"Since we're all done eating, at this juncture, we will have our exchange gift. So, kunin niyo na ang mga regalo niyo sa inyong mga manito or manita."
Nandito kami ngayon sa building ng office naming dahil nag cecelebrate kami ng aming Christmas Party.
Hawak-hawak ko na ngayon ang aking regalo para sa aking nabunot. Sana magustuhan niya 'to.
Nag-umpisa na silang magbigay ng regalo at mukhang wala akong alam kung sino ang nakabunot sa akin.
"Oh, ikaw naman, Engr. Rodriguez. Describe your gift muna and kung anong relate niyan sa nabunot mong tao." Binigay nila ang microphone sa kaniya.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa malayo not until...
"This gift of mine will surely remind how important she is to me. I don't know kung magugustuhan niya 'to but I'm happy to give her this one. She's precious," he said, seriously.
Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako nang papalapit siya sa pwesto ko.
Teka lang, ako ba nabunot niya?
Nang nasa harap ko na siya, binigay niya na ang regalo niya sa katabi ko, which is his partner in the other projects.
He smiled, "This is for you, Milliene."
Kinilig lahat ng tao rito habang ako ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Huminga ako nang malalim para hindi bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.
She smiled, blushing, "Oh, Engr. Rodriguez, you're so sweet naman. Thank you."
"You deserve this one. Merry Christmas, I hope you like it," he wink at her before going back to his place.
"So, it's my turn now. I know she's so strong to handle the hectic schedules well and this gift will help her arrange the things she needed to," she explained, smiling.
Naglakad na siya papunta kay Mrs. Fillea at binigay niya ang regalo niya. Habang bumabalik siya sa pwesto niya, napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Well, I think Engr. Rodriguez seems chooses a great choice type of woman.
Mas lamang siya... Walang wala ako sa kaniya.
"Well, I have two gifts for her. 'Yung isa ay nagsisimbolo kung paano ko siya nakikita sa kaniyang pagsisikap, pagiging maalaga, at kahit nasasaktan na siya sa isang sitwasiyon, babangon pa rin siya. The other one is how she will be reminded on flying her dreams high yet she stays grounded," she uttered, explaining the gifts.
Napangiti ako nang naglakad siya papunta sa akin at binigay ang dalawang gift niya sa akin.
I smiled, "Thank you, Mrs. Fillea. You know me very well."
"Stay strong," she tapped my shoulder before going to her position.
"So, ako nalang ang hindi nakakapagbigay ng regalo at isa nalang ang hindi nabibigyan. Oh, alam niyo na," I chuckled, looking at Zayd. "Kidding aside, this gift siguro magagamit niya 'to for his work. We all know that he's so busy, but seriously, you are important to me that's why ingatan mo 'to."
Habang naglalakad ako papunta kay Zayd, I saw in my peripheral view na nakatitig nang maigi sa akin si Maverick.
Hindi ako nagpatinag at nagpatuloy lang ako diretso sa pwesto ni Zayd.
Once I'm infront of him, I give the gift. Tatalikod na sana ako ngunit hinawakan niya wrist ko at bigla akong niyakap.
"Ayun, oh! 'Yung manok namin, waging wagi."
BINABASA MO ANG
Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)
General FictionContentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happiness? Aleana, an heiress, has to focus on the idea of connecting herself through learning, to face th...