CHAPTER 20

28 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nangyari iyon.

Pilit ko siyang iniiwasan kahit impossible dahil nasa iisang kompanya lang kami.

Kahit nasa punto kami na 'to, hindi niya pa rin ako kinakalimutang padalhan araw-araw ng mga bulaklak, pagkain, at mga mensahe.

Habang nag aayos ako ng mga kalat sa aking mesa, tumunog ang aking cellphone.

Nang matingnan ko ito, mga mensahe galing sa Instagram group chat naming magkakaibigan.

yoursassy_sophiaiiii: Hey, I'll invite you all to the opening of my restaurant at exactly 4 pm. Aasahan ko kayong lahat.

irenexxiiwindy: Naks naman! Siyempre g ako riyan. Libre mo?

yoursassy_sophiaiiii: Basta kung hindi sumipot, bahala kayo hindi magkakagusto crush niyo sa inyo. Char!

withloveofnuggets_harper: Hoy, I'm in!

Natawa ako nang makita ko ang mga mensahe nila.

                                                                                      always.aleana: Hahabol ako.

pinchypinchynathalie: G.

yoursassy_sophiaiiii: Oh, see. Takot kayong mafriendzone.

irenexxiiwindy: Basta libre.

withloveofnuggets_harper: Ang hilig mo magpalibre, nakabili ka nga ng sarili mong kotse.

Ayan na naman sila sa mga tuksuhan.

irenexxiiwindy: Epal ka rin.

pinchypinchynathalie: Hoy, tama na 'yan.

yoursassy_sophiaiiii: See you all here later.

Nang matapos kong ayusin ang aking mesa, tinuon ko ang aking atensiyon sa laptop para magbasa ng mga emails.

Sinusulat ko rin sa aking notepad ang mga dapat na asikasuhin para sa trip namin sa Calgary.

Oo nga pala, malapit na iyon kaya dapat kausapin ko na siya tungkol doon.

Ngayon, paalis na ako para pumunta na sa restaurant ni Sophia.

Habang nagmamaneho ako, binuksan ko ang radyo. Bumungad ang kantang sakto sa nararamdaman ko ngayon.

Bumuntong hininga na lang ako para pigilan bumuhos ang aking luha.

Pagkarating ko roon, medyo nahuli ako dahil tapos na ang ribbon cutting.

Hinanap ko kaagad ang table ng aking mga kaibigan at nahagip sila ng aking mata sa may dulo.

"Aleana is finally here!" Sigaw ni Irene.

Napatingin ang aking mga kaibigan sa akin.

"Sorry, I'm late," I seated beside Nathalie.

Irene smiled, "It's fine, Aleana."

I roamed my eyes and saw that many people are here in the opening.

I saw Sophia and her family entertaining others in the restaurant.

Nang makarating siya sa table namin, binati ko kaagad siya.

"Congratulations Sophia, I'm so proud of you," I greeted.

Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon