Months after we're engaged, we're both loaded with work stuff.
Akala ko magiging mas masaya kaming dalawa, pero hindi pala.
Minsan na lang kaming magkita sa isang araw, at kung magkikita man kami, ako ang pupunta roon sa bagong site na naka assign siya.
Pag dumadalaw ako sa kaniya, dinadalhan ko siya palagi ng pagkain dahil minsan nakalilimutan na niyang kumain sa tambak na tatrabahuin niya.
Pagkatapos ng aking trabaho sa opisina, pinupuntahan ko siya para kumustahin ang site roon at para sabay na kaming umuwi...pero hindi lahat gano'n ang nangyayari.
Minsan mag isa akong umuuwi dahil overtime sila roon.
Mag isa akong matutulog.
Mag isa akong kumakain.
Mag isa akong nalulungkot.
Mag isa akong nasa condominium naming dalawa.
Hindi ko siya sinisisi dahil tinanggap niya ang project niya iyon...pero minsan nawawalan na kami ng oras.
Tumingin ako sa aking cellphone at nagpadala ako ng mensahe kay Zayd.
Ayaw kong istorbohin muna si Maverick dahil alam kong stress siya ngayon lalong lalo nang nagkaproblema sa agreement ng may ari ng lupa.
To: Engineer Zayd Gil
How's the problem there? Is everything okay? Is he fine?
Habang hinihintay ko ang reply niya. Tinititigan ko lamang an gaming mga larawan ni Maverick.
I missed being with him.
I missed how free we are back then.
Naputol naman ang aking pag iisip nang magreply na si Zayd.
From: Zayd
The problem was fixed earlier, don't worry. For Maverick, he's doing well...and your fiancée is a bit stressed. Uuwi raw siya mamaya sa unit niyo. Better, be ready for later.
Sa text niyang iyon, nakahinga ako nang maluwag.
I'm good if he's doing well there.
Kung hindi lang ako ngayon kailangan dito, pinuntahan ko na siya kaagad.
Kaso nakatambak sa akin ngayon ang trabahuin.
Oras na nang uwian pero narito pa rin ako sa opisina.
Tiningnan ko ang aking laptop at medyo marami pang emails ang dapat i-check pero dahil uuwi ngayon si Maverick, doon ko na lang ito tatapusin.
Pagod akong umuwi sa aming condo. Nakita ko naman siyang tahimik lang sa gilid habang tinititigan ako.
"Hi, Maverick. Sorry, I'm late. I've got a lot of work today," I said as I hugged him.
Bumuntong hininga siya, "Kumain ka na?"
"Hindi pa," I shook my head. "Ikaw? Kung hindi ka pa rin kumakain, sabay na tayo."
He nodded, "Okay."
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.
His cold aura is back.
Hindi naman siya ganito sa akin noon, pero ngayon kaya niya nang kausapin ako nang malamig.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)
Narrativa generaleContentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happiness? Aleana, an heiress, has to focus on the idea of connecting herself through learning, to face th...