Since lately, I've been into a heavy workload in my job. As for today, it's my free day. Naisipan kong mag shopping sa mga susuotin ko para sa aming trip.
Habang nakahiga ako, kinuha ko sa gilid ang aking cellphone para i-chat ang aking mga kaibigan.
always.aleana: Hey, available kayo today? Samahan niyo ako mag shopping.
Wala pang isang minuto, nagreply na kaagad sila.
yoursassy_sophiaiiii: I'm available today, where?
irenexxiiwindy: Count me in!
pinchypinchynathalie: I can't, I have something important meeting to attend here in my work through online. Babawi ako next time. Enjoy!
Nagtipa naman ako ng irereply sa kanila.
always.aleana: It's okay thalie, good luck.
irenexxiiwindy: May seener oh. Sasama ka ba, Harper?
Natawa tuloy ako sa message ni Irene. Hindi naman ito pinalampas ni Harper.
withloveofnuggets_harper: I will.
yoursassy_sophiaiiii: Siyempre sasama 'yan kapag kasama rin si Aleana. I can feel the love in the air wosho!
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko sa aming group chat sa instagram. They'll not stop talaga kapag sa ganiyang bagay na. Ang titino talaga ng mga kaibigan ko.
always.aleana: Mga baliw! Meet nalang tayo sa SM at exactly 2:30 pm. See you!
Pinatay at binaba ko na ang aking cellphone para kumilos na. Ayoko namang pinaghihintay ko sila.
I just wore my white high neck crop top partnered with ripped jeans and a white Dorsay flats. After I put some light make-up, I grabbed my Secosana backpack purse, getting ready to go.
Pagkatapos kong iparada ang sasakyan ko, naglakad na ako papasok sa mall at nakita ko kaagad silang nakatayo sa entrance.
"Let's go na," I said as I walked into them.
Harper said, pinching my cheeks, "Himala, nagyaya mag-mall ang isang Aleana Milicent Collins."
"Para paraan ang isa diyan." Patuksong sabi naman ni Irene.
Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mga normal pa ba 'tong kasama ko.
Napatigil naman ako sa paglalakad, "Ngayon lang ako may freetime, ayaw niyo ba or gusto akong makasama? Ayusin n'yo ang sagot, malilintikan talaga kayo sa 'kin."
Napansin naman nila ang pagtigil ko sa paglalakad. Nagkatitigan muna sila bago ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Nagtatampo 'yung Aleana natin, oh."
"Girl, you know the drill. Siyempre gusto namin, duh."
Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila. Mga baliw talaga.
Nagtatawanan kami hanggang sa makarating kami sa Forever21 kung saan bibili ako ng mga damit na dadalhin sa Korea.
Kinalabit ako ni Sophia, "Girl, may napili ako. Bet 'to sa body mo."
Napaharap ako at nagpipigil ng tawa sa harap nila.
Sumingit naman si Irene at siniko si Sophia, "Hoy! Korea ang pupuntahan ni Aleana hindi Hawaii. Pagsusuotin mo siya ng revealing na damit baka pag-uwi n'ya rito malalang sakit sa tiyan ang dadalhin."
BINABASA MO ANG
Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)
General FictionContentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happiness? Aleana, an heiress, has to focus on the idea of connecting herself through learning, to face th...