Pilit kong pinapatatag ang sarili ko, pero nang makita ko ang puting kabaong na si Daddy ang laman...nawala ang tapang ko.
Nang dahil sa akin, inatake si Daddy sa puso.
Nang dahil sa akin, nag agaw-buhay siya.
Nang dahil sa akin, namatay ang unang lalaking nagmahal sa akin.
Narito na kami ngayon sa bahay.
Marami ring pumunta na mga trabahante ng kompanya namin at mga kakilala ni Daddy para makiramay.
Hindi ko inaalis ang tingin sa kabaong.
Habang inaalala ko ang nangyari kahapon, sobra ang aking pagsisisi ngayon.
"Hey, Aleana," Nathalie slightly tapped my shoulder.
"Hmm?" I hummed, still not taking my eyes off the coffin.
She whispered, caressing my back, "Don't you ever blame yourself, okay?"
Kahit sabihing hindi, sobrang sinisisi ko talaga ang sarili ko ngayon.
I shook my head, tears slowly rushing down on my face, "No...if I have done better, Daddy won't be here."
Napayuko ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Nang mapansin iyon ng aking mga kaibigan, lumapit sila sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Aleana, be strong," Sophia whispered.
Irene nodded, caressing her hand on my tummy, "I agree and stress is not healthy for the baby."
Tiningnan ko sila isa-isa at nakita kong wala si Harper dito.
"Nasaan si Harper?" Tanong ko.
"Umalis kani–"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Sophia dahil sa biglaang pagdating ni Harper sa amin.
"Oh, narito ka na pala," Nathalie said as Harper arrived. "Saan ka ba nagpunta?"
"I just went for someone." Diretsong sabi niya habang seryoso ang mukha.
Hindi pa ako kumakain mula kagabi.
Parang wala akong ganang kumain dahil sa mga nararanasan ko ngayon.
"Eat, Aleana," Harper sat beside me, bringing some foods. "May dinadala kang bata, kaya alagaan mo ang sarili mo. Siya ang magiging lakas mo ngayon."
I half-smiled at him, "Thank you, Harper."
Habang kumakain ako, nakita kong inaasikaso ni Mommy ang mga pumupunta rito sa bahay.
Binantayan ako ni Harper hanggang sa maubos ko ang pagkain na inihanda niya.
Tumayo ako at pumunta sa tabi ng kabaong.
Sayang, Daddy. Hindi mo makikitang lumaki ang apo mo.
Pinapangako kong aalagan ko siya, Daddy.
Naramdaman ko namang tumabi si Mommy sa akin at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.
Ilang minuto kaming tahimik habang nakatingin lang doon bago siya nagsalita.
"Alam mo ba, Aleana...simula no'ng dumating ka sa amin ng Daddy mo, sobrang saya ang naramdaman namin," she stated. "Bagong kasal kami no'n kaya excited kami kung ano ang pakiramdam ng isang magulang."
"Nahirapan po ba kayong alagaan ako?" Tanong ko sa kaniya.
She nodded, "Noong una akala namin madali lang dahil sa ibang mga magulang na nakikita namin noon parang okay lang naman. Pero no'ng tumagal, mahirap pala dahil sobrang ingat na ingat kami sa 'yo."
Kaya ko namang mag isa...pero iba pa rin kapag kasama ko siya.
Natatakot lang ako baka hindi ko maalagaan nang mabuti ang anak naming dalawa.
Baka sa huli, kung magkikita pa kami, sisihin niya ako dahil hindi ako naging perpektong ina sa anak namin.
"Mommy, I'm afraid," I whispered.
She faced me, wiping the tears at the corner of my eyes, "Don't be. No one's perfect...and once the baby is out in your womb, you will realize something, and that is sacrificing your good."
Bumalik ako sa pagkauupo dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.
Katabi ko ngayon si Irene na busy sa kaniyang cellphone.
Maya-maya ay tinawag niya ang iba naming mga kaibigan.
"Look what I've found on my Instagram feed," she showed it to us.
I took a glance at it.
It is about the post of Maverick on a plane.
Nathalie rolled her eyes in irritation, "Kita mo na, iniwan ka na nga, umalis pa sa Pilipinas."
"Hayaan niyo na," maikling sabi ko.
Nathalie stood up, "Anong hayaan lang namin? Sinaktan niya ang bestfriend ko, pag umuwi siya rito masasapak ko talaga 'yan."
Harper looked at me, "Sabi sa 'yo, ako na lang piliin mo."
"Ang kapal din ng mukha mo," Pagturo ni Sophia sa kaniya.
Tumingin ako sa kanila nang walang ekspresyon ang mukha, "Kaya ko namang wala siya kaya 'wag na kayong mag alala."
"Teka lang, ang ibig mong sabihin Itatago mo ang anak niyo sa kaniya?" Tanong ni Irene.
Tumango ako, "Kung 'yun ang paraan para maging malaya siya, gagawin ko."
Hindi sa paraang ayaw kong malaman niyang may anak kami, gusto ko lang na maabot niya ang mga pangarap na gusto niya.
Wala ako...wala ang kaniyang anak...wala kami sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Lost Wisdom (Forgotten Trilogy #1)
Fiction généraleContentment. Do you even ask yourself, "What is the feeling of being contented?" Is it having all your wants? Or Is it fulfilling genuine happiness? Aleana, an heiress, has to focus on the idea of connecting herself through learning, to face th...