Dalawang linggo na ang nakalipas nang mawala si Daddy pero ramdam ko pa rin ang poot sa aking puso.
Ang hirap pa ring tanggapin.
"Kayo na bahala sa anak ko, mag iingat kayo." Pagbibilin ni Mommy sa aking mga kaibigan.
Narito ang mga kaibigan ko ngayon dahil gusto nilang sumama sa unang check-up ko sa baby.
Ang sabi ko nga sa kanila na kahit ako na lang pero nagpupumilit silang lahat kaya wala na akong magawa.
Irene nodded, "Yes, Tita. Iingatan namin si Aleana."
"Alis na kami, Mommy." Pagpapaalam ko sa kaniya.
She just nodded and waved at us, bidding her goodbye.
Uupo na sana ako sa front seat kaso hinarang ako ni Sophia.
"Hep! Doon ka sa back seat para safe," sabi niya.
May seating arrangement na pala ngayon?
Hindi na ako tumanggi kaya umupo na lang ako sa backseat at katabi ko ngayon dito ay sina Nathalie at Irene.
Sa front seat naman ay si Sophia habang ang magmamaneho ngayon ay si Harper.
Nang makarating kami sa clinic ng OB-GYN na kakilala ni Mommy, inasikaso kami kaagad sa loob.
Naghintay kami ng tatlo pang minuto dahil may appointment pa raw ang OB-GYN doon.
"Hello, Aleana. I'm Doctor Athena Robles," she introduced herself. "I heard from your Mom that you'll have your first check-up today, so, are you ready?"
Handa na ba talaga ako para rito?
Ito na siguro ang bagong yugto ng buhay ko.
Hindi na lang ako basta-basta nabubuhay dito sa mundo, may responsibilidad na akong pinanghahawakan.
I smiled and nodded, "Yes, Doc. I'm ready."
Pumasok na ako sa loob habang ang aking mga kaibigan ay naghintay sa akin sa labas.
May dalawang nurse rito sa loob. Ang isang nurse ay inalalayan akong humiga sa maliit na hospital bed habang 'yung isa naman ay hinanda ang mga gamit para sa check-up.
"Ilang beses ka na nagsuka, Aleana?" Tanong ni Doctor Robles.
"Simula noong nalaman ko pong buntis ako, tuwing umaga at kapag nakaaamoy ako ng hindi ko gustong amoy," sagot ko sa kaniya habang nakahiga.
Tumango siya at lumapit sa akin, "Okay, it's normal."
Kinuha niya na ang gagamitin sa ultrasound.
Nakaramdam ako ng malamig na nilagay sa aking tiyan, at iyon ang ultrasound gel.
"I found the heartbeat of your baby," sabi niya.
Nang marinig ko ang heartbeat ng aking anak, may tumulong luha sa aking pisnge.
Ngayon lang sa akin nag sink in na magiging totoong ina na talaga ako.
Walang halong biro.
"Kumusta po ang kapit ng baby, Doc?" Tanong ko sa kaniya habang nakahiga pa rin ako.
"Malakas ang kapit ng bata at alam kong magiging maselan ang pagbubuntis mo ngayon." Lumingon siya sa akin at ngumiti. "You're eight weeks pregnant."
After I've been ultrasound, Doctor Robles give me some prescriptions to have the baby healthier.
She also give me some advice because as a first-time mother, I didn't know the process of pregnancy.
BINABASA MO ANG
Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)
General FictionContentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happiness? Aleana, an heiress, has to focus on the idea of connecting herself through learning, to face th...