KABANATA 44

482 16 0
                                    

SOMEONE's POV

"Nakahanda naba ang lahat?"tumango naman ang mga utusan ko

"Mabuti, nalalapit nadin ang pagbagsak ng imperyo nila kasama si Steil... sa mga panahon na iyon ako ang matitira at mamumuno"ngisi 'kong turan

"Masaya ako para saiyo, halika ipagdiwang natin ang nalalapit mong tagumpay"ngumiti ako at tumango bago sumunod sakanila

hintayin mo lang Steil.

STEIL POV

Sa paglipas ng bawat buwan naging masaya ako, masaya ako sa araw-araw dahil kasama ko na ang anak ko bukod doon palagi rin bumibisita si Beau saakin at nakikipaglaro 'kay Cien

wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang sana ganito nalang habang buhay

"Empress bakit parang lumalaki ang tiyan mo?"napatingin naman ako 'kay Marthilia

"Oo nga kamahalan, mukhang nataba kana?pero bakit tiyan lang ang nalaki sayo?"turan naman ni Yna

pansin ko din na nalaki ang tiyan ko siguro dahil sobrang busog?pero tama din si Yna bakit naman tiyan lang ang nalaki saakin?

"Ayieee baka buntis na ang empress, may anak na sila ng mahal na emperor"doon ay parang nabalisa ako at naalala ang nangyari saamin no Beau

hindi kaya, buntis ako?

"Marthilia magpatawag ka ng mga doctor gusto 'kong alamin kung buntis ngaba talaga ako at sana itago muna natin ito saating pagitan"tumango naman ito bago tumayo at umalis

"Empress balita ko patay nasi Elnea, namatay siya sa ika-isang daang latigo"hindi ko na lamang ito pinansin dahil mas maraming bagay akong dapat gawin

hindi parin natatagpuan si Ninea, hindi ko rin madalas nakikita si Yro at si Takashiri hindi ko rin siya madalas nakikita.

______________________________

"Kamahalan, nagdadalang-tao ka po maligayang bati para saiyo"yumuko naman ang doctor at nakangiting tumingin saakin

buntis ako?hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil magkaka-anak na kami ni Beau pero labag sa batas ng imperyo ang nangyaring ito

"Gusto 'kong ilihim muna natin ang pangyayaring ito" napakunot naman ang noo ng doctor

"Please? saatin muna ang bagay na ito, lumisan at magpakalayo-layo kayo dito sa imperyo yan ay utos mula sa saaken" tumango naman ito nilisan ang silid ko

dapat ko ba itong sabihin 'kay Beau?panigurado masaya siya

"Marthilia" napalingon naman ako ng pumasok ito saaking silid

"Ija, sino ba ang ama ng anak mo?"napaiwas ako ng tingin

"Hindi ko ito sasabihin kahit kanino, nagaalala lamang ako sa iyo"niyakap ko naman ito ng mahigpit dahil pakiramdam ko may ina ako

"S-si Beau po"nagulat naman ito at napatakip sa bibig

"Paano na kapag nalaman ito ng emperor?palaki ng palaki ang tiyan mo baka mapansin niya iyan" napayuko naman ako

"Hindi ko rin alam, pero sisiguraduhin ko na walang mangyayaring masama sa pinagbubuntis 'kong ito"niyakap ako nito muli at hinimas-himas ang likod ko

wag kang matakot anak, kasama mo si mama kaya walang mangyayaring masama.

The Empress Where stories live. Discover now