CHAPTER 5

35 7 0
                                    

"Mommy, ano pong ginagawa niyo rito?"

Nandito ako ngayon sa pinuntahan kong site para mag secure ng mga kailangan pang ayusin pero nabigla ako dahil pagdating ko, nandito rin si Mommy.

Ngumiti siya, "Oh, anak. May kinausap lang ako tungkol sa management, paalis na rin ako ngayon dahil marami pa akong aasikasuhin sa office."

I kissed her cheeks, "Sige po, Mommy. Ingat po kayo pabalik."

"Take care also, okay? I'm going now." Nakangiting sabi niya bago siya tumalikod at umalis ng site.

Tumalikod na rin ako at naglakad sa buong paligid.

"Good morning, beautiful."

"Anong pangalan mo, miss?"

"Pre, ang ganda oh!"

"Mga tanga, anak 'yan ni Mr. Collins."

Binilisan ko ang paglalakad ko pero muntik na akong matumba dahil may humila sa akin papunta sa isang hindi pa tapos na opisina rito sa site.

"Anong suot 'yan?" Matalim niya akong tinitigan.

Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Umatras ako palayo sa kaniya, "What's the problem with my dress? Ito naman talaga sinusuot ko."

His forehead creased, "So, you want those reactions to the people around you?"

Tinaasan ko siya ng kilay bago magsalita, "H-Hindi, pero hindi naman nila masisisi kung ganito ang suot ko. I wore it for professionalism. Kung gano'n ang reaksiyon nila, hindi ko na masisisi ang sarili ko. Ako pa ba ang mag-aadjust sa kanila? Kung may respeto ang ibang mga lalaki sa mga babae kahit anong suotin nila, they won't act like that."

He sighed, heavily, "Sa susunod magsasabi ka sa akin kung pupunta ka rito para masamahan kita."

Humakbang ako palapit sa kaniya, "Bakit naman sa 'yo pa? Wala na bang ibang choice, Engr. Rodriguez?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang paghapit niya sa aking bewang dahilan upang maglapit pa kaming dalawa.

He smirked, looking deeply into my eyes, "Wala na. I'm the only choice, so, whether you like it or not, sa akin ka pa rin babagsak."

Our faces are only an inch apart. I looked like a statue in front of him. With just any wrong move, there's a possibility he'll kiss my lips.

Tinulak ko siya palayo, "Anyway, I'm here for the head engineer and the resource manager of this site. May kailangan kaming pag-usapan."

Hindi siya nagsalita at hinila niya ang kamay ko palabas.

"Let me go! Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Pasigaw kong sumbat sa kaniya.

Hindi niya ako nilingon at diretso lamang ang paglalakad niya habang hawak-hawak ang kamay ko.

Ilang segundo ang nakalipas, nasa loob kami ng isang opisina. Nagulat naman ako sa biglang nagsalita.

"Oh! What a surprise visit, Engr. Rodriguez – "

Napatigil ito at tumingin sa akin. I can tell that magka edad lang sila nitong Engineer na kasama ko.

"Hello there! Ms. Collins, the heiress of A's Corporation. I'm Mr. Aiden Dawson, the resource manager. Nice to finally meet you," he extended his arms, smiling at me.

I clasp hands with him, "Nice to meet you also. So, where's the head engineer para makapag umpisa na tayong mag-usap."

"I'm here." Maikli at diretso niyang sabi.

Siya ang head engineer dito? Wait, bakit hindi ko alam?

Halata sa mukha ko ang pagkagulat kaya tinapik niya ako sa balikat, "Don't be shock, I told you, kahit saan ka magpunta, ako ang kasama mo."

Mabilis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at napatingin ako kay Mr. Dawson na nagtataka na ang tingin.

I cleared my throat, "Okay, let's start the meeting."

Naupo na ako at sumunod naman silang dalawa para makinig sa mga sasabihin ko. It feels so awkward but nevermind.

"I've seen the monthly report about the resources on this site, masyadong maraming kulang. If you have listed a copy in there, patingin ako para magawan ng budget plan sa main office." Tumingin ako sa kanilang dalawa habang seryosong nagsasalita.

Kinuha niya ang isang folder at binigay ito sa akin, "We've submitted already the updated one, ang ibang materyales ay kompleto na pero pagdating sa mga minor materials, medyo kulang pa. Here's the duplicate of the report."

Kinuha ko naman ito at tahimik na binabasa ang mga nakasulat.

"Engineer Rodriguez and I secured all the materials para hindi masayang ang iba. May mga lapses man pagdating sa time pero makakaya itong matayo within straight 10 months." Pag-eexplain niya sa hawak kong report.

I nodded, "It's great that you have an interaction with the head engineer in terms of the resource and budgeting."

"Yeah, we're close since then though dahil magka batchmate kami kaya mas komportable kami sa isa't isa," he assured.

"Bakit? Akala mo ba wala akong ginagawa kapag nandito ako?" he asked, calmly.

Masyadong epal 'tong lalaki na 'to.

Lumingon ako sa kaniya, "I didn't say anything about it."

I grinned, "You did, Ms. Collins."

Napansin ko namang palipat lipat nang tingin si Aiden sa aming dalawa.

"Well, let's ask Mr. Dawson. Did I say anything against him?" I asked, facing him directly with a poker face.

He shrugged, "Wala naman akong narinig, Ms. Collins. Hindi niya lang siguro naintindihan ang sinabi niyo."

Unti-unting umangat ang kilay ko. Told you, Engr. Rodriguez.

He rolled his eyes, "Tsk, never mind."

Tumayo ako at nilapag ang folder sa mesa, "Anyway, nice to finally meet you, Mr. Dawson. I just got here to clear things out about the lacking resources. I'll check it to the main office para maasikaso agad. Thank you for welcoming me here in your office."

He nodded and stood up in his seat, "My pleasure, Ms. Collins. Visit here often kung may kailangan ka."

Napaharap naman ako kay Engr. Rodriguez at nginitian ko lang siya habang siya ang diretso lang ang tingin sa akin. Should I say goodbye, too? 'Wag na nalang.

Naglakad na ako palabas ng opisina para pumunta kung saan ang kotse ko.

Pagka pasok ko kaagad sa kotse, huminga ako nang malalim. Napapikit na lamang ako nang maalala ko ang mga sinabi ko sa kaniya kanina.

Bakit hindi niya ako sinundan dito? Hindi niya man lang ako sinabihan ng take care. 

Make your move, Engr. Rodriguez.  

Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon