama

namumutla ang mukha nito at ng hinawakan ko ay napakalamig

"Y-yro"hindi ko alam pero parang nakonsensya ako sa lahat ng sinabi ko sakanya kagabi

"G-gusto kitang parusahan pero sa mga kamay ko dapat hindi sa ganitong paraan"hikbi 'kong turan

"P-paano na si Cien!?"pansin 'kong nakatingin si Cien saamin kaya tinawag ko siya para lumapit at doon niyakap

"Mananatili ako sa tabi mo Cien, wag kang mag-alala dito lang si mama"mahina 'kong bulong at hinimas-himas ang likod niya

AFTER 15 YEARS

STILL HER POV

"Nakahanda naba lahat ng pagkain?"nakangiti 'kong turan at tumango naman ang mga katulong

ngayon ang kaarawan ng kambal 'kong anak halos labing-lima na sila katulad din ng labing limang taon na lumipas
ngayon din ang araw ng kamatayan ni Beau

nabalitaan ko nasi Bearu na ang namumuno sa imperyong Yinx, hindi ata siya makakadalo sa kaarawan ng kambal dahil busy

halos 15 years old na ang dalawa kong kambal at 17 na si Cien, iniisip ko na baka bigla sila magnobya

"Marthilia nasaan na yung kambal pati si Cien?"natataranta at hingal na lumapit saakin si Marthilia kasama si Yna

"Jusko kamahalan, tumakas po ang tatlo mong anak sa tingin ko ay pumunta sila sa baryo at gumala nanaman"agad naman napalaki ang mata ko

paano kung mapahamak ang tatlong iyon?makukulit talaga!

"HANAPIN NYO ANG TATLONG PRINSIPE AT IUWI DITO!"tumango ang mga kawal at katulong bago umalis sa harap ko

nako malalagot talaga ang mga iyon saaken

"Ang kukulit ng anak mo Beau, nagmana sayo tsk"kinakausap ko ngayon ang litrato namin ni Beau

naalala ko ay kuha ito 15 years ago noong nilibre niya ako ng icecream, may dumi pa ako sa gilid ng labi dahil sinundot niya sa mukha ko yung icecream

"Wag mo kausapin yung picture baka magsalita yan"napalingon naman ako 'kay Atlantia

"Sus ikaw nga di pa nagkaka-anak baka baog ka ah?"hinampas naman ako nito sa braso

lumipas ang maraming taon pero nanghahampas parin ang babaeng ito?

"Kesa naman sayo byuda na habang buhay"tinawanan ko siya ng puno ng sarkasmo sa boses

"Nasaan si Yin?"nakita ko naman si Yin na ngayon ay nakikipag landian sa katulong

"Tignan mo Atlantia yung asawa mo maharot"walang pag-aalinlangang umalis ito sa harap ko at lumapit 'kay Yin

napatawa ako ng hinigit nito at piningot ang tenga ni Yin paikot

lumipas man ang maraming taon masasabi 'kong kontento na ako sa buhay ko ngayon kasama ang tatlo 'kong anak at namumuno sa buong imperyo

for me not all happy endings will end up being with someone that you love, it's about being contented and willingly to continue your life

and i'm happy to say na kontento na akong kasama ang aking mga anak at samahan sila hanggang sa kanilang paglaki.

The Empress Where stories live. Discover now