CHAPTER 21

23 0 0
                                    

"Love, it's Sunday today. Can I date you?" he asked over the phone.

I chuckled, "Silly, of course."

"Okay, get ready and I'll be there in an hour," he said before ending the call.

Nag ayos na ako para sa date naming dalawa.

Isang oras ang makalipas, dumating na siya sa bahay at nang bumaba ako, nakita ko siyang kinakausap niya ang aking mga magulang.

Napalingon naman silang tatlo sa akin.

"Hi, Ali," he smiled, greeting me.

I looked at him, "Hi, Mav."

Mommy held my hand, "Anak, pinagpaalam ka na ni Maverick sa amin na may lakad kayong dalawa."

I glanced at him, "Totoo ba?"

He just smiled and nodded.

"Alam naman naming nasa mabuting kamay ka, 'di ba, Maverick?" Daddy tapped Maverick's shoulder.

"I will take care of your princess, Tito, and Tita," he assured.

Nang makapagpaalam na kami sa aking mga magulang, sumakay na kami sa kaniyang sasakyan.

Hindi na ako nagbalak na magtanong kung saan kami pupunta dahil pinagkakatiwalaan ko naman siya.

Ilang minuto ang makalipas, nanlaki ang aking mga mata dahil pagkatingin ko sa labas, nasa simbahan kami.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya ako pababa ng sasakyan.

Hinawakan niya ang aking kamay habang papasok kami sa loob ng simbahan.

Pagkarating namin sa loob, nakahanap agad kami ng uupuan. Marami rami na ring tao ang narito ngayon.

"Love..." I called him.

He shifted his attention to me, "Hmm?"

"Bakit mo naisipang dalhin ako rito sa simbahan?" I asked.

"Before we meet, I went to the church every day and prayed to lead me to a woman whom I'm spending the rest of my life with..." he explained in a small voice. "Then you came into my life. That's why I brought you here to introduce you to Him that I made you be with me with no doubts."

His words...

I pouted, teary-eyed, "I love you."

He lifted our intertwined hands, kissing the back of my hand, "I love you more than you know."

Ito ang hindi ko pinagsisisihan, ang makasama siya.

Sana pagdating ng panahon na pwede na, sana kami pa rin. Sana ganito pa rin kaming dalawa.

Pagkatapos naming magsimba, pumunta kami sa isang lugar kung saan limitado lang ang tao.

Nasa likod kami ng kaniyang kotse ngayon, nakabukas lang ang back door.

Kinuha ko ang aking cellphone, "Let me take a picture for you, Mav."

Akala ko tatanggi siya...

Tumango siya, "Okay."

Matapos ko siyang kinuhanan ng litrato, tiningnan niya ito isa-isa.

A smile formed on his lips, "I'm not fond of taking pictures...but for you, I will."

'Yung litrato na pumukaw sa kaniyang atensiyon ay ang hawak ko ang kaniyang kamay.

Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon