CHAPTER 13

19 1 0
                                    

Makalipas ang ilang weeks na gano'n ang trato niya sa 'kin, naisipan kong pumunta sa site kung saan siya naka assign para kahit doon man lang mayroon kaming interaction.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para mapatigil ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ngunit paglingon ko, naroon siya na nakikipag usap sa mga iba pang engineer.

Habang nakatingin ako sa kaniya, may biglang tumabi sa akin.

"Oh, you're here, Ms. Collins," he uttered, smiling at me.

Napalingon naman ako sa kaniya, "I-I'm just here inspecting the site, Mr. Dawson."

He raised an eyebrow, tilting his head a bit, "Inspecting the site or inspecting someone you miss?"

Yeah... I'm here for someone.

Pero wala akong lakas na loob para sabihin 'yon sa kaniya.

"Mr. Dawson, mabuti pa sigurong mag ikot-ikot muna ako rito sa site," I half-smiled at him.

Nang makarating ako sa tapat ng ginagawang building, napatingin ako kung gaano kalaki ito.

Pinagmasdan ko kung papaano sila nagtatrabaho. Gusto kong makita ang loob kaya nagsuot ako ng hard hat para makapasok doon.

"Ma'am, ingat po kayo."

"Hi, Ma'am ang ganda niyo po."

'Yan ang mga naririnig ko nang makapasok na ako. Hindi ko aakalaing patapos na pala itong building.

Napahanga ako sa interior design. It's a combination of modern and retro styles.

"Excuse me, miss. What are you doing here?"

Napakunot noo ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Parang gusto kong lumingon pero hindi ako makagalaw.

Then something starts to drum in my chest. It is my heart.

His voice sent shivers to my body. Siya lang ang makakagawa niyan sa akin.

Siya lang.

I slowly faced him. Hindi pa rin matanggal ang kaba sa aking dibdib.

Pero no'ng pagkaharap ko sa kaniya, may biglang sumigaw.

"Ma'am, tabi po!"

Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang paghila niya sa akin palayo sa aking kinatatayuan.

Nakarinig ako ng isang nabasag na salamin. Pagdilat ko sa aking mga mata, nakayakap na pala ako sa kaniya kaya dali-dali akong bumitaw.

"Ano 'yan, ha?" he pointed out the broken glass, screaming at the workers.

Someone raised a hand, "Sorry, sir. Hindi po nakayanan ng lubid kaya bumagsak po ang salamin."

Napatingin ako kay Maverick na pulang pula na ang itsura. He's too stressed and frustrated.

Hindi na rin ako makapagsalita dahil muntik na akong mabagsakan ng isang salamin.

He let out a harsh breath, "Ayusin niyo trabaho niyo. Malilintikan tayo rito sa mga gamit kapag may nasira ulit kayo."

Hinubad ko ang hardhat at nanatiling tahimik lang sa gilid.

Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang wrist ko para sumama sa kaniya sa labas.

I whimpered, "Teka lang. Maverick, saan tayo pupunta?"

Instead of answering me, binuksan niya ang kotse niya na naka park sa walang masiyadong tao at pinapasok ako roon.

Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon