KABANATA 42

508 22 0
                                    

STEIL POV

Lumipas ang maraming araw simula ng may mangyari saamin ni Beau, palagi ko siyang iniiwasan pero palaging nakasunod saakin tulad nalang ngayon

"Bakit hindi mo ako pinapansin?"nakanguso nitong turan at kumapit pa sa braso ko

"Bitiwan mo nga ako baka may makakita" lalo lamang itong lumingkis saakin

lalaki ba talaga 'to?bakit ganito umasal?parang bata

"Diba sabi mo mahal mo ako?" napaiwas naman ako ng tingin dahil halos kanina pa siya paulit-ulit na binabanggit ang salitang iyan

"B-bitiwan mo nanga ako, pupuntahan ko pa si Cien" tumayo ako at akmang tatalikod ng bigla siyang magsalita

"Sino si Cien?" inosente nitong tanong kaya bahagya akong kinabahan, paano kung malaman niya na anak ko 'kay Yro iyon?iiwanan niya naba ako?

maraming bumabagabag sa isip ko ng may biglang umakbay saakin

"My son"napalingon naman ako 'kay Yro dahil sa sinabi nito

"With whom?"

"With her" namagitan ang katahimikan sa sinabi ni Yro bukod doon naiilang din ako dahil parehas nila akong tinitignan

"A-ah ano, may gagawin pa ako"walang pag-aalinlangan akong tumalikod pero bago pa man yon narinig ko ang huling sinabi ni Yro

"Aalagaan niya siguro ang ANAK namin"

_______________________________

Nakita ko si Tiu na nakatulala kaya nilapitan ko ito

"May problema ba?" tila'y balisa naman ito

"W-wala po kamahalan" nakayuko nitong turan

anong meron sakanya?namumula ang mga tenga niya

"Halika, samahan mo ako magkape"tumango ito at sumunod saakin

sinenyasan ko ang mga katulong kaya tumango ito at pumunta sa kusina ngunit bumalik din namay dala-dalang dalawang tasa ng kape

"Upo ka dito, masyado 'kang nagpapakasubsob sa gawain ng imperyo napakasipag mo!" ngiti 'kong turan bago sumimsim sa kape ko

"I-isa po yung malaking karangalan para saakin" anong meron sakanya?bakit parang palagi siyang nakayuko at namumula ang tenga?

pansin ko yan nitong mga nakaraang araw sa t'wing makakasalubong ko siya

"Nilalagnat kaba Tiu? namumula ka talaga"hinawakan ko ang noo niya at animo'y nagulat ito at napatayo

"W-wala po" inirapan ko naman siya

"Siguro may nagugustuhan kana no?ganyan kase ang mga lalaki pansin ko lang... palaging namumula kapag nakikita ang taong gusto nila, tignan mo pati pisngi mo namumula na" nilapitan ko siya at sinundot sa tagiliran

"Wala po kamahalan!" wala daw pero defensive

"Swerte ang magiging asawa mo dahil may masipag siyang asawa, sa totoo lang matalino ka naman kaya bakit mo pinili maging isa sa punong kawal dito?"turan ko bago sumimsim saaking kape

"Para makita kita" napalingon naman ako dito at napakunot ng noo

"Ahh kase ano po pinagbilin ka rin saakin ng ama mo"turan nito bago kinamot ang batok kaya napatango na lamang ako

"Pansin ko lagi 'kang mag-isa paano ka makakahanap ng babae na para sayo?"pagsusungit ko

"I like to be alone but not to be lonely, meron naman akong babaeng gusto nandyan lang sa tabi-tabi" nakayuko nitong turan kaya napatayo ako at hinawakan ang dalawa niyang pisngi

"TALAGA!? BINATA KANA TIU!" napaiwas ito ng tingin saakin at yumuko

"Sino ba yung gusto mo?dali sabihin mo saakin wag kanang mahiya" sinundot ko pa ang tagiliran nito kaya pansin 'kong lalong namula ang tenga niya

"Siguro si Marthilia?pfft..." malakas akong napatawa ng masama niya akong tinignan

"Ikaw" mahina nitong bulong kaya napatingin ako sakanya

"Ako?" parang natauhan naman ito at nakangiti akong tinignan

"I-ikaw, yung kape mo lumalamig na"ginulo ko naman ang buhok niya

hindi pa rin nagbabago si Tiu, siya parin ang kinalakihan 'kong kaibigan mula pagkabata

The Empress Where stories live. Discover now