STEIL POV
"Nasa labas na po si Beau kamahalan tulad ng ipinaguutos mo po" magalang na turan ni Eunuch Gi kaya tumango na lamang ako
kasalukuyan akong nandito saaking silid, dalawa ang aking silid ang isa ay para sa mga personal na bagay at ang isa at dito kung saan nakahilata si Yro sa higaan
akma sana akong lalabas ng higitin niya ako pabalik
"S-saan ka pupunta?" pansin kong nagising siya at lumapit saakin para yakapin ako
kung ganto kalang sana dati, edi sana masayang pamilya na tayo
"May mga personal na bagay akong tatapusin babalik din ako dito" noong mga nakaraang araw para siyang bata na ayaw humiwalay sa nanay
palagi siyang nakayakap saakin tuwing nandito ako, ipinagsawalang bahala ko nalang kesa naman umiyak siya lumalala lang ang pagsakit ng puso niya.
Tumayo ako at dere-deretsong lumabas ng silid, ipinatawag ko si Beau upang matulungan niya ako dahil kinakailangan siya
kung sakali mang magmamatigas si Elnea sapilitan ang magiging digmaan sa pagitan ng palasyo nila Beau at imperyo nila Elnea
magaling sa digmaan ang imperyo nila Beau kaya hindi na ako magtataka
"N-nia"pilit kong iniiwasan kung ano man ang aking nararamdaman dahil hindi iyon tama
"Pinatawag kita dito para sa personal na bagay tu─"
hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.. nararamdaman ko nanaman
ayan nanaman yung mga yakap niya na para akong hinehele, mga yakap na gusto kong maging pahinga panghabang buhay
ngunit nagulat ako ng may biglang marahas na humigit saakin
"Y-yro"mahina kong bulong, kasama niya ngayon ang mga kawal niya
"Babalik na tayo" maawtoridad niyang turan
"Ngunit may pinaguusapan pa kami kaya bitiwan mo ako!" pagmamatigas ko
"Sandali lamang kamahalan, mali naman atang bigla mo nalang hi─"
"MANAHIMIK KA!" naputol ang sasabihin ni Beau ng bigla siyang sigawan ni Yro
"Aalagaan mo pa ako diba?kaya halika na"marahas niya akong hinigit palayo sa lugar na iyon kahit man magpumiglas sadyang malakas na siya ngayon
bago makaalis sinenyasan ko si Beau na magkita kami sa silid aklatan sana na lamang ay naintindihan niya.
YOU ARE READING
The Empress
Mystery / ThrillerSteil is the most admired empress in their empire she's also the sweetest woman in everyone's heart, who could know that a simple fake news and misunderstanding can destroy her beloved image? She's such a kind hearted, innocent, and pure lady you...